WE'RE ALL HYPOCRITES
"Luh. Nababaliw na ata ako. Hanggang ngayon naririnig ko pa rin ang boses ni Prof. Tangna. Ganun na ba ako katakot sa nangyaring revalida kanina?"
Natawa na lang ang mga kaibigan ni Kent sa narinig sa kanya.
"You act as if it's your first time. Naka tungtong ka na lang sa 4th year takot ka pa din."
"Aba-aba! Hindi dahil nasa 4th year na'ko di nako matatakot noh! Ikaw nga kita ko kanina kung paano ka natameme nung itanong sayo ni Prof ang Article 266-A of the Revised Penal Code eh! Kung yun pa sana ang tinanong sakin, edi sana hindi ako kinabahan ng bonggang bongga! Baket ba kasi pina-ellaborate pa sakin yung Crimson Case? Punyetang life naman!"
Napasabot pa sa sariling buhok si Kent habang busangot na busangot ang mukha. Hindi kasi siya mapanatag sa naging sagot niya kanina. Halos di man lang siya binato ng binato ng mga tanong ng Prof nila kanina gaya ng mga kasamahan niya na halos di magkanda-ugaga sa pagsagot!
"Feeling ko talaga may favoritism si Prof eh."
Napailing na lang si Margrette sa sinabi ng kaibigan. "Ewan ko sayo, Kent. Ako nga di nagreklamo kahit pina-explain sakin ang Sweetheart theory sa rape eh. People v. Nogpo, G.R. No. 184791, April 16, 2009."
"Eh kasi matalino ka! Matalino kayo! Namputa naman! Paano niyo ba kasi nagagawang mag-recite na parang nagbabasa lang ng kodigo sa mukha ng Prof? Ang finness lang talaga! Lalo natong si Gianne! Ano nga ulit yung tinanong sayo? Andaming follow up questions nun ah. Akala ko nga si Gianne na lang ang estudyante sa mga oras na yun eh. Parang lahat na ata ng pwede matanong kanina naibato niya sayo."
Natatawang inayos naman ni Gianne ang salamin sa mata habang pinapaikot sa kabilang kamay ang pasta ng spaghetti sa tinidor niya. "It doesn't matter who got ask the hardest and who answered it the finest. As long as you gave the very best of your ability to answer it, that's what counts the most. School shouldn't be a place for selfish competions, it should be the place where we could learn tons of things at the same thing have fun while learning them."
"But this is not just a simple school you're pertaining, Gianne! This is Law School for crying out loud! A battle field for future lawyers like us! Survival of the fittis ito lalo na't graduating student pa naman tayo! Urgh! Andaya naman kasi! Akala siguro ni Prof kanina na di ko napansin na parang magkakadugtong lang naman ang mga tanong niya sa inyo! Baket yung akin lang yung sobrang hirap at layo!"
Inosente naman siyang tinignan ni Angel Ann. "Madali lang naman yung sayo, ah. Maybe the main reason why the professor didn't ask you follow up questions earlier because, you immediately gave him the full coverage of the the Crimson Case. You didn't leave any small details unsaid, you delivered them fully furnished."
Sabay-sabay na tumango ang mga kasamahan niya, well, except for Nhalyn who's too busy as of the moment looking in front of her compact while fixing her feathered brows.
"T-Talaga? So tingin mo... makaka-graduate ako? Papasa ako? M-Magiging Abogado ako?"
Masuyong ngumiti si Angel Ann sa kanya at akmang sasagot nang maunahan siya ni Nhalyn. "Ipagdasal mo na lang yan, Kent. Try mong magdasal ng nakaluhod sa simbahan. Baka lang naman pakinggan ka ng Panginoon. Mahirap pa namang maghanap ng milagro ngayon."
Agad sumama ang mukha ni Kent sa sinabi nito. "Alam mo? Napaka-attitude mo talaga. Punyetang Dragong ka."
Ngumisi lang si Nhalyn. "Ay nako, girl. Huli ka na sa balita, magnitude na'ko."
BINABASA MO ANG
Who's the Killer?
Misteri / ThrillerThere is one impostor among them... The question is... Who?