Point of view:
Naiinis na ko sa guard na 'to!
"Anong problema mo!?" inis na inis kong sabi sa guard.
"Hindi ho pwede ang outsider." sabi ng guard sakin.
Outsider ba ko??? Mag aadvising ako ngayon student ako dito.
Tuwing pupunta ako ng campus lagi lagi na lang ako haharangin nung guard dito.
"Nagpapatawa ka ba? enrollment day bawal outsider!?" pamimilosopo ko sa kanya.
"Nakakaintindi ka ba iho?" sagot nya.
Aba!? ako pa ngayon ang di nakakaintindi? Tss!
"Ano hong nangyayari gusto na ho naming makalabas.." sabi ng ibang naistranded na sa gate.
"Manong guard papasukin nyo na ho ako. Mag aadvising pa ko!" pakiusap ko sa guard kahit yamot na yamot na ko.
Nilabas ko yung old id ko nung nakaraang semester.
"Sinabi nang di ako outsider. ano naman if outsider ako? enrollment day naman ngayon? di ba ang mga enrollees and transferee from other school outsider din sila? tss!" pang aasar ko dun sa guard na utak biya.
Pinagbuksan nya ko ng gate at nakalabas na din yung mga naistranded.
Hinablot ko yung ID ko dun sa guard.
"Oh! baka makalimutan mo pang ibalik sakin yung ID ko at susunod wala na ko maipakita sayo." pang aasar ko.
Hindi maalis badtrip ko pagtingin ko ng celphone ko.
"Pre nasaan kana? Nakapag advising kana ba? paalis na si maam." text ng classmate ko.
Kumaripas ako ng takbo papunta sa building namin.
Nakasalubong ko si maam at nagulat sya sa paghinto ko.
"Maam..." hingal na hingal na sabi ko.
"Iho?.. . anong nangyari sayo???" pag aalala nya.
"Hahab---"
"Iho? are you ok??" tanong ni maam.
"Hahabol po ako.. . sa ad.. . advising maam."
Tinignan ako ni maam mula tuhod hanggang ulo.
"Saan ka ba kasi galing Mr. Cruz?" sambit nya habang kinukuha sa envelope ang form ng advising.
"Yung.. . ah hehe emergency maam. Circumstances comes." pangisi ngisi kuno kong sagot kay maam pero deep inside gusto ko mamayang balikan yung guard at bigwasan dahil muntikan na ko di umabot ng dahil sa kanya.
"Bago ata ang tattoo mo iho? at talagang visible pa ah. Ikaw na bata ka baka anu ano na ginagawa mo???" pag aalala ni maam na tanong sakin.
"Ay hindi po maam.. ." pagkukubli ko.
Si Maam Ana ang isa sa mga hands on na professor na tinututukan talaga ang kanyang mga istudyante kaya naman mataas ang respeto at paggalang ko sa kanya.
Kaya kahit alam ko sa sarili ko na may pagkatarantado ako ay marunong akong magpakita ng manners sa isang tulad nya.
At kahit ganto ako hindi ko pinabayaan ang pag aaral ko.
Kahit ang dami daming nagsasabing pariwara ako at wala ko mararating sa buhay.
Gusto ko ipamukha sa kanila na I can manage myself without their judgement.
Who cares about their filthy minds?
I don't even care about them.
"Sige iho ah. Mauna na ko.. Buti ay nakasalubong mo ko kundi.. ." sabi ni maam
Napangiti na lang ako tapos umalis na si maam.
BINABASA MO ANG
My monochrome life until I met you
RomanceThis is a tagalog version story of "Monochrome life until I met you" originated by the owner. Recommendable for people who understand filipino language. It's no sypnosis due to reason of "it is based story from readers opinion and feelings."