Chapter 5 - "Clinic"

138 3 6
                                    

"Bat nagkasugat yang kamay mo?" Tanong ng nurse kay Divine

"H-ha, nahiwa lang po ako.." - Divine

"Dito ka muna, may kukunin lang ako, mahiga ka muna dyan" - Nurse

"Sige po." Sagot niya

Naiwang mag-isa si Divine sa clinic. Hindi niya alam kung totoo ba talaga ang nakita niya sa CR o guni-guni lang niya..

Habang nakahiga si Divine sa kama ay may siyang tumatawag sa kanya..

"Psssssst..... Pssssst........"

Parang galing ang tunog na iyon sa ilalim ng kanyang hinihigaan, sinilip niya ang ilalim ng kama ngunit wala naman siyang nakita.

Biglang nag-patay sindi ang ilaw. Bumukas ng kaunti ang pinto at bigla itong sumara ng malakas na tila may pumasok sa loob. Nagkaroon ng bakas ng paa na may dugo sa sahig at parang naglalakad ito papunta sa kanya.

Kinabahan si Divine at biglang napaatras. Tumakbo na agad siya at agad binuksan ang pinto.

"Aaaaaaaaaaahhhhh!!!!!......"

May humawak sa kanyang braso at pinigilan siyang lumabas.

"Huwag mo akong takasan Divine..."

"Sino ka ba??? Bakit mo ba ko laging sinusundan? Wala naman akong ginagawa sayo!!" Tumulo ang luha ni Divine

"Sigurado ka? Hindi mo ba ako naaalala?" Puro dugo at parang naaagnas na bangkay ang babaeng pumigil kay Divine. Ang boses niya ay sobrang lalim, walang siyang mata, puro dugo..

"Ayoko na.. tama na!" - Divine

Biglang naglaho ng parang bula ang babae. Nabuksan ni Divine ang pinto at agad na pumunta sa kanilang classroom.

Pero may napansin siyang kakaiba.....

 -------------------------------------------------------------------------------------------------

( ゜∀゜)彡

♥ Vote ♥ Comment

(づ ̄ ³ ̄)づ  Fan nyo nman aq oh xD iffan q rin kau

( ^ω^) Solomots!

ⓘ ⓛⓞⓥⓔ ⓨⓞⓤ

♥ Chocolate_Mint ♥

  /l、

(゚、 。 7

 l、 ~ヽ

 じしf_, )ノ

LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon