Chapter 8

48 2 4
                                    

Scarlet's POV

Habang nagmamaneho si Noah, hindi ko na napigilan yung sarili ko na umiyak sa sobrang pag aalala.

Ano bang pumapasok sa kukote ng babaeng yan?! Ilang buwan lang siya di nagparamdam, tsaka na lang siya magiging ganito!

"Scarlet, uminahon ka."

"Paano ako iinahon?! Patay na nga si Blake, tas nawawala si Selena ngayon! Paano ako kakalma Noah?!" Mangiyak iyak na sambit ko.

"Magdasal ka na lang Scarlet. Alam ng Diyos kung asaan si Selena ngayon, ipanalangin mo na lang na walang mangyayaring masama kay Selena. Lalo na't may nawalan siyang mahalaga na tao sa buhay niya." Pagpaliwanag niya na ikinabuntong hininga ko lang.

Lumipas na ng isang oras, at hindi pa rin namin nahahanap si Selena. Jusko, saan na ba yung babaeng yan?! Alalang alala na kaming lahat sakanya.

"Wait, si Tita tumatawag!" Sambit ko bago ko kunin yung phone ko.

"Hello?"

"Kasama niyo ba si Selena?" Tanong niya.

"I'm sorry to say this, pero hinahanap po namin si Selena ngayon. Naiwan niya yung mga gamit niya sa bahay at hanggang ngayon, hindi pa po namin siya mahanap."

"JUSKO! Asaan na ba yung batang yan?!"

"Tita, hahanapin po namin agad si Selena! Once na makita namin siya, sasabihan ka po namin agad agad." Sabi ni Noah.

"Sige sige. Mag ingat kayo ah." Sambit ni Tita bago i-end yung call.

Ilang oras na ang nakalipas, may natagpuan kaming babae sa kalsada.

Bumaba agad kami at nanlaki ang mga maya ko nang makita ko siya ulit.

"Selena!!"

"She needs to be hospitalized!" Sambit ni Noah habang binubuhat si Selena.

Habang nagmamaneho, tinawagan ko na agad si Tita para alamin yung kondisyon ni Selena.

"Tita..."

"Anong nangyari?! Nahanap mo na yung anak ko??" Tanong niya.

"Opo, pero kailangan po siyang dalhin sa ospital." Sagot ni Noah.

"Ano?! Asaan na kayo?!" Tanong niya na nag aalala.

"Papunta na po kami sa ospital. Ipapadala namin siya sa emergency room." Sagot ko.

"Oh sige, papunta na ako ah." Sambit niya bago i-end yung call.

Umabot na kami sa ospital at dinala na siya sa emergency room.

Humagulgol na lang ako habang yinayakap ako ni Noah ng mahigpit dahil sobrang nag aalala ako sakanya.

"Scarlet!" Pagdating ni Tita.

"Wala pa po kaming balita. Sa ngayon, nasa emergency room na siya." Sambit ni Noah at napaiyak na lang si Tita sa sobrang pag aalala.

"Excuse me, may I know the name of the patient?" Tanong ng doktor.

"Selena Villagorda po." Sagot ko.

"Doc, ano na pong nangyari sa anak ko? Kumusta na po siya??"

"I'm sorry, we did everything we can. She only has a few hours to live." Sagot ng doktor na ikinalaki ng mga mata namin.

"Bago man siya mamatay, sabihin niyo na po yung gusto mong sabihin sakanya. Excuse me."

Nang makaalis yung doktor, napaiyak na lang kami ni Tita sa narinig namin.

Selena bakit?!

Selena's POV

Pagkamulat ng mga mata ko, nasa isang park ako. May nakita akong lalaki na nasa sunset.

My heart was stunned realizing na si Blake yung nakikita ko.

"Blake??" Pagtawag ko.

Tumayo ako at dahan dahan akong naglakad palapit sakanya. Umupo ako sa tabi niya at nginitian niya ako nang makita niya ako.

"Blake..."

"Hey Selena..." Sambit niya na ikinaiyak ko ng sobra.

"Kainis ka! Bakit ka pa nawala Blake?!" Paghampas ko sakanya ng paulit ulit.

"Sorry talaga Selena. I know you didn't want me to die, but I know you needed it. I know you needed that heart donor that's why I gave it to you." Pagpaumanhin niya kaya yinakap ko siya ng mahigpit.

"Blake, bakit?? Bakit mo ito ginawa saakin??"

"I did this because I love you."

"If you really loved me, why did you leave me?"

"Selena..."

"Blake, I want to stay with you. I can't love anyone anymore. Alam mo naman sa sarado na yung puso ko sayo diba?! I can't live anymore, I want to stay with you Blake!" Sambit ko habang umiiyak.

"Blake, please... let me stay with you." Magmakaawa ko at napaiyak na rin si Blake.

"Well, I really wanted to wait for this day to be with you. Kaya pagbibigyan na kita." Sambit niya na ikina-ngiti ko lang.

"Pero sa isang kondisyon..."

"Anything Blake, basta makasama ka!"

"Magpaalam ka muna sa mommy mo. Kay Noah, pati kay Scarlet." Sambit niya na ikinabuntong hininga ko lang.

"I will do it."

Days in The SunWhere stories live. Discover now