WHO'S THE KILLER?
Another day had passed, muli na namang na busy sa pag-aaral ang magkakaibigan sa loob ng Unibersidad. Never a day that passed that they didn't held their reviewers to study what's inside. Nawala sa pagsu-suspetsa sa isa't isa ang atensyon nila pansamanatala. But that doesn't include the Inspector who's just keeping a keen eye on each and one of them.
Patuloy siya sa pagtatagpi-tagpi ng mga ibedensya. Lagi niyang pinapaalis ang batang police para mangalap pa ng mga ibedensyang makakadagdag sa imbestigasyon. For now, the evidence they have is only the broken specs and the pregnancy test. Hindi pa din lumalantad ang murder weapon kaya mas lalong nahirapan ang Inspektor sa pagresolba ng kaso.
Nasa kalagitnaan siya ng pagtitingin-tingin sa mga papeles na hawak ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya at iniluwa doon ang pawis na pawis na si SPO1 Castillo.
"S-Sir, may nakuha akong b-bagong lead."
Hingal pa na sabi nito. Agad namang iminuwestra ng Inspektor ang upuan para umupo doon ang batang police saka ito inabutan ng basong may lamang tubig.
"Salamat, sir." Lumagok muna ito ng tatlong beses bago nagsalita. "Galing po ako sa Starbucks kung saan sinabi ni Gianne Ruiz na doon sila nagkape madaling araw ng January 5. Totoo nga po'ng nandon sila sa mga oras na yun. Naka-usap ko po mismo ang waiter na naghatid ng kape at tinapay sa kanila na si Ajay Penaranda. Totoo din po na bandang ala-una na umalis ang magkakaibigan. Sabi po ng waiter na normal na nag-uusap lang naman daw ang magkakaibigan nung araw na yun. Nagtatawanan at minsan ay nag-aasaran pa daw sila. Wala naman daw po siyang nakitang mali o di kaya nakakataka sa mga kinikilos ng mga suspect sa araw na yun."
Hindi maintindihan ng Inspektor kung matatawag bang lead yun, pero laking tulong na din ito para mawalan ng kaunti ang mga iisipin niya. Sa mga narinig niya sa batang police, hindi niya pa din mawawala ang duda sa magkakaibigan. Alam niyang may mga alam ito.
Nung araw na isa-isa niyang tinatanong ang mga ito tungkol sa araw na yun, kahit anong lihis nila sa usapan, pagsasabing wala silang alam, alam na alam ng Inspektor na nagsisinungaling lang sila. Malaki ang kompyansa niya dahil kahit anong pagsisinungaling ang gawin ng ating mga bibig, ang ating mga mata ang tanging hindi kaya magsinungaling na parte ng ating katawan.
He saw the truth that day through their eyes. The way they shifted their gazed, how their eyes moved in sudden panicked when they heard his question, and how they tried to manipulate their emotion but failed in process.
Alam niya na may alam ang mga ito. Hindi siya titigil na malaman kung ano baa ng nalalaman ng mga lalaking yun kahit na base sa sinabi ng batang police ay lumalabas na silang inosente na sa kaso.
"Mabuti naman kung ganun."
Sabi naman ng Inspektor saka napahilig sa kanyang upuan.
"Hindi lang yun ang nakuha ko, sir. Pabalik na sana ako dito sa presinto ng makita ko si Joville Montanez. May kausap siyang lalaking nakasuot ng itim na jacket. Hindi ko nakita ang mukha ng kausap niya pero alam kong lalaki. May inabot siya ditong sobre, sir. Kutob kong pera ang laman nun."
Kunot noong nakatingin ang Inspektor sa batang police. Hindi niya makuha kong alin sa mga sinabi nito ang 'lead'. Kung siya lang ang titingin ay puro baseless acussation lang naman ang mga sinabi ng batang police. Wala din itong naipakitang larawan o kung kahit anong ibedensya na makakasupporta sa mga pinagsasabi nito.
"Alam mong wala tayong magagawang kilos diyan sa mga pinagsasabi mo Castillo. Wala kang ebidensya at baka ikaw pa ang baliktarin ng mga Montanez kung sakaling aanyayahan natin muli ang isa sa mga angkan nila para sa Interrogasyon."
BINABASA MO ANG
Who's the Killer?
Mystery / ThrillerThere is one impostor among them... The question is... Who?