Chapter 6

49 3 2
                                    

Scarlet's POV

I'm here with Noah who is already speechless dahil kay Blake. Aaminin ko, nag aalala ako sa sitwasyon ni Blake at Selena ngayon. Pero bakit ganun, ang hirap isipin na isa sakanila yung mawawala.

"Noah..."

"Ganyan ang buhay... Scarlet. Minsan may mawawala, minsan may  dadating. Hindi natin matatakasan yung kamatayan. Mahirap man ito tanggapin, pero kailangan nating magpatatag." Mangiyak iyak na sambit niya.

"Noah, naiintindihan kita kung bakit nag aalala ka ng sobra. Pero sana man lang respetuhin mo yung desisyon niya." Sambit ko na ikinatango niya lang.

May tumawag sa phone ko. Unknown number siya kaya sinagot ko na ito agad.

"Hello?"

"Hello Scarlet. Si Penelope po ito. Kaibigan ni Selena."

"Hello Penelope. Bakit po kayo napatawag?" Tanong ko.

"I just want to update you about Selena." Sambit niya.

"Oh, bakit po? Ano na pong balita kay Selena."

"Good news muna or bad news?" Tanong niya nang biglang kumabog yung puso ko.

"Uhmm... bad news po muna."

"Okay, bad news is matatagalan yung paggising ni Selena. Mga 3-4 weeks. And the good news is, her operation on her heart donor was a success." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

"That's great! Pupunta kami diyan pag nagising na siya ah." Pagpanggap ko na masaya.

"Sige. Mag iingat po kayo ah."

"Kayo rin po. Bye." Sambit ko bago ko i-end yung call.

"What happened?" Tanong ni Noah na nag aalala.

"He did it..." Walang emosyon na sambit ko.

"What do you mean??"

"Wala na si Blake. Binigay niya na yung puso niya kay Selena." Mangiyak iyak na sambit ko.

Napayakap si Noah saakin ng mahigpit at humagulgol nang malaman niya yung nangyari. Masaya kami nang naging successful yung operation ni Selena. Pero nag aalala kami pag nalaman niya yung ginawa ni Blake para sakanya.

Selena's POV

4 weeks later

Nagising ako at nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Tinignan ko ito at nanlaki bigla yung mata ko sa nakita ko.

No! This can't be! Ginawa ba talaga ni Blake na magbigay ng heart donor saakin?!

No! Nananaginip ka lang! Alam kong buhay pa si Blake! Hindi to pwede!

Bakit ba to nagawa ni Blake?! Dapat ako na lang! Ako na lang dapat yung nawala!

Hindi ko na napigilan yung sarili ko na sumigaw at humagulgol nung nalaman ko na naoperahan na ako.

"Selena!" Pagsulpot bigla ni Noah at Scarlet na nag aalala saakin.

"WALA NA SIYA! WALA NA SIYA!" Sigaw ko habang humahagulgol.

"Selena! Wag kang sumigaw please. Lalala yang sakit sa dibdib mo! Bagong opera ka pa lang!" Pag awat ni Scarlet na umiiyak din.

"Blake!! Bakit?!"

"Selena, please! Wag mong lalalain yung sitwasyon mo!" Mangiyak iyak na sambit ni Noah.

Bakit?! Bakit mo sinakripisyo yung buhay mo saakin Blake?!

1 week later

(Insert music: Wish I Could - Jayda Avanzado)

Nakaalis na ako sa ospital at nakahiga lang ako sa bahay.

Oo, magaling na ako physically. Pero emotionally hindi and you already knew why.

Wala na si Blake. Mahirap man tanggapin pero, totoo yung ginawa niya saakin.

Simula nung kwinento saakin ni Penelope yung plano niya na ibigay yung puso niya saakin, hindi na ako nagdalawang isip na kausapin siya pag dumating siya dito.

Flashback

"Selena... if I were to tell you the truth, wala pa talagang nahanap na heart donor si Blake." Sambit niya na ikinabuntong hininga ko lang.

"I understand why. Pero bakit niya kailangan magsinungaling saakin na may nahanap siya?" Tanong ko nang biglang yumuko si Penelope.

"Huy. Anong meron sayo?" Tanong ko na may pagtataka.

"Selena. Balak ni Blake magpa heart donor para sayo." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

"Ano??" Di makapaniwalang sambit ko.

"Selena. You know how much Blake loves you. And ayaw niyang mahirapan ka. Selena ilang beses na siyang hindi makatulog sa pag aalaga sayo sa tuwing walang nag aalaga sayo. Tiniis ni Blake na maging gising para tignan ka at alamin kung ano yung kalalagyan mo. Kitang kita niya sa mga mata mo na nahihirapan ka na. Kaya nung wala siyang mahanap na heart donor, siya na mismo yung humarap para iligtas yung buhay mo." Pagkwento niya nang nalaman ko na umiiyak na ako.

"No! Hindi siya pwedeng mamatay!" Sambit ko na ikinalaki ng mata niya.

"Selena! Buhay ang mawawala sayo pag hindi ka nagpa opera!"

"I don't care! I suffered too much pain para mabuhay dito! Mas mabuti pang mamatay na lang ako kaysa na mabuhay nang wala siya sa tabi ko. Mas gugustuhin ko na mawala ako kaysa mawala siya. Ako na mismong tatanggap kung ano yung mangyayari saakin." Mangiyak iyak na sambit ko.

End of flashback

Dapat ako na lang yung namatay! Bakit kailangang siya pa yung mawala?!

May text akong natanggap na galing kay Scarlet at binasa ko ito.

Scarlet: I know you're still having a hard time. Pero if you need to talk to someone, andito lang kami ni Noah.

I don't have the courage to talk to anyone. Especially nung nalaman ko na wala na talaga si Blake.

Nung tumingin ako sa phone ko, may nakita akong picture ni Blake.

Sa tuwing nakikita ko yung picture niya, naaalala ko lahat ng mga nagawa niya para saakin.

"Happy Anniversary Selena." Sambit ni Blake na ikinalaki ng mata ko.

"Blake..." Sabi ko habang nagpipigil ng pag iyak.

"Surprised?" Tanong niya saakin.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko na yakapin siya ng mahigpit at humagulgol.

Sobrang grabe si Blake mag effort pag may occasions. Valentine's man o birthday, anniversary. Basta kahit anong occasions, sobrang grabe siya mag effort.

"Carbonara... until now favorite mo pa rin yan." Sabi ni Blake.

"Carbonara talaga yung masarap. Remember that." Sabi ko na nakangiti.

Kumuha ng tinidor si Blake at kumuha ng noodles bago itutok sa pagmumukha ko. Sinubo ko yung noodles na nasa tinidor at napangiti na lang ng parang ewan si Blake.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko na umiyak at halikan yung picture ni Blake na nasa phone ko.

Ang sakit! Nakakabigat sa puso!

"I wish we could be like this everyday. Just sitting down with you, staring the sunset every single day."

"My days in the sun with you." Sabi ko na ikina-ngiti niya.

"Blake! bakit kailangan mo pang mawala?!" Sigaw ko habang humagulgol ng tuluyan.

Days in The SunWhere stories live. Discover now