Ashley's POV
"Dala mo na ba?" tumango naman ako kay Andy
Inabot ko sa kanya yung sobre na naglalaman ng 70k. Yeah si Jerrick na talaga ang pinili ko paano ba naman nakuhanan pala kami na hinalikan niya ako kaya pinangba-blackmail niya sa akin.
Sabi niya pag hindi siya yung pinili ko ikakalat niya daw ang picture na nakuha niya sa school ko. Syempre pumayag na ako sa gusto niya baka kasi di pa ako maka-graduate eh mahirap na baka lalo pa akong itakwil ng mga magulang ko
"Sige i-form mo nalang tong kontrata at si Jerrick na mismo ang magsasabi ng mga rules sa iyo" kinuha ko yung papel na hawak niya at sinimulan na itong basahin, mga konting katanungan lang naman ang nakalagay doon.
Pero may isang tanong na nai-stuck sa mata ko
'Bakit si ______ ang pinili mo?' sinulat ko muna yung pangalan ni Jerrick doon
Bakit ko nga ba siya pinili? Dahil sa age diba? tsaka mas magkakasundo kami kung ganoon
'Magkasundo nga ba kayo!?'
Oo na hindi! ang pakelamera mo talagang inner mind ka
BASTA! Feeling ko kasi unang kita ko palang sa picture niya nun parang ang gaan gaan na ng loob ko sa kanya pero asar parin ako lalo na sa ugali niyang gasgas!
Inilagay ko yung sagot ko doon at pinirmahan na yung contract sabay bigay ko ng papel kay Andy
Lumabas na ako sa restaurant at nag-abang na ng taxi tutal may extra money pa naman ako eh
Bzzt. Bzzt.
Kinuha ko sa bulsa ko yung cellphone ko at tiningnan ko kung sino yung nag text sakin
From: Jerrick >:(
Punta ka dito sa condo ko sa may *******. I'll wait for you.. See yah :*
-End of Msg-
Tss paimportante nanaman to akala mo naman close kami minsan
Sumakay ako ng taxi at pinamadali agad yung driver nakakahiya naman kasi Jerrick eh baka Mainip
Pagpasok ko sa condominium na yon grabe ah makalaglag panga para kasing mansyon sa laki eh.
Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 3rd floor. Pagbaba ko ng elevator hinanap ko agad ang room niya room 365 daw eh
Habang hinahanap ko ang room na yon napapaisip talaga ako kung bakit niya ako pinapunta dito
Baka naman... Waah! I re-rape niya siguro ako? Hindi noh hindi talaga. Ano ka ba Ash! Think positive siguro may mga pag uusapan lang kami.. Yun lang yun tama
Nasa harapan na ako ng room niya... Tutuloy ba ako o hindi? Maaga pa naman para mag back-out eh
Argh! Aatras na nga ako!
Paalis na sana ako nang may naramdaman akong humawak sa balikat ko
"Where do you think you're going?" tumindig naman ang balahibo ko mula ulo hanggang paa nang may bumulong sa may tenga ko.
"A-aalis?"
Pagkasabi ko noon sinandal niya ako sa may pader kaya nakita ko na kung sino man toh, si Jerrick pala pero bakit ganon ang boses niya?
"Ano nanaman yang itsura mo? Akala mo siguro may gagawin akong masama sayo noh? Asa ka pa" sabi niya ang kapal talaga ng mokong na to
Pinapasok niya ako sa loob ng room niya and infairness malinis ah hindi mo akalain na lalaki ang nagka-kwarto dito and organized ang mga gamit niya, kwarto ko nga di maayos eh at hindi mahalata na babae ako
BINABASA MO ANG
She's Dating Mr.Pervert
Teen FictionA girl that is fooled by her stupid boyfriend. And now she want to be strong and make her ex drools to her. Jericho Blake or Jerrick became to be her new contract boyfriend for 5 months