Chapter 19: Apart

38 10 1
                                    

💚L💚

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💚L💚

LAST week was hell, and this week will be expectedly gloomy. Everyone's really affected with Toni's current situation. Kahit relasyon namin ng A ko ay nadadale na rin.

She's been trying her very best to keep me afloat. Sana lang ay maiintindihan niya ako kahit hindi niya alam ang totoong laman ng isip ko. Kahit ngayon lang ulit, hihingin ko sa kanya ang pag-iintindi na lagi ko namang binibigay sa kanya. Not that I'm counting but I badly need this from her this time.

Patuloy lang sa pagsasalita si A at tango lang din ako nang tango pero sadyang na kay Jayveen talaga ang utak ko.

Did I just say Jayveen? Hay! Yah right! Jayveen.

Lingid sa kaalaman ng lahat ay alam ko ang dahilan ng paghihimugso ni Jayveen. Hindi talaga madali sa'kin ang pumili na pumanig muna sa lugar niya kahit pa na alam kong pwedeng magalit ang buong barkada sa'kin lalong-lalo na ngayon na ni isa sa kanila ay walang kaide-ideya kung ano ang nangyayari kay Toni. Kung kami ay naapektuhan sa kanya, paano na ang mga magulang niya? Nag-iisang anak pa naman siya.

Kung wala lang ako sa mga panahong kailangan ni Jayveen ng maiiyakan, I'd be emotionally stress, too. Who wouldn't be? Toni is not talking to any of us. Kapag dinadalaw namin siya ay nadadatnan naming tulog ito o kung gising man ay hindi naman kami kinakausap. At kapag kakausapin man ay nauuwi lang sa pagkainis dahil tinataboy kami nito.

None of my friends are trying to reach out to Jayveen, too, because no one has the guts to face her after that scene of Toni and Erica. Kagagawan ng isa ay parang kagagawan na rin ng lahat.

Ganoon kaming magbabarkada—one for all, all for one. I'm just really lucky to be a witness of Jayveen's heartbreak or else isa ako ngayon sa hindi kayang makaharap ito, ni kahit na ang kaibigan nito na siyang girlfriend ko. Or maybe, really unlucky.

Kasalukuyan akong nasa kwarto ni A. Simula nang pangyayaring ay ito na ang nagiging tambayan ko. Maliban sa gusto kong bantayan si Jayveen sakaling iiyak na naman ito sa kwarto niya ay mainit pa talaga kasi kami sa mga mata ng mga tao ngayon. Minsan nga ay parang ayoko na lang lumabas ng dormitoryo o kaya ay sumama sa mga barkada ko.

Ang isa pa sa kinaiinisan ko ay ang inaasta ni Toni. She has been playing victim when in fact, for crying out loud, she is to be blamed! Pero dahil kaibigan ko siya ay wala akong magawa kung hindi ay ibigay sa kanya ang suporta na kinakailangan niya na walang pagdadalawang-isip na ipinagkaloob niya sa'kin noon.

But honestly, what's bothering me is how Jayveen worries me more than A's questionable whereabouts. Alam kong hindi ko maipagkakailang nagiging malapit na rin si Jayveen sa puso ko pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pakiramdam ko ay kailangan ko siyang protektahan. The coincidental incident felt like a responsibility for me... or maybe something my mind doesn't want to conclude just yet.

Drunken Love (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon