CHAPTER 03 : The History

50 7 1
                                    

CHAPTER 03 : The History

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER 03 : The History

HINDI pangkaraniwang kalsada. Sapagkat isa itong kalsada na may mga kabayo at kalesa. Napansin niya rin ang hindi pagkakaparehas ng moderno niyang kasuotan sa mga suot ng mga taong nasa paligid.

Ang mga lalaki ay nakasuot ng mga kamiso de tsino na damit habang may salakot sa ulo at may nakasuot din ng mga barong tagalog kapartner ng seda na itim. O 'di kaya ay mga naka-amerkano.

Ang mga babae naman ay nakabaro't saya o pilipinyana kapares ang mga abanikong nasa kamay nila kung saan napaka- ilegante ngunit parang napakihayian nila kung paano sila kumilos.

Nasaan siya? Nasa anong lugar siya? Ano 'to?! Inilingon niya pa ulit ang sarili sa paligid habang nagrerehistro palang sa isip niyang hindi na siya nasa San Sebastian.

Napaisip-isip siya noong itagilid niya ng duko ang ulo niya niyon.

"Ah! Baka nasa fiesta lang talaga ako?" ang sabi niya noon sapagkat hindi malabong nasa fiesta nga siya dahil sa mga kasuotan ng mga tao dito katulad noong pagdating niya. Natawa siya saglit saka muli nagulat at napakunot ang noo.

Pero paano siya basta-basta nalang napunta dito diba? Nagka-short term memory lost siya? Ito na ba ang epekto ng pagbabasa sa gabi at pagpupuyat niya?

Nang tila maya-maya isang lalake ang nakasakay sa kalesa ang siyang parating na sumisigaw at mukhang siya ang pinagagalitan nito. "¡Tabi! ¡Aléjate chica! Napakahina ng iyong ulo. ¡Molesto!" sabi ng lalake dahil sa pagkaharang niya sa kalsada. Nagulat at napaatras nalang siya noon nang matumba siya pa-upo. Hindi niya maintindihan 'yung pinagsasabi ng lalakeng iyon. 'Cornetto daw? Grabe grabe.'

Napaugong-ugong 'yung ulo niya. Ah baka kasi in- character itong mga ito. "Ang galing mo kuya ah? You're the best!" nasabi niya pa kahit nasaktan na siya sa pagbagsak ng sariling puwetan noong makita niya ang abaniko mula sa tabi niya. Kung hindi siya nagkakamali ito 'yung pamaypay na siyang sinasabi ng kanyang mama na galing kay lola niya. Nadala niya ba ito? Hay naku! Napailing-iling nalang si Elena atsaka ito dinampot noong simulan niyang tumayo para magtungo sa tabihan ng kalsada para hindi na maulit pa 'yung nangyari kanina.

Sa kanyang paglalakad-lakad labis siyang humahanga na para talaga siyang nakulong sa sinaunang panahon dahil sa galing ng mga pagkakaayos sa paligid niya maging ng mga tao. Naku! Kailangan ba ganito talaga kagaling ipakita 'yung fiesta sa kanila? Napailing-iling nalang siya at natatawa pa noong mapasilip siya sa isa sa mga shop kung saan may mga magagandang babae ang narito na nakasuot ng saya.

Impyernes din talaga magaganda yung damit sa shop. Mga gown at ibat-ibang version ng saya. Pero hindi niya keribels magsuot ng ganito dahil tantiya niyang napakainit nito sa katawan. Okay na sa kanya ang suot ngayong nakamanggas na t-shirt at leggings. Nagpatuloy siya sa paglalakad saka niya inilagay ang mga kamay sa kanyang likod habang tinatanaw at sinisilip ang bawat gusali nang tila bigla na lamang siya mapapagilid at mapapaiwas sa paglalakad noon ng napakaraming babae ang patakbo ngayon sa tinatahak niyang daan.

LOVE WILL LEAD YOU BACK • COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon