Ashley's POV
Nakakaasar! Naka dalawa na sakin si Jerrick ah, di lang ako maka angal kasi nanghihina talaga ako nung araw na yun
"Ashley Dwane Mariano, you are the rank 8 of our class this quarter"
Lagot ako neto kina Repapips este sa Papa ko pag nakita niya ang grades ko
Pangarap pa naman niya ay ang magtapos ako ng Valedictorian or Salutatorian man lang eh alam naman niyang katamtaman lang ang talino ko, sipag lang talaga ang meron ako ngayon
"What's happening to you Mariano? Bumababa lalo ang grades mo from rank 5 to 8? For sure your parents will be dissapointed if they knew this" sabi ng adviser ko, pakelam niya ba!? Siya ba nag papa-aral sakin? Di naman ah
*RINNNNNG!!! *
Salamat naman at Recess na namin
"Ash dito dali sabay kana sa amin" tawag nina Lynne sakin, buti kasama niya tong sina Madelle and the company eh madalang nalang kasi namin makasama yang mga yan eh, pano ba naman lingkod ng school yang mga yan eh
"Blooming si Ashley ah" pang-aasar sa akin ni Kriscelle
"Oo nga, dahil siguro dun kay Fafabols niya haha" siraulo tong Nica na to
"Asa pa kayo ulol humanap nga kayo ng pagti-tripan niyo" banat ko at umupo sa tabi ni Thania
Buti pa tong mga to ang sasaya ng mga lovelife nila, super loyal naman kasi ng mga lalaki nila konti nalang pati kung ilan ang buhok nila eh sabihin na nila sa sobrang honest
"Sungit mo naman, nga pala ireto mo naman ako sa kaibigan ng boylet mo, syempre kung gwapo yung boyfriend dapat gwapo rin ang kaibigan niya!" alog sakin ni Ice
"Anong ireto? may Paolo ka na tama na yun" sabi ko kaya nag sad face dawmo siya, eww di niya bagay!
"Pero di nga? San lupalop mo ba nabingwit yang Jerrick nayan? Para naman mamingwit rin kami haha" inirapan ko nalang sila mga may topak talaga sila
Bat ba ako napalilibutan ng mga may sira sa ulo? Pati tuloy ako nahawa na
Pagkatapos kong kumain eh bumalik na ako sa room namin. Bat walang tao? Kinuha ko ang bag ko at aalis na sana nang biglang may nanghila sakin at dinala ako sa isang hindi ko alam na room pero ang dilim parang budega
"Sino ka!?" sigaw ko pero wala naman sumasagot
Asan na ba ang ilaw dito? Ang init dito bwisit!
"Hoy! Palabasin niyo ako dito!!!" sabay sipa ko sa pintuan
Anak pateng naman oh!? Ang malas ko talaga! Na trap pa talaga ako dito!
"Kung sino man ang nagkulong sakin dito mamatay ka na sana bwisit!"Magsasalita pa sana ako nang may humawak nanaman sakin at isinandal ako sa may pader, ang sakit ng likod ko dun ah
Nang matanggal ko ang kamay niya sa bibig ko agad na akong sumigaw
"Tulong!!! Sino ka ba ha! Tulungan niyo ak--"
Immmp! Lalo akong di nakagalaw ng may humalik na sa akin, sino ba to! Napaiyak nalang ako wala na akong magawa eh
"Tss ang yabang mo, yan lang pala katapat mo" napatuwid ako ng marinig ko kung sino ang nagsalita
"Sh*t!" agad kong sinipa ang gagong humalik sa akin at sinuntok siya sa mukha, akala niya? Marunong kaya akong mag wushu
"Ano bang nasa isip mo at ginawa mo yun!?" sigaw ko
Sunod sunod na kamalasan na talaga ang pumapasok sa akin. Maliligo talaga ako ng alcohol mamaya.
"Sa tingin ko kasi naturuan kana ni Jerrick eh, master of all yun eh"
BINABASA MO ANG
She's Dating Mr.Pervert
Teen FictionA girl that is fooled by her stupid boyfriend. And now she want to be strong and make her ex drools to her. Jericho Blake or Jerrick became to be her new contract boyfriend for 5 months