Chapter 2

112 4 0
                                    

[A/N] Hi guys pagpasensyahan niyo na yung maikling update ko sa chapter 1 hehe first time kasi eh pero i'll make sure na ibibigay ko lahat ng best ko para pahabain... thank you man sa mga nagbabasa nito ^_^

****

Ashley's POV

"Oh ano? Wala pa ba ang mga files?" tanong saakin ni Lynne na halata mong bangag na bangag na kahihintay. Ang sabi kasi 9 in the morning pero magla-lunch na wala parin

"Uso maghintay bes" sabi ko nalang, inirapan naman ako! Bastos na bata!

*ding dong*

Andyan na ata! Imbis na ako ang magbukas inunahan na ako agad ni Lynne gagad lang? mas excited pa sa akin ang gaga -_-

Pumunta muna ako sa kusina ng condo niya para kumuha ng makakain para habang tinitingnan namin yung mga files lumalaklak kami haha

"Lynne yan na ba yu--" naputol ako sa sasabihin ko nang nakita ko kung sino ang nasa tapat ni Lynne

"Babe!" sigaw niya saka ako yinakap, namiss ko tong yakap niya, i feel comfortable now... pero kahit ganon masakit parin eh

"Shawn..." tawag ko sa pangalan niya

"I miss you...nag-alala ako sayo hindi ka naman kasi nag tetext or nagrereply sakin" napatingin ako kay Lynne na kasalukuyang pinapatay na niya si Shawn ng mga matatalim niyang tingin at umiling iling sa akin

"Tara kain tayo sa labas" walang sabi-sabi eh hinila na ako ni Shawn palabas "Oh. Lynne wanna come?" tanong sa kanya ni Shawn

"No thanks, baka di ko sikmurain eh" sabi ni Lynne, nagpaalam pa sa akin si Lynne at sabi niya mag-ingat daw ako

Sinakay ako ni Shawn sa sasakyan niya na nakapark sa may tapat ng condominium ni Lynne.Di ko alam kung matutuwa ako dahil nag-aalala siya o magagalit na maasar dahil hanggang ngayon di parin siya umaamin sa akin

"Ang tahimik mo ata babe?" Hinawakan naman ni Shawn ang kamay ko na ikinagulat ko kaya inilayo ko agad ang kamay ko

"Is there a problem?" bat ba ang galing niyang magsinungaling? Yun bang parang wala siyang ginawang mali? "Face me" iniharap niya ako sa kanya

Hininto niya muna yung sasakyan niya

"Tell me, anong problema mo?" may naramdaman akong basa sa may pisngi ko... umiiyak na pala ako

"Why are crying?" Pinunasan niya ang luha ko

Ayoko ko nang patagalin to, di ko na kaya, kung noon nagawa niya na ito at sa iba ngayon hindi na

"Shawn ayoko na..." sabi ko habang humihikbi ako

"What do you mean?" pagtatakang tanong ni Shawn sakin

"We're over" sabi ko nalang at yumuko at umiyak pa

"Bakit?"

"I saw you and my cousin" halata sa mukha niya ang pagkagulat pero agad din yun nabura

"It was just a dare" palagi naman eh

"Sa lahat ng ginawa mo sakin lagi mong sinasabi na dare lang...wala ka na bang maisip na ibang alibi? ha? Sawa na ako Shawn please lang... i beg you, please let me go already" sabi ko habang humihikbi ng malakas, ang sakit sobra

Imbis na sumagot siya yinakap niya nalang ako

"I'm sorry" naramdaman kong basa na ang balikat ko...umiiyak siya? "Please give me another chance" ano ba toh!! isang sorry lang niya lumalambot nanaman ako

Hindi ako kumibo o sumulyap kahit isang beses lang sa kanya dahil alam kong mahuhulog nanaman ako sa mga mata niya

Naramdaman kong pinaandar niya yung sasakyan niya ewan ko kung saan niya ako dadalhin. Huminto kami sa may tapat ng isang fastfood chain

She's Dating Mr.PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon