Mang Erting - Ama ni Lerting, dwende ng Bakokoy

846 41 8
                                    

Sa isang nayon, sa gitna ng liblib at misteryosong kagubatan ng Lukbanon matatagpuan ang nayon ng Bakokoy.

Ang nayon ng mga dwende.

Siya ang ama ng mapaglarong dwende na si Lerting, at gaya ni Lerting--mailap rin itong si Mang Erting sa mga taga-lupa.

Ngunit lingid sa kaalaman ng mga taga nayon ng Bakokoy ay mayroong isang tindahan si Mang Erting sa mundo ng mga taga-lupa. Sa isang abandonadong manukan na ginawa niyang tindahan ng mga pagkain ng mga naliligaw na engkanto sa mundo ng mga taga-lupa tuwing gabi.

Wala namang hinihinging bayad mula sa mga engkantong ligaw itong si Mang Erting, bukod sa mga kagamitan ng mga taga-lupang kinokolekta niya simula ng buksan niya ang tindahang iyon.

"Kailangang maging masinop--may paparating na unos... Kailangang maging handa."

--ERTING

Arentis

Written by:

M.K. BRUGADA / @kembing
©2014 -2015

Illustrations by:
JL ABQUILAN / @nevigrof
©2015

ALL RIGHTS RESERVED

Arentis | Character Sketches | On HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon