Dating mag-aaral ni Amain itong taga-lupa na si Nathaniel. Isang taga-lupang napadpad at naligaw sa mundo ng Arentis.
Sa tulong ni Amain ay lumaking malakas at makapangyarihan itong si Nathaniel, napakalakas nito--siya ang pinunong mandirigma ng buong Arentis, at sumumpa itong poprotektahan ang buong kaharian laban sa mga nilalang na gustong sumalakay dito.
Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla itong nagbago--naging masama ang budhi at saloobin nito, lalo na ng nakawin nito mula sa kaharian ang pinakaiingatan at pinakakinatatakutang Balani...
Ang buong Arentis ay nangamba sa hindi inaasahang pangyayaring ito; dahan-dahan silang nilalamon ng takot at pagkasuklam sa taong minsan nilang pinagkatiwalaan ng kanilang buhay at kaligtasan, ng kapayapaan ng Arentis.
Wala na si Nathaniel, siya na ngayon si Bakunawa...
Ano ang nagtulak kay Nathaniel upang gawin ang bagay na iyon?
"Walang sinuman ang makakaligtas, sa talim ng aking espada..."--Bakunawa
Arentis
Written by:
M.K. BRUGADA / @kembing
©2014-2015Illustrations by:
JL ABQUILAN / @nevigrof
©2015ALL RIGHTS RESERVED
BINABASA MO ANG
Arentis | Character Sketches | On Hiatus
Narrativa generalePara po ito sa inyo, mga walang sawang sumusubaybay ng Arentis. Para na rin po ito sa mga nagtatanong sa akin kung ano ba ang mga itsura ng ilan sa mga karakter sa ating munting kwento. Kakaunti pa lamang po ang mga ito, pero susubukan ko naman po...