Chapter 2

52 2 2
                                    

Blake's POV

I decided to take care of Selena while she's sleeping. Well, until now wala pa rin akong mahanap na heart donor.

"Levi." Pagsulpot ni Noah.

"Can I talk to you? Just a second?" Pagpaalam niya saakin.

Lumabas kami ni Noah at kwinento niya saakin yung nangyari sakanila ni Scarlet.

"Bro, was it an accident?"

"Yeah. But strangely, I felt strange pagkatapos naming mag kiss. It's something I can't explain." Pagpaliwanag niya.

"Don't deny what your heart feels. I know it's hard to admit the truth, but you will feel better pag linabas mo yan." Pagpayo ko sakanya.

"What if she doesn't like me back?"

"We can't please everyone here. But as long as you're honest, just follow your heart. I mean it's obvious you have feelings for Scarlet. If I were you, sasabihin ko agad kay Scarlet kung ano yung nararamdaman ko. Pero wag kang mag expect masyado."

"Thanks bro. How's Selena by the way?"

"Natutulog lang siya. But I'm still worried."

"Lalaban yan si Selena. Ipagdasal natin yung kalalagyan niya ngayon at makahanap na din tayo ng heart donor." Pagtapik niya sa balikat ko.

"AHHHH!!" Naalarma kami ni Noah nang biglang sumigaw si Selena dahil sa sakit.

"Selena!"

"Noah! Tumawag ka ng nurse! Pupuntahan ko agad si Selena!" Pag utos ko bago tumakbo pabalik sa room.

"AHHHH!" Pagsigaw ulit ni Selena.

"Selena! Look at me. Look at me. You're gonna be fine... tiisin mo muna."

"Blake... ang sakit..." Sambit niya habang umiiyak.

"Parating na yung mga nurse Selena. Saan ba masakit?"

"Sa puso..."

"Kapit ka lang Selena... andidito lang ako." Mangiyak iyak na sambit ko.

"AHHHH!" Pagsigaw ulit ni Selena sa sakit.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nahihirapan akong tignan si Selena na nasasaktan.

Dumating na yung mga nurse at pinalabas ako ng isa sakanila para alagaan si Selena.

Napaupo ako sa pader at humagulgol.

Napansin ko na umupo si Noah sa tabi ko at yinakap ako ng mahigpit.

Selena's POV

"Ma'am? May masakit pa po sainyo?" Tanong ng isa sa mga nurse.

"Wala na po..."

"That's good."

"Si Blake...?" Tanong ko.

"Blake? Yung boyfriend mo na kasama mo kanina? Nasa labas lang siya, gusto mo na po siyang papasukin?" Tanong niya na ikinatango ko lang.

"Sige po, tawagin ko lang yung boyfriend mo ha?" Sambit niya bago lumabas.

Lumipas ng ilang segundo, pumasok agad si Levi na mukhang nanggaling sa pag iyak.

"Levi..."

"Kayanin mo Selena ha? Makakahanap ako ng heart donor."

"Blake... paano kung wala na talaga kayong mahanap na heart donor?" Tanong ko.

"Selena, wag mong sabihin yan. Makakahanap ako ng heart donor. Kayanin mo please, di ko kayang mawala ka." Sambit ni Blake habang umiiyak.

"Blake... masyado ka nang nag aalala saakin... ayokong makita kang umiiyak dahil saakin. Kaya gagawin ko lahat ng makakaya ko para makasama ka." Napabuntong hininga si Blake bago ako halikan sa noo.

"Magpahinga ka na Blake. Alam kong pagod ka na sa kakahanap ng heart donor."

"Selena, hindi ko kayang iwanan ka."

"Ayos lang ako Blake. Please... magpahinga ka na. Ayokong nakikita kang napapagod eh. Please..." Magmakaawa ko habang nagpu puppy eyes.

"Selena..." Hindi ko parin pinigilan yung pag puppy eyes ko sakanya na ikinabuntong hininga niya ulit.

"Fine... basta pag gising ko dapat okay ka pa ha? Goodnight love." Sambit niya bago humiga sa sofa.

"Goodnight din love." Sambit ko bago pumikit.

Tomorrow

Nagising ako at umupo ng maayos.

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang makita ko si Mom na kinakausap si Blake.

"Mom..."

"Anak..."

"Bakit di ka nagsabi na pupunta ka dito?"

"Selena, may heart donor na ba kayong nahanap?" Tanong ni mom.

"Wala pa po eh."

"Please, lumaban ka Selena. Ipagdasal natin na makahanap na tayo ng heart donor. Kayanin mo anak, hindi yan para saamin, para sayo din yan anak. Buhay mo ang nakasalalay diyan." Sambit niya na mangiyak iyak na.

"Selena!" Biglang pagsigaw ni Blake.

"Bakit?"

"I have good news for you."

"May heart donor na kayong nahanap?" Tanong ko na ikinatango ni Blake.

Biglang bumagsak yung mga luha ko nang malaman ko yung balitang yan.

Thank you Lord! Sa wakas, makakasama ko na si Blake ng matagalan.

"Blake... hindi mo na kailangang mag alala pa. Konting tiis na lang, gagaling na agad ako." Sambit ko habang tumutulo ang mga luha ko.

Scarlet's POV

Andito ako ngayon sa mall mag isa. But I'm glad na may nahanap na si Blake na heart donor.

"Scarlet..." Lumingon ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Noah.

Jusmiyo! Nakakahiya! Hindi pa rin ako maka get over sa first kiss ko!

Tumayo ako at naglakad palayo sakanya.

"Scarlet!" Pagtawag niya ulit. Pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"Scarlet!" Paghila ni Noah saakin.

"Scarlet, bakit mo ako iniiwasan? May nagawa ba ako?" Tanong niya na may halong pag alala.

"Wa-wala!" Pautal na sambit ko.

"Dahil ba sa kiss?" Tanong niya na ikinalaki ng mga mata ko.

"Scarlet, don't deny it. I'm sure umiiwas ka saakin dahil diyan. Kaya andito ako para magtapat." Sambit niya na may pagkaseryoso.

Hooh! Puso! Ano tong nararamdaman mo?!

"Scarlet! Kakapalan ko mukha ko! Mahal kita!" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko! Naguguluhan pa ako!

"Noah..."

"Naintindihan kita. Siguro hindi ka pa handa, or ayaw mo talaga saakin. Pero sana hindi masira ang pagkakaibigan natin dahil diyan." Sambit niya bago yumuko.

Aalis na sana siya nang bigla ko siyang hilain at halikan sa labi.

Sobrang bilis talaga ng mga pangyayari! Hindi ko na din alam kung ano na tong ginagawa ko.

We kept kissing passionately hanggang sa naghabol ako ng hininga.

"Scarlet..."

"Mahal din kita Noah. Hindi ko na kayang itago pa dahil ganun din ang nararamdaman ko sayo. Nung una, naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Pero eto ako ngayon, nagtapat na sayo. Noah, mahal na mahal kita." Sambit ko bago niya ako yakapin ng mahigpit.

Well, at least nalaman na namin yung totoo. Nagkaaminan na rin kami.

"Ehem!" Kumalas kami ni Noah sa pagyakap nang makita namin si Blake.

"Bro. May nahanap ka nang heart donor diba?" Tanong ni Noah.

"Yeah." Sagot niya ng walang emosyon.

"Saan mo nahanap?" Pagtanong ko ulit.

"Guys, wag kayong mabigla ha?" Pag alala niya saamin habang umiiyak.

"Guys... I'll donate my heart for Selena."

Days in The SunWhere stories live. Discover now