💚JAYVEEN💚
BINILISAN ko na ang pag-aayos dahil kanina pa ako nakatanggap ng mensahe mula kay Toni na nasa labas na siya ng opisina. Ang pinakaayaw kong gawin niya na posibleng mangyari sa mga oras na ito kapag hindi ako magmadali ay ang pumasok siya dito at makipagkilala kay Beatrice at sa trainee namin na si Juanita. At kapag minalas pa ay puwede pang magkasama na sila ngayon ni Therese na pinangakuan ko kagabi na sasamahan ko sa kanyang pagsashopping.
Biglang bumukas ang pinto at gulat na napalingon ako sa taong nakadungaw lang. I was so preoccupied with Toni to the point that seeing Troy anytime did not cross my mind.
Sinulyapan lang ako nito saglit na may nakatatak nang pilit na ngiti sa mukha bago kinausap si Beatrice.
"Hi, ladies! Is Sir Rodriguez here?"
Kapag kasi may ibang tao ay hindi niya tinatawag na dad ang ama niya. It's part of their father-son protocol.
Bago pa masagot ni Beatrice na nagtataka rin siguro sa hindi pagpasok ng tuluyan ni Troy ay si Sir Rodriguez na ang sumagot sa tanong ng anak.
"Troy? Is that you?"
Doon lang tuluyan na binuksan ni Troy ang pinto at pumasok.
"I guess that answers my question," wika nito sabay sarado ng pinto.
"I was expecting you to be here pagkabalik ko galing sa huling klase ko. Where have you been? Di ba kanina pa tapos ang klase mo?"
"Yes, Sir. Nagpunta lang po ako sa library," magalang na pagsagot nito sa ama.
"Sir?"nagtatakang komento ng ama. "Ah, new face. It's fine anak. Juanita is our scholar trainee here. Troy, meet Juanita. Juanita, meet my son, Troy."
"Anak nyo po?" Hindi makapaniwalang tanong ng katabi ko. Natawa naman sina Beatrice, Troy at Sir Rodriguez habang ako ay itinuon lang ang atensyon sa pag-aayos ng gamit.
"Hindi ba kami magkamukha?"
"Akala ko lang po kasi bata pa ang anak nyo."
"So, matanda na pala ako?" kunwari offended na wika ni Troy na may pahawak pa sa dibdib. "Ouch! Dad, pinipili mo yata ang mga scholars na papanig sayo, eh."
"Ay hindi naman po sa ganun. Paumanhin na po," wika ng inosenteng Juanita.
Habang binibiro pa nilang lahat si Juanita, ako naman ay naghahanap lang ng tsempo na makalabas. Ngunit bago ko pa magawa iyon ay si Sir Rodriguez na mismo ang unang nagpaalam.
"So, paano ladies, we have to go. You all can go, too. And, by the way, bukas salitan na lang kayo, ha. No need for the three of you to be here."
"But Sir, marami pong gagawin dito sa office, eh," tugon ko.
"I know, Jayveen. But hindi agad matuto si Juanita kung kasama niya kayong dalawa ni Beatrice. She should feel the pressure or else, kayo lang din dalawa ang gagawa ng lahat dahil busy nga kayo. So, kayo na ang bahala mag-usap-usap kung sino ang hindi papasok bukas. Just Juanita has to be here tomorrow and next week, at siya ang panghuling makakapag-day-off."
BINABASA MO ANG
Drunken Love (Lesbian Story)
Romantizm🌈 | Tagalog |SHE LOVES HER BARKADA SERIES # 1 | Jayveen Raye is the eldest to a family of four who doesn't let any distraction get in the way to her goals. Her determination and persistence earned not only the scholarship she prayed for, but as wel...