Chapter 5

77 2 0
                                    

Ashley's POV

Kasalukuyan akong naghahanda para pumasok na sa school.Ang sakit na nga ng ulo ko kaka-review ko para sa exam ko eh, idagdag mo pa ang kakulitan ni Jerrick pasakit sa ulo yung unggoy na yun

Lalo pang sumasakit ang ulo ko kada naalala ko yung sinabi niya na tutulungan niya daw akong kalimutan si Shawn

"Coz! Nandyan na yung sundo mo!"

Sundo? Kelan pa ako nagkaron ng sundo? Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si Jerrick na prenteng prente na nakaupo

"Tara na?" tanong niya kaya hinila ko nalang siya palabas, hindi na nga ako nakapag-paalam kay tita eh

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya, para naman kasi siyang kabute na susulpot nalang biglaan

"Sinusundo ka di ba obvious?" agad ko naman siyang binatukan "Aray!"

"Wala naman akong sinabi na sunduin mo ko ah" sabi ko, ngawit na nga yung leeg ko kakatingala eh ang tangkad kaya niya eh ako ang liit ko lang

"Arte naman nito sakay na" ngayon naman ako naman ang hinila niya papasok ng kotse niya

Padabog nalang akong umupo sa upuan at kinabit ang earphones ko

Ang ganda talaga ng boses ni Baekhyun ng EXO!!! kaka-inlove, habang nakikinig ako ng Baby ng EXO may nagtanggal ng earphone ko at hindi na ako magtataka kung sino nagtanggal nun

"Ano problema mo dude" sabi ko

"Babe dapat" napasimangot naman ako dahil sa sinabi niya, babe nayan kasi! Yan ang tawag sakin ni Shawn diba? Tss badtrip hindi na maganda ang araw ko

"Uy babe" clingy nanaman siya ngayon, sinusundot niya pa ang tagiliran ko pero sorry sa kanya dahil wala akong kiliti

"Mag-drive ka na nga lang mabunggo ka pa eh" sabi ko at tinabig ang kamay niya

Narinig ko bumuntong hininga siya at pinagpatuloy ang pagda-drive

Bumaba ako ng sasakyan niya nung nasa may gate na kami, sabi niya ihahatid niya pa raw ako sa loob pero tumanggi ako

Habang naglalakad ako may nakakuha ng atensyon ko si Shawn kasama ang isang babae at malamang ayun lumalandi silang dalawa sa may bench kaya mas lalong kumulo ang dugo ko

Lumapit ako sa kanilang dalawa at tiningnan ang babaeng kasama niya from head to toe. Hipon naman pala ang peste, maganda ang katawan pero sabog ang mukha

"Hi b-tches ^_^" napaharap silang dalawa sakin ,si hipon naman nakataas pa ang kilay

"Ashley?" tawag ni Shawn

"Kamusta girl? Masarap ba ex ko? Pakasawa niyo maglaplapan ah i cheer ko kayo" sabi ko at aalis na sana kaso may humawak ng kamay ko

"Ashley tumigil kana" hinila ko ang kamay ko kay Shawn

Nakita ko naman yung babae na shock di niya siguro akalain na katawan lang ang habol ni Shawn sa kanya, imposible naman kasi yung mukha niya diba ha! Ang kapal naman ng peslak niya kung ganun

"What? Wala naman akong ginagawa ah, to tell you the fact hipon" sabay harap ko kay hipon "Habol lang sayo nito eh yang katawan mong pang Prostitute" sabi ko

"Ashley! Tumigil ka na" linapit ni Shawn ang ulo niya sa tenga ko "Atleast siya may pakinabang eh ikaw pa-virgin ka pa" tsaka niya nilayo ang ulo niya

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Shawn

"Ni humalik nga Ashley wala kang alam eh kaya ayaw mong magpahalik, at pinaka-iingatan mo pa yang virginity mo? Sa ngayon tinatapon na ang mga ganyan" napahawak ako sa pisngi ko umiiyak nanaman pala ako, bwisit! Akala ko matapang na ako hindi papala

She's Dating Mr.PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon