After three days for being team bahay na tamang watching lang ng cdrama and kdrama and other movies.
Pumunta ako ng Batangas State University kasama lamang ang family driver and isang kasambahay namin para mag-enroll.
Nang nasa batangas state university na ako tumambad ang napakadaming tao na mag-eenroll sa labas palang kaya minabuti ko na mauna ng bumaba ng sasakyan.
Napakadaming tao at maingay.
May mga senior student kasi na nagrerecommend sa mga mag-eenroll na sa department nila magparegister kaya kanya kanya silang pagpropromote ng department nila.
"Miss, nakapagregister kana ba?" sabi nung babae na nag-aassist ng mga enrollees.
"Ahm.. . hindi pa eh" sagot ko.
"Saan department ka ba miss? tanong nya.
"Ahm.. ." tanging nasambit ko
Ano nga bang department? hays dapat kanina ko pa inisip 'to sa bahay palang eh.
"Gusto mo ba tulungan kita miss? Nasaan ba ang COG mo?" sabi nya.
Inabot ko yung envelope na hawak ko.
Pagbukas nya at kinuha nya ang certification of grades ko.
Nanlaki ang mata nya at tumingin sya sakin.
"Why? there's any problem with my grades?" tanong ko.
"Ahm.. wala naman hehe?" sagot nya tapos sabay bulong nya dun sa katabi nya.
"Miss, try mo dito sa department namin" sabi nung kasama nya.
"Oo nga miss." - sabi nung isa.
Napa oo na lang ako at nagregister sa department nila.
"Oh" inabot sakin ang advising form ng department nila.
"Thank you.. .Bye?" nahihiyang sabi ko sabay alis sa pila.
Hindi naalis ang tingin nila sakin kahit nakatalikod na ko sa kanila. Ano kayang problema sa mga yun? Pero ok na rin hindi naman masamang awra yung nafefeel ko eh.
Nag-ikot ikot na muna ko sa campus para naman hindi ako maligaw sa first day of school ko pagnagsimula na ang pasukan.
Habang malayo ang tingin ko may kumakaripas ng takbo ang nabangga ako di ako nakatingin kaya medyo nagbounce ako at napatigil sya at sabay sabing "ay sorry sorry." na may kasamang payuko yuko pa tapos tuloy sa pagtakbo.
BINABASA MO ANG
My monochrome life until I met you
RomansaThis is a tagalog version story of "Monochrome life until I met you" originated by the owner. Recommendable for people who understand filipino language. It's no sypnosis due to reason of "it is based story from readers opinion and feelings."