💚JAYVEEN💚
PAGSAPIT ng alas-dyes ay nagsiuwian na ang mga barkada ni Toni. Pero bago pa iyan ay nagpaalam na ako sa kanila na mauuna na akong magpahinga pagkatapos kong makasigurado na naiwang malinis ang kusina. Nakakahiya naman kay Tita kung maaabutan niya ang bahay na marumi o makalat.
Pagkapasok ko ng kwarto ay naligo na rin muna ako at nagmukmok sa banyo ng mahigit kalahating oras. Masarap pala kasing maligo sa mainit na tubig. Nakakagaan sa pakiramdam at pawang hinihilot nito ang bawat parte ng katawan ko na natatamaan nito.
Ngunit hindi kasali sa paghilot nito ang puso kong nasaktan.
Aaminin ko, nagtatampo ako kay Toni. Kay dali lang kasi sa kanya na ipamigay ako gayong hindi naman niya ako pagmamay-ari! Hindi ko rin naman siya inaangkin upang ipagsigawan sa lahat na walang namamagitan sa'min! Bakit? Sabi ko bang meron? Sarap talagang upakan! Makaisa nga mamaya!
Naalog siguro ang ulo nun kaya ganoon na lang kung makapagsalita! O kaya naman ay ayaw napilitang magluto dahil walang nagprisinta. Nagprisinta naman ako ah at siya itong ayaw! Sarap patikimin ng high five sa pisngi! Iyong singlutong ng chicharon at singlakas ng pagpiga niya sa puso ko kanina!
Kainis! Nanggagalaiti ako sa inis!
Tinapik ko na lang ang aking dibdib sabay sabing, "Puso, okay lang 'yan. Reresbak tayo later!"
Paglabas ko ng banyo ay saktong may tumatawag sa selfon ko. Sinigurado ko rin talagang dala ko na ang damit ko sa loob bago pa ako pumasok kanina kaya ngayon ay taas noo akong lumabas at dinaanan lang si Toni na kakapasok lang din ng kwarto.
Heart calling...
Napangiti ako. Si crush tumatawag! Hindi sinasadyang napalingon ako kay Toni na may naiiwan pang ngiti sa labi ko. Dahil hindi para sa kanya ang ngiti ko, inirapan ko ito bago sinagot ang tawag ni Heart.
"Yes, Heart? Napatawag ka?"
"Hi, Jayveen. Hope I wasn't disturbing you."
"Syempre, hindi. May problema ba?"
Sinadya ko talagang kausapin ito sa normal na lakas ng boses upang marinig ni Toni at matauhan sa kung anong mawawala sa kanya kapag ipapamigay niya ako!
Pinamigay ka na nga, di ba? Tss!
"Nothing. I just want to check if you and Toni are fine. I want to apologize as well about the incident during dinner."
"Ikaw talaga. Nag-abala ka pa. Wala ka namang ginawa, eh, kaya wala kang dapat ipagpaumanhin."
"I'm a little confused actually but it's fine. Kilala ko naman si Toni. So, pa'no. Iyon lang naman talaga. I just want to check on you but I don't want to prolong our talk. Sige na. Matulog ka na. See you tomorrow?"
BINABASA MO ANG
Drunken Love (Lesbian Story)
Romance🌈 | Tagalog |SHE LOVES HER BARKADA SERIES # 1 | Jayveen Raye is the eldest to a family of four who doesn't let any distraction get in the way to her goals. Her determination and persistence earned not only the scholarship she prayed for, but as wel...