NOBODY
"Mr. Montañez, ikaw ay namataan sa isang mamahaling restaurant kaninang madaling araw na may kausap na kung sino. Lalaking nakasuot ng itim na jacket kung hindi ako nagkakamali. May inabot ka daw ditong puting sobre. Pwede ba naming malaman kung ano ang laman nun at kung sino ang taong yun?"
Bahagyang napangisi si Joville sa naging tanong ng Inspektor. Nasa loob sila ng silid kung saan na siya na interroga nung una. Wala naman talaga sa plano niya ang sumama sa mga ito pero... something came up in his mind kaya hindi na din siya nagmatigas pa.
"Sino namang nagsabi niyan sayo? Yung bata mo? Tsh. You're trusting the wrong man, I tell you."
Pero hindi iyong binigyan pansin ng Inspektor. He knows that the young man is just making up things to disturb his mind in the case. To shake his trust. That's what he thought...
"Pakisagot na lang sa tanong Mr. Montañez."
Joville just shrugged before opening his mouth. "His just a nobody."
The Inspector's brow rose up. He finds the answer very pathetic.
'Nobody, huh? Kung nobody lang yung bakit niya bibigyan ng kung anong laman ng puting sobre na yun? Talaga bang nag-aral ng abogasya ang batang to? His reason is too dumb that even a grade school won't accept it as a reason.'
"A nobody. Are you sure that the person you had meet up earlier is just a nobody?"
Pag-uulit ng Inspektor na medyo pinaningkit pa ang mata na parang nanunuri. Joville just nodded without any emotion in his eyes. Kalmado lang siya at hindi niya pinapakita ang totoong nararamdaman. Talo siya kung magpapadaig siya sa init ng ulo niya.
"If that's so, can you tell me what's inside the white small envelop you handed to that person?"
"Money."
Walang pag-aanlin-langan na sagot ni Joville.
"Money. Bakit mo naman bibigyan ng pera ang isang 'nobody', Mr. Montañez? Parang nakakapagduda naman ata."
Joville chuckled on the Inspector's tone na para bang hinuhuli siya nito gamit ang sariling mga salita.
'Self-incrimination, huh? Quite smart yet, dumb for a technique to be use as of the moment.'
Mas naging maingat siya sa mga sagot niya. Sa apat na taon niya sa Law school, napag-aralan na niya kung kailan magsasalita at magbibitaw ng mga salitang kailangan at di naman kailangan. He already, well, somehow managed to perfect the art of perfect timing.
In able for you to win a case, you have to be smart, but also careful in all the things you say specially, in court. Every word you say will be used either against you, or against someone to be incriminated. You have to be very careful, lalo na kung may hawak kang alas o kung may tinatago ka. Isipin mo muna ang mga possible outcomes kung sakaling sasabihin mo ang mga bagay-bagay na may possibilidad na ikakapahamak mo sa huli. You have to preserve the things that need to be kept in the dark as of the moment. Don't exploit things if it's not necessary. Hindi lahat ng lalabas sa bibig mo makakatulong sayo. Minsan, baka ito ang maging dahilan kung bakit ka mawawalan ng kalayaan sa mundo.
"Let's just say that I'm giving that 'nobody' a money for charity purposes, Inspector."
Hindi maiwasang mapagtaasan ng kilay ng Inspektor si Joville dahil sa narinig na rason nito.
"Charity? Kailan pa nagbigay ng pera ang mga Montanez para sa isang charity? Diba nagbibigay lang kayo ng pera para... patahimikin ang isang tao?"
BINABASA MO ANG
Who's the Killer?
غموض / إثارةThere is one impostor among them... The question is... Who?