Chapter 25: Two Thorns in a Rose

34 9 8
                                    

💚 JAYVEEN 💚

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💚 JAYVEEN 💚

TONI has been sweeter and clingier everyday. Minsan nga ay pakiramdam ko nababakla na ito na ewan. Para kasing nagpapa-baby na lang lagi. As in, hindi ko maintindihan!

Sa buong linggo ay magkasama na talaga kaming natutulog. Dahil magkatabi na nga kami ng kwarto ay kumakatok na lang ito gabi-gabi at doon na nagmumukmok sa kwarto ko. Wala itong ibang ginagawa kung hindi ang makitambay lang na para bang kwarto na rin niya iyon. At dahil ako itong si marupok ay mas lalo lang akong nahuhulog sa ginagawa niya. Pakiramdam ko kasi ay napakaimportante kong tao sa buhay niya at ako lang ang gusto niyang makasama.

Could you blame me? Sino ba namang babae ang hindi mahuhulog sa istilu niyang pinapahalagahan ka sa lahat ng bagay. Kuha ko naman na gusto niyang bumawi sa pagkakamali niya pero di ba sobra-sobra na ang lahat ng 'to?

Una, pinareho niya ang schedules namin sa semester na ito. Pangalawa, lumipat siya ng kwarto katabi ko. Pangatlo, tuwing breaktime ay kasama ko rin ito. At pang-apat, sa gabi naman ay magkatabi rin kaming dalawa sa pagtulog. Sa lahat ng 'yan ay wala siyang ibang nakikita kung hindi ako. Mabuti na nga lang at maganda ang pagkagawa ko ng schedule ko at ang duty hours ko ay oras niya rin sa mga barkada niya. Medyo mahaba-haba rin iyon kaya nagkakaroon siya ng oras upang ipaghanda ang malaking event ng Les Speaks.

Biyernes ng gabi at kasalukuyan kaming kumakain ng Jollibee sa kwarto ko. Nag-order talaga ito ng platter ng spaghetti at isang bucket ng fried chicken dahil iyon daw ang paborito ko. Ngayon pa talaga niya ako pinapakain ng marami kung kelan ay gusto ko nang pumayat at sumeksi. Ganito siguro kung nagmamahal ka ano? Gusto mong kaaya-aya ka namang tignan.

"JR," tawag nito na para bang nasa malayo ako gayong magkatabi lang naman kaming dalawa.

"Hmm?" nakataas ang isang kilay na tinignan ko ito.

"Say aaah."

Wala na akong magawa kung hindi ang ibuka ang bibig dahil sinusubo na niya ang spaghetti sa'kin. Ganito na siya ngayon! Ganitong-ganito siya kahit nasa kantina pa kami. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao. Kapag aayawan mo naman ay magmamaktol na parang bata.

"Toni, hindi---"

"Shhh!" pinutol na naman niya ang pagsasalita ko dahil pinunasan niya ng tissue ang gilid ng bibig ko.

That's what I meant about her being sweeter. Minsan nga ay gusto pa niyang dalhin ang bag ko na siyang pinagtatalunan talaga naming dalawa. Nakakalakad na kasi siya ng normal pero ayokong magbitbit siya ng mabigat dahil alam kong dagdag na pwersa iyon sa tuhod niya. Kaso minsan ay matigas talaga ang ulo nito at inuunahan niya akong kunin ang bag ko lalong-lalo na kapag papunta na kami sa kasunod na klase.

"Masarap kasi raw kumain kapag sinusubuan ka. Mas masarap ba?" tanong nito.

Lumingo na lang ako na gaya ng dati ay nagmamaldita ang itsura. Imbes na sagutin ang tanong niya ay gusto kong siya ang sumagot sa sariling tanong niya kaya naisipan kong subuan din ito ng paborito niyang burger steak.

Drunken Love (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon