Paglabas ko ng clinic, nagtataka ako kung bakit nawala yung mga tao sa school. Ako nalang yatang mag-isa ang nandito.
Pinuntahan ko yung room namin, hindi ko mabuksan. Nakalock ito.
Tiningnan ko ang sapatos ko, puro dugo ito, may umaagos na dugo galing sa pinto ng classroom.
Umalis agad ako, hindi ko alam kung totoo ito o panaginip lang. Agad kong pinuntahan ang gate, buti nalang at nakabukas ito.
Nakalabas na ako ng school. Gabi na pala, hindi ko man lang namalayan. Ilaw lang ng poste ang nagsisilbing ilaw ko.
Naglakad ako para maghanap ng sasakyan. Nag-intay ako harap ng mukhang abandonado at lumang bahay na katabi ng school namin.
Napansin ko na wala ni isang sasakyan ang dumadaan. Kinakabahan na ako, hindi ko alam kung paano ako makakauwi.
Tumaas ang balahibo ko ng umiingit ang pinto sa abandonadong bahay. Nilingon ko ito, nakabukas ito ng konti, kaya sumilip ako.
"Umalis ka dito!"
Nagulat ako nang may matang nakasilip din sa pinto. Natakot ako sa nakita ko, kaya tumakbo ako ng tumakbo.
Hiningal ako kakatakbo. Medyo malayo na rin ang natakbo ko, nakita ko ang isang building na apartment. Pero may isa pa akong napansin...
May babaeng naglalakad sa harap ko. Nakasuot siya ng pantulog na kupas na ang kulay. Gulo-gulo ang buhok, ang kanyang katawan ay parang bali-bali, kakaiba siya kung maglakad.
Ayoko sana siyang lapitan dahil natatakot ako, pero naglakas loob ako dahil baka matulungan niya ako.
Lumapit ako sa kanya at nagtanong
"Ale, ale, pede po bang magtanong?" Tanong ko.
Hindi pa rin siya lumilingon. patuloy pa rin siya sa paglakad.
"Ale, may problema po ba kayo?"
..
...
....
Umikot ang ulo niya paharap sakin, naalala ko nanaman ang nangyari sa akin. Hindi ako makasigaw, walang lumalabas na boses sa aking bibig. Puro dugo ang kanyang mukha, wala siyang mata at siya ay nakangiti.
Tatakbo na sana ako palayo nang bigla siyang nagsalita..
"Anak ko.... Ikaw ba yan?.. Ikaw ba ang anak ko??..."
"H-hindi po, hindi po ako ang anak ninyo" Sagot ko
"Nasaan ang anak ko?!? Nakita mo ba siya?!?!"
Hindi ko alam ang isasagot ko. Gusto ko na siyang paalisin. Tumuro na lang ako ng malayo para siya ay lumayo.
Napanatag ang loob ko ng sumunod siya sa tinuro ko. Tumakbo na agad ako ng mabilis papalayo sa kanya, hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta, kahit saan, wag ko lang ulit siyang makita.
Maya-maya ay may maliwanag na ilaw ang sumalubong sa akin.....
(May kinakalaman kaya kay Divine ang babaeng nakausap niya? Sino kaya siya?)
-------------------------------------------------------------------
♥ Vote ♥ Comment
Ayan na update ko na po, sorry po mga readers kung matagal ko na iupdate..
Thank you po sa pagbasa ^^

BINABASA MO ANG
Loner
HorrorLagi ka bang mag-isa? O kaya naman ay naiiwan kang mag-isa? Huwag kang mag-alala hindi ka nag-iisa, baka nandyan lang sila, nagmamasid, nagbabantay, at katabi ka.