Chapter Twenty-Two

9 4 1
                                    

SHE'S A PSYCHOPATH






Hindi mapigilan ni Nhalyn ang mapangisi ng makitang papalapit si Margrette sa kanila ngayon. Mas lalong lumaki ang ngisi niya ng makilala ang kasama nito. Napatingin siya sa mga kasamahan niya na ngayon ay naguguluhan kung bakit magkasama ang dalawa.

"Bakit sila magkasama? Magkakilala ba sila?"

Rinig niya pang tanong ni Kent na ikinatawa niya bahagya. Hindi iyon nakita ng mga ito dahil nasa likuran parte siya nakatayo at piniling makita ang kanya-kanyang reaksyon ng mga kasamahan niya.

'Of course magkasama sila. Kilala nilang dalawa ang isa't isa eh. Kilalang kilala...'

Sa kabilang banda naman, hindi mapaliwanag ang kabang naramdaman ni Margrette ngayon lalo na ng makita niya ang pagkalito nila ng makita ang kasama niya. Parang bawat hakbang ng mga paa niya palapit sa kanila ay ang pagbaon din ng mga paa niya sa lupa na parang kay bigat nalang nitong ilakad.

Pinigilan niya naman ang kasama niya sa pagsama sa kanya ngayon papunta sa Unibersidad kung saan siya nag-aarala pero nagpumilit ito at wala na lang siya nagawa pa. Ramdam niya ang maiinit na tingin ng mga kaibigan niya sa kanya, lalo na sa taong nakasunod sa kanya sa paglalakad.

Nang huminto siya sa paglalakad at ngayo'y kaharap na ang mga kaibigan na lahat nakabalatay ang pagkalito sa mukha ay mas lalo lang siya nanginig sa takot.

Takot na baka malaman din nila ang ginawa niya.

"Why are with him, Margrette?"

Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nila, hindi naman nakatakas sa paningin niya ang ngisi ng pagka-aliw sa mukha ni Nhalyn.

'She knows.' Of course she knows.

Mas lumaki ang ngisi nito ng magtama ang tingin nila. Agad itong naglakad palapit sa kanya saka tinapunan ng tingin ang kasama niya na tahimik lang na nasa likuran.

"Oo nga naman Margrette. Bakit nga ba kayo magkasama... ni SPO1 Bernardo Castillo? Wala ka kanina sa klasse at hindi ka din sumasagot sa mga text at tawag nila. Hmmm, I wonder why."

Hindi siya sumagot. Tumikhim ang kasamahan niya sa likuran. "I just drove her here."

Natawa naman si Nhalyn sa naging sagot nito. "And why is that Chief? I thought you're a police officer? Didn't know you're a partime driver too. Funny."

Sarcastiko niya pang sabi. Hindi maiwasang tignan ng masama ni Margrette si Nhalyn na tinaasan lang siya din siya na kilay na parang naghahamon pa ito.

"Don't look at me like that. I'm not the one in the hot seat, but you are. Bakit nga ulit kayo magkasama? You drove her here? Bakit? Saan ba siya galing?"

Kumuyom ang kamao ni Margrette sa mga naririnig na mga tanong kay Nhalyn. Hindi naman siya manhid para di maramdaman na may gustong ipunto ang babae sa mga tanong niya.

Ang mga kasamahan nila na nakikinig at nanunuri lang ay mas lalong naguluhan sa mga naririnig. Ramdam nila na parang may alam si Nhalyn sa mga nangyayari pero sadyang mapaglaro siya at ayaw niyang manggaling pa ito sa kanya. She's the type of a gamer where she wanted her players to show off their hidden horns than exploiting them by herself. She wants to satisfy herself by seeing their reaction after knowing the truth.

"Are you hiding something Margrette?"

Margrette immediately went pale as she heard Gianne's question. Nag-angat siya ng tingin at ang unang pares ng mga mata na bumungad sa kanya ay ang mga mata ng pagtatanong at awa ng isa sa pinakamalapit na kaibigan niya.

Who's the Killer?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon