Amain ang tawag ng buong Arentis sa Baylan ng kagubatan na si Lucas. Baylan ang bansag sa mga manggagaway na nagawang lagpasan ang kanilang sariling kakayahan at nagawang umangat at maging mas malakas sa lahat ng mga manggagaway sa Arentis.
Apat ang mga Baylan na nakatalaga sa buong Arentis. Apat na may kakayahang kontrolin ang apat na Elemento.
Sa hilaga nakatalaga ang Baylan ng Tubig.
Sa Silangan naman ang Baylan ng Hangin.
Sa Timog, ang Baylan ng Apoy.
At sa kanluran... SI Lucas, ang Baylan ng Lupa at kagubatan.
"Mas masarap pa ring humithit mula sa aking pipa, habang pinakikinggan ang maamong pagpatak ng ambon..."--Lucas
Arentis
Written by:
M.K. Brugada / kembing
©2014 - 2015Illustrations by:
JL Abquilan
©2015ALL RIGHTS RESERVED
BINABASA MO ANG
Arentis | Character Sketches | On Hiatus
General FictionPara po ito sa inyo, mga walang sawang sumusubaybay ng Arentis. Para na rin po ito sa mga nagtatanong sa akin kung ano ba ang mga itsura ng ilan sa mga karakter sa ating munting kwento. Kakaunti pa lamang po ang mga ito, pero susubukan ko naman po...