Chapter 1

115 4 0
                                    

Ashley's POV

Wala na bang teacher na mas gagaling pa dito sa matandang gurang na toh? Kanina pa to nagdi-discuss pero ang boring!! parang bumubulong nga lang sa sarili niya sa hina ng boses eh

"Ma'am" tawag ko sa teacher na to, tinanong naman niya kung bakit ko siya tinawag

"May i go out?" pagpapaalam ko naman

"Yes you may" akala ko hindi papayag eh kundi ay talaga baka may magawa ako sa teacher na yun

Paglabas ko nakahinga na ako ng maluwag at dumiretso muna sa canteen para bumili ng softdrinks

Ako nga pala si Ashley Dwane Mariano 17 years old 4th year high school sa Montenegro High. At may napakagwapo akong boyfriend na si Shawn Lopez ang sweetest boyfriend na meron ako

Speaking of Shawn? Nasan kaya yun? pumunta ako sa gym ng school dahil dun lang naman tumatambay yun eh

Ano yun? Bat ang dami yatang tao doon?

'Torrid! Torrid! Torrid!' sigaw ng mga students ano nanaman kaya itong eksena na toh?

Ginawa ko na ang lahat para makasingit sa mga nagguguluhan na mga studyante dito ang dami na ngang nagrereklamo dahil sumisingit ako at nang malapit na ako para makita yung nasa harap...halos gumuho na ang mundo ko, nabitawan ko narin ang softdrink na hawak ko dahil sa nakita ko

Ang pinsan ko at si Shawn... naghahalikan

Para na akong napako sa kinatatayuan ko ngayon, kitang kita ko ang mukha ni Ann pinsan ko na sarap na sarap siya... mga manloloko

Ngayon nagkaroon na ako ng lakas ng loob para umalis na doon. Ayokong umiyak dahil sa kanila ayoko. Nagpakatanga nanaman ako pagdating sa lalaki, nanaman

Sabi ko na nga ba eh may iba na siya, una palang naramdaman ko na yun. Ang tanga ko lang talaga at nag-jowa ako ng section 2 eh alam ko naman na lahat ng lalaki doon ay playboy, ano pa bang ie-expect ko? At ang masaklap ipagpapalit niya nalang ako sa pinsan ko pa!

Pumunta ako sa palagi kong tinatambayan kapag nagdi-ditch ako ng klase ko ang garden ng school, umupo ako sa may bench dun at nagsimula ng umiyak, kasasabi ko lang kanina na hindi ako iiyak pero heto ako ngayon umiiyak

1 year rin naging kami ni Shawn di ko akalain na ganito lang matatapos ang relasyon namin, alam ko namang makati masyado yung pinsan ko pero di nya ako kayang traydorin.

'Nagawa na nga niya diba?' sabi ng inner mind ko

Paano ko naman masisikmura yung pinsan ko kung araw araw eh magkasama kami sa bahay? hindi naman ako mahilig magalit sa iba lalo na sa kanya dahil isa siya sa mga naging kaibigan ko.

Feeling ko mamatay na ako dito.tss. tumayo nalang ako at naglakad na paalis ng school kahit hindi pa pwedeng umuwi.

Kalalabas ko palang ng gate bigla nalang umulan, sige lang buhos pa ulan kailangan kita ngayon ibuhos mo lahat sakin lahat ng tubig mo para makasabay ang pagluha ko sa bawat patak ng ulan.

Dumating ako sa bahay ng gabi na at basang basa pa ang buong katawan ko dahil sa ulan

"Oh my! Coz what happened? Bat basang basa ka?" Agad kumulo yung dugo ko dahil bumungad sa akin si Ann na parang walang nangyari

"It's none of your businesses" sabi ko nalang at dumiretso na sa kwarto ko

I want to slap her face, gusto kong kalbuhin siya, bugbugin hanggang sa mabura na ang mukha niya, ang kapal rin naman talaga ng mukha niya. Slut, bitch, a fucking whore!

Patuloy ang pagkatok nina Tita sa pinto ko, sinabi ko narin na susunod ako

"Kamusta ang school?" tanong ni tita, hindi na ako sumagot kundi kumain nalang ako ng tahimik

"Grabe talaga mom ang saya talaga may ginawa kaming project sa school at dahil dun mas lalo akong naging famous sa school!" sabi ni Ann at tuwang tuwa pa, yun pala ang tinatawag niyang project ah kalandian

'Naging famous dahil sa kalandian' bulong ko

"May sinasabi ka Ashley?" umiling nalang ako at tumayo papunta na sa kwarto ko

Ewan ko bakit parang bigla nalang akong nahilo. Shit. Narinig kong tumunog ang phone ko, nung nakita ko kung sino yung nag text napamura ako

From: Shawn ❤

'Hi babe, di mo ako hinintay kanina? di tuloy kita naihatid, Love you..

Binato ko agad yung cellphone ko dahil sa galit, bat ba ang galing nilang magpalusot?

Double shit...

Gaganti ako, pagbabayaran nila to, sisiguraduhin kong babagsak sila.

***

Walang pasok ngayon kaya nandito muna ako sa condo ni Lynne ang bestfriend ko

"Kamusta na kayo ng lovey dovey mo?" tanong niya sa akin, sa tingin ko nga naiinsulto ako sa pagtatanong niya eh

"Ginilitan ko na sa leeg...gusto mong sumunod?" Sabi ko sa kanya tsaka tumingin ulit sa TV

"Sabi ko naman kasi sa'yo walang maidudulot na maganda yun sayo eh, tingnan mo ikaw ngayon ang luge" oo na ako na ang tanga alam ko naman yun eh

"Ode ako na ang mali dapat talaga nakinig ako sayo eh...happy? Tanga na ako wag mo nang sabihin alam ko na iyon!" sabi ko at tinapon ang unan na hawak ko at umiyak uli

"Hindi naman sa ganon bes kaso lang kasi mai-inlove kanalang kasi sa sec.2 pa eh alam mo namang mga gago yung mga nandun" hiya ako sa jowa niya ah "Excemption na si Bryan dun"

Hindi nalang ako kumibo at nanuod nalang

"Oh ngayon break na kayo?" umiling naman ako

"Nge? Eh kelan mo sasabihin? pag pumuti ang uwak? sino ba kasi yung lintek na babaeng lumandi dyan kay Shawn?" sumikip nanaman ang dibdib ko

"Si...Ann" mahina kong sabi

"Sabi ko na nga ba eh!! yang pinsan mong harot ay mapapatay ko na talaga! ang landi talaga nun!" high blood nanaman siya

"Puso mo tol" pagbibiro ko pa

"Nagawa mo pang magbiro!" sigaw niya sabay inom ng tubig, pasalamat nalang ako at may kaibigan ako na tulad nitong si Lynne

'Sawa ka na ba sa panloloko ng Boyfriend mo sa'yo?'

Napatingin kaming dalawa ni Lynne sa TV dahil sa commercial na narinig namin

'Kung gusto mo na siyang kalimutan o gantihan dito ka na sa WannaBeBoyfriend, lahat ng kailangan mo meron kami'

Nagtinginan kami ni Lynne na nagtataka meron bang ganyan na Company?

'Gusto mong matuto humalik? Mag seduce? make love ba? meron rin kami just call us in this number 8888
and you'll get want you want!'

Kadiri naman kung ganyan labag na yan sa human rights ah! di pwede yang ganyan!

"Yan!" Nagulat naman ako sa pagsigaw netong babaeng katabi ko

"Yan ang kailangan mo!" sabi niya sakin "Dali tawagan mo na!" binato niya sakin yung phone niya, kaya wala na akong nagawa kundi idial yung number

[WannaBeBoyfriend, May I help you]

Isang babae ang sumagot sakin, sigurado kaya ako sa gagawin kong ito? Ang sama naman kasing tingnan kung kasama mong boyfriend kuno ay dahil lang sa isang contract

[Hello?] Tawag uli nung babae

[Uhm...kukuha po sana ako] Sana tama tong gagawin kong ito.

[Ahh. Okay po txt nyo nalang po ang address niyo at ipapadala po namin sa inyo ang mga files ng mga best sellers. Thank you and Bye]

Ginawa ko naman yung gusto nung babae ang hihintayin ko nalang ay yung mga files ng...best sellers? tao ba talaga o bagay?

argh!! Hindi ko alam ang gagawin ko! Please Lord help me, tama ba to?

She's Dating Mr.PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon