Enjoy readers :*
****
Ashley's POVPagkatapos naming pumunta sa bahay nina Jerrick at katapos na makausap ko ang mother nya hinatid nya na ako pauwi sa bahay ko.
Nagtaka nga ako kasi parang may problema siya. Hindi nya ako kinibo hanggang makarating kami sa bahay ko. At hindi ako sanay sa ganoong ugali nya.
Walang pasok ngayon kaya mag-stay nalang ako dito sa bahay, tsaka wala naman akong gagawin kasi busy din si Jerrick. Graduating din kasi sya kaya talagang busy siya. Ano kayang course kukunin nya? Pero alam ko matalino din yung mokong nayun eh. Remember nung tinapos nya yung thesis ko? Ang galing nya.
"Hi couz' busy?" napatingin ako sa pintuan kung saan ko narinig ang boses ng malandi kong pinsan. I know, masyado akong harsh, masisi nyo ba ako?
Hindi ko sya sinagot at sana naman naunawaan nya na ayoko syang makausap. Pero dun ako nagkamali dahil tinabihan nya pa ako sa kama ko at nakitingin sa ginagawa ko sa facebook ko.
"Okay ka lang ba Ash?" I didn't answer her question at patuloy lang akong nag s-scroll sa fb.
"These days hindi mo na ako kinakausap, close naman tayo diba? Ano na nangyari?" Isinara ko ang laptop ko at tiningnan siya.
"Gusto mo talaga malaman?"
"Oo"
"Why don't you ask yourself" sabi ko at lumabas na ng kwarto. Wala akong pake kung magsumbong pa sya kay tita. Hanggang ngayon may galit parin ako sa kanya, sa kanilang dalawa ni Shawn
Kahit baliktarin pa ang mundo may parte parin sakin na mahal ko pa talaga si Shawn kaya ganito nalang ako masaktan. Yung kay Jerrick? Crush palang naman yun it means 'Like' palang hindi pa umabot sa 'Love' thingy. Pakiramdam ko nga parang panakip butas ko lang siya. Parang ansama ko tuloy.
Pero trabaho din naman nila yun na pasayahin at gawin ang lahat para sa customers nila.
"Ashley! may tawag ka galing sa papa mo" bakit naman kaya napatawag si papa? May problema kaya sa mansion?
Kinuha ko ang telepono kay tita at itinapat na sa tenga ko
"Hello po" bati ko
"Pumunta ka dito, ngayon na"
Pagkatapos sabihin yun ni papa agad akong kinabahan, ang sama kasi ng tono ng boses nya at nakakatakot feeling ko may kasalanan akong nagawa sa kanya kahit wala naman
Nag taxi ako papunta sa mansion ni Papa, hindi parin ako sanay na pumasok dito bukod sa malaki parang bantay sarado ka rin dahil puno ng mga taga bantay o guards, anlalaki pa naman ng mga katawan nila.
Dumiretso ako sa working area ni Papa dahil dun lang naman lagi nagdadaton yun. Andaming nagbago sa bahay. Yung picture nila mama noon wala na at pinalitan na, yung kasama na nya yung stepmother ko, nakakasuka -_-
Kumatok ako sa pintuan bago ako pumasok.
"Take a seat" sumunod naman ako kaagad
Tiningnan akong mabuti ni Papa na para bang may mali talaga sakin!? Nakaka insulto kasi yung mga tingin nya eh
"Kamusta naman ang buhay mo sa tita mo?" Tanong nya. Nagulat pa nga ako eh
"Ayos lang naman po" pagsisinungaling ko, eh hindi naman talaga ako maayos dun. Sa minu-minuto kong nakikita ang pinsan ko paano ako magiging okay, diba?
"I check your bank account" hala! Pwede ba yun? "Saan mo ginamit ang 70 thousand?" i'm dead meat
Ano naman sasabihin ko sa kanya? Na pinang enroll ko? Eh scholar ako pano pa ako mag eenroll. Wala akong idadahilan nito.
BINABASA MO ANG
She's Dating Mr.Pervert
Teen FictionA girl that is fooled by her stupid boyfriend. And now she want to be strong and make her ex drools to her. Jericho Blake or Jerrick became to be her new contract boyfriend for 5 months