Chapter 16: Muse

51 10 10
                                    


💚JAYVEEN💚

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💚JAYVEEN💚

ANG bawat pagtama ng masarap na simoy ng hangin sa aking mukha ay pawang mahikang humahaplos rin sa aking labi. Dinadala ako nito pabalik sa isang pangyayari na tila isa lamang panaginip. Hanggang ngayon ay paulit-ulit ko pa ring nararamdaman ang pagdampi ng mga labi ni Toni sa labi ko at hindi ko alam paano ko iyon tatanggalin sa isip ko.

Alam kong isang aksidente lang ang iyon ngunit bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito malimot ng puso ko? Ang lakas pa rin ng kabug ng dibdib ko at hindi ko alam paano pakakalmahin ang sarili pagkatapos ng nangyari. Ang isa pang dumagdag doon ay ang mga tanong nito na hindi ko lubos maintindihan.

May pag-asa bang magkagusto ka sa isang tulad ko? Kaya ba ng puso mo ang mahalin ako?

Hay, Toni! Binigyan mo talaga ako ng isang palaisipan! Mahirap magsalita ng tapos lalong-lalo na sa paksang tungkol sa pag-ibig. Lumaki at namuhay ako na ang tanging alam ko ay sa lalaki lang magkakagusto ang isang babae. Hindi man lingid sa kaalaman kong maraming berdeng dugo sa mundong ibabaw ngunit ngayon lang ako nakatagpo ng mga kagaya nila sa buhay ko. At hindi lang nakatagpo kundi ay nakakasalamuha ko pa ng madalas.

Kaya ewan. Hindi ko alam kung kaya kong turuan ang puso ko. Ni hindi ko nga alam kung pwede bang turuan ito.

"Ako pa talaga ang tinanong eh alam naman niyang wala pa akong karanasan pagdating dun!" pagmamaktol ko.

"Should I call a mental hospital now? I think you're really ill given that you're talking to yourself," pagsalita ng kasunod ko.

Paglingon ko ay agad akong napatakbo sa kanya at napayakap. "AM! Kumusta ka na? Ang tagal mong hindi nagpakita!"

Tinawanan lang ako nito at gaya ng dati ay nakabulsa pa rin ang dalawang kamay.

"Tss! Hindi ka na nagbago! Ni yakap ang damot mo!" reklamo ko.

Hindi ko alam kung conservative bang matatawag si AM o sadyang mahiyain lang. Napakasalungat kasi niya kay Therese. Kung si Therese ay mahilig sa mga hawak kamay at yakapan, si AM naman ay nakatago lagi ang mga kamay sa loob ng bulsa at hindi yata tinuruan paano yumakap o bumeso ng tao. Si Therese ay mahilig sa skirts at shorts samantalang si AM ay hinding-hindi mo mapapasuot nun.. Minsan nga ay para na siyang si Heart kung manamit.

Speaking of Heart, sabi niya magkikita kami ngayon pero nasa'n na siya?

"Ikaw ang kumusta na. Mukhang may kinaiinisan ka na naman, ah?"

"Na naman?"

"Oo. Naririnig kasi kita sa kwarto mong may kaaway lagi," makahulugang tingin ang iginawad nito sa'kin.

Ganoon kami kaingay ni Toni?

"Seryoso?!"

Natawa na naman ito at napalingo.

Drunken Love (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon