Chapter 7* Shock?!

65 1 0
                                    


Aldrin's POV

"Huy Lemon" nandito na kami sa sasakyan ni papa, ihahatid daw ako ni papa sa company kung saan ako nagtatrabaho kasi madadaanan naman namin yun.

"Bakit Kuya?" tanong niya habang naglalaro sa cellphone ko. Nasa likod siya nag-iisa, katabi ko kasi si papa which is siya ung nagda-drive.

"Bakit libre ung mga damit mo? Ung hawak ng dalawang saleslady. Akala talaga namin ni papa lahat yun ipapabili mo samin hahaha" natatawa kong sabi. Kahit si papa eh natatawa din, tumigil si Lemon sa paglalaro at tumingin sakin ng nakangiti.......evil smile kumbaga, nakatingin kasi ako sa kanya eh ang cute kasi :3

"Alam mo naman siguro kuya ang nagagawa ng pagiging cute diba? Nagpacute pa nga ako sa kanila para lang makuha ung mga damit na yun eh para konti na rin ang bayaran niyo" sabi niya sakin habang nakangiti, napangiti na rin ako at kahit si papa.

"Hahaha! Cute mo nga!! Ilang taon ka na ba huh Lemon?" tanong ko ulit, nakakamangha kasi ang pagiging mature niya.

"Paulit-ulit tayo kuya? 6 pa nga lang ako eh duh!" sabay irap sakin, aba mataray din pala siya. Hahahaha! Ang cute talaga niya. Tumingin na lang ako sa may bintana ng kotse. Bakit kaya ganito ang Pilipinas? Wala, trip ko lang itanong hahaha. Saan ka na ba Miss Right ng buhay ko? Nakakainip maghintay, tanga hahanapin mo nga siya diba? Biglang sabi ng utak ko, napatango na lang ako. Aissh! Para akong tanga =____=

"Kuya, baliw ka na? Para kang tanga eh, patango-tango kang mag-isa :3 " sino ba nag-alaga kay Lemon at natututong magmura? Napairap ako sa sinabi niya, hindi ako bakla =___=

"Sino bang nag-ala-----------" naputol ang sinasabi ko ng magsalita si papa.

"Andito na tayo mga anak" bumaba na ako ng sasakyan at ganun din si Lemon.

"Sasama ka pa Lemon sa kuya mo?" tanong sa kanya ni papa. Ngumiti si Lemon at nag beautiful eyes pa kay papa kaya wala ng nagawa si papa kaya pumayag na rin siya. Bago siya umalis ay ginulo niya ang buhok ni Lemon.

"Papa, daanan na lang namin ni Lemon lahat ng damit niya bago kami umuwi sa condo ko" sabi ko kay papa. Napatango na lang si papa at......

"Wala kayong sasakyan na gagamitin" sabi niya. Oo nga tsk pero di bale na lang.

"Makikisakay na lang muna kami kay Bona" napatango na lang si papa at ngumisi pa sakin, alam ko na meaning niyan :3 hinintay muna namin ni Lemon na makaalis si papa bago kami pumasok sa company.

Pagkatapos ay pumasok na kami ni Lemon, binuhat ko ulit siya, ang liit kasi ng mga hakbang niya hahahaha 'di bagay sa isang 6 years old na bata.

"Kuya nasa'n pala tayo?" sabi niya sakin ang gaan niya hahaha!

"Dito kasi ako nagtatrabaho bilang artista at modelo" sabi ko naman sa kanya.

"Ah okay!! Sikat pala ang kuya ko hahaha" natawa na lang ako sa kanya. Pag niloko ko kaya si Lemon maiinis siya sakin? Hahaha.

"Lemon, ang baho mo na. Hindi ka kasi naligo eh" inamoy ko siya, pero ang bango parin ng batang to. Pero kunyare nabahuan ako sa kanya hahaha.

"Baka mabango pawis ko kuya? Kahit hindi pa ako maligo ng dalawang araw, mabango parin ako" sabi niya sakin tapos irap, natawa na lang ako sa kanya. Andito na pala kami sa 5th floor, dalawang kwarto ang layo ko sa kwarto ni manager at ganun din kay Bona.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay nagulat ako dahil may tao dun! Sina Bona at si manager, hindi pa nila alam na nandito na ako, nakatalikod kasi sila eh.

"Hey!" yan na lang napasabi ko. Pagharap nila, nagulat sila. Nakatingin lang silang dalawa kay Lemon, nagulat ako kasi pati si Lemon eh nagulat din at kay manager lang siya nakatingin. Medyo naluluha pa siya, a-ano bang meron?

************

Read and vote KAMSA!!!
Sorry sa short UD!!

My Girlfriend is AlienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon