Chapter 9

46 1 0
                                    

"ASHLEY! Wake up!"

Aga namang bulabog yan! Teka? Asa bahay nga pala ako ng tatay ko. Jusme!

Napabalikwas ako at dumiretso ng banyo. May klase pa ako ngayon tapos late pa! Pagkatapos kong maligo bumaba na ako at dumampot ng isang sandwich sa lamesa pero pinalo ni Papa ang kamay ko.

"Manners young lady"

Nag sorry nalang ako at umalis na pero para akong ibon na ayaw pakawalan. Pano ba naman ihahatid daw ako at may sarili pang kotse at driver, wala naman na ako magagawa kaya sumakay nalang ako.

"RK (rich kid) Ashley" sigaw nina Madelle pagkababa ko ng kotse

"Mam magpayong po kayo"

"Di na. OA naman kuya driver" sabi ko at tumakbo nalang para di mabasa ng ulan

Pagkapasok ko sa room namin agad kong napansin ang mga matang nakatingin sakin. Pake ko sa kanila hahaha.

"Bes!"

Napalingon ako nang tawagin ako ni Lynne, kasama niya ang isa pa namin na kaibigan na si Shera na abnormal joke

"Oh bakit?"

Ngumiti lang si Lynne sakin at may binigay na isang papel at lumayas nanaman. Pagkabukas ko nung papel agad akong napangiti.

'Start your day with a Smile darling'

-Mr. J

Maloko talaga yung Jerrick na yun.

"Class this September gaganapin na ang Senior Prom ninyo kaya baka next week ibibigay ko na ang mga partners niyo" sabi nung teacher namin

Jusme yan ang ayaw ko sa Highschool life kahit gustong gusto ng iba ang Prom aba ibahin nyo ako dahil ayoko talaga nun. Pano ba naman di ako marunong sumayaw ng may partner.

Kaya sorry nalang dun sa makakapartner ko.

"Mam pwede bang kami nalang ang pumili ng makakapartner namin?" tanong ni Icelle. Jowa kasi nya yung taga section 2 kaya gusto nya yun yung partner nya

Kung sanang dito lang nag aaral si Jerrick edi sana sya nalang partner ko, kaso matangkad masyado yun kaya di ko rin abot.

Natapos ang araw ngayon sa school na puno ng projects, nahihilo na nga ako sa sobrang dami. Tapos di ko pa alam kung ano uunahin ko. Dagdag pa yang prom na yan.

Dahil badmood ako ngayon, sa cafeteria na muna ako tatambay. Pero mali ata ang pagtambay ko dun dahil may humarang na hipon sa harap ko.

"Any problem hipon?" sabi ko kaya naman halos umabot na sa anit nya ang panget niyang kilay dinaig pa nya ang kilay ng mga terror na teachers sa school

"Akala mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mo sakin?" I remember na! sya yung hipon na kasama ni walangyang Shawn! Sounds bitter naman ako. Tss

"Sa sinabi mo halatang di mo pa nakakalimutan" walang gana kong sagot sa kanya, bitch na kung bitch eh wala ako sa mood makipag bangayan sa sea creature na to.

Tinitigan naman nya ako mula ulo hanggang paa. Kapal naman ng mukha nito! Ay makapal pala talaga puno ba naman ng kolorete sa mukha para ng coloring book.

"Alam kong maganda ako, pero nakakabastos naman iyang titig mo" sabi ko sabay walk out. Pero hinablot nya ang braso ko at sapilitan na iniharap sa kanya

Gumawa pa sya ng eskandalo dito.

"Let me go or I'll rip your freaking hands" binitawan naman nya ang kamay ko. Muli ko syang tinignan mula ulo hanggang paa nya, ginaya ko lang naman sya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's Dating Mr.PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon