Entrance of 2nd person

15 3 0
                                    

Nasa bus na ko nang maalala ko na naiwan ko ang phone ko sa table ng enrollment registration.

Kaya naman nagmadali akong bumaba upang maabutan ko pang naandun ang akin personal phone.

My phone is very important and it's really matters for a reason na pinaghirapan din ng mama ko na maibigay sakin yun as her gift and sobra sobra ang pangangailangan ko sa phone ko na yun dahil pantulong din sa mga research ko yun lalo ngayon magpapasukan na naman.

Sa pagmamadali ko nakabangga pa ko.

"Ay sorry sorry" sabi ko.

Sabay tuloy sa pagtakbo.

Nakakahiya man sa nabangga ko pero nagmamadali talaga ko.

Nang nasa registration na ako napakahaba na ng pila nahihirapan akong makarating sa harapan kasi ang akala nila sisingit lang ako.

"Miss, kukunin ko lang talaga yung phone ko. Naiwan ko lang talaga.." pakikiusap ko.

"Naku! mga modus na ganyan alam na alam ko na yang mga ganyan galawan" sabi ni ateng nasa harap ko na ayaw man lang talaga magbigay ng way.

"Mi---"

"Pumila ka dun sa dulo ok!?" - pagsusungit talaga nung babae.

Grabe naman sya.

Hays mukha ba kong di mapagkakatiwalaan? Umalis na lang ako dahil kunti na lang masasakal ko na sa inis yung babae.

Sa gilid na ko pumunta sa mismong mga table areas.

"Ahm.. . excuse me po?" pag istorbo ko sa taong nasa gilid ng table areas ng mismong enrollment registration.

"Yes?" - sambit nya.

"Makikisuyo sana ako eh kung ok lang?" - pakikiusap ko.

"Ay di po, mar-"

"Hindi po ako sisingit tapos na po ako. Gusto ko lang po kasi na ipasilip yung phone ko sa registration table ng business department .. . Naiwan ko po kasi sa table." pakikiusap ko at sana naman makinig sya.

"Ay.. . ganun ba?" sabi nya.

"Sige wait lang" sambit nya ulit.

Maya maya lang ay bumalik yung babae.

"Ito ba?" - tanong nung babae.

"Opo akin yan." sabay abot nya sakin.

"Thank you po!" masayang sabi ko.

"Pasensya kana po kanina ah akala ko po kasi kung ano eh. Sige ah. May gagawin pa kasi ako." Sambit nya.

"Sige po, maraming maraming salamat po talaga.".

Hays buti na lang talaga hindi nawala.

Nasa gate na ko ng universities ngunit hindi kami makalabas dahil sa may pinipigilan silang makapasok sa gate.

"Anong problema mo!?" sabi nung lalaki.

"Hindi ho pwede ang outsider." ani nung guard.

"Nagpapatawa ka ba? enrollment day bawal outsider!?" sagot nung lalaki.

"Nakakaintindi ka ba iho?" ani ulit ng guard.

"Ano hong nangyayari gusto na ho naming makalabas.." sabi ng ibang naistranded na sa gate.

"Manong guard papasukin nyo na ho ako. Mag aadvising pa ko!" sabi nung lalaki.

My monochrome life until I met youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon