Chapter 5* Baby sister

45 2 0
                                    


Aldrin's POV

Nandito na kami sa condo ko, KAMI kasi kasama ko ung cute na bata, nakaupo kami sa sofa. Una ayaw pang pumayag ng mga guards na isama ko 'to dito sa condo ko pero sinabi ko na kapatid ko ang batang cute na nasa tabi ko ngayon at pumayag naman sila.

"What's your name baby girl?" nakatingin lang ako sa kanya, ganun din siya sakin.

"Lemon po" ngumiti siya sakin at nginitian ko din siya. Waaahh!! Ang cute talaga ng batang 'to, mukhang mababading ako ah.

"Ahh okay? Lemon, paano napunta 'yang picture namin nina mama at papa?" seryoso kong sabi. Wala naman kasing nababanggit si mama bago siya mamatay at kahit si papa. Hahaha, ang kulet ng name niya amp, nakakatuwa.

"Binigay po kasi ito ng nag-alaga sakin eh" seryoso niyang sabi sakin.

"Sino namang nag-alaga sayo?" curious kong tanong sa kanya.

"Si ma-------" naputol ang kanyang sinasabi ng may..........

*ding dong* nag-door bell.

"D'yan ka lang Lemon" tumango lang siya at pumunta na ako sa may pintuan. Pagkabukas ko......

"Hi po Sir, eto na po ung order niyo" haaaayyy!! Akala ko kung ano na, nag thank you ako tapos kinuha ko na ung order ko. Nagpa-order kasi ako sa may restaurant namin eh wala naman kasing makakain dito sa may condo ko eh :3

Lumapit na ako kay Lemon dala-dala ung pina-order ko.

"Lemon" -ako

"Bakit po?" sabi niya at tumingin sakin. Bakit ba kasi ang cute ng batang 'to?? Nakakaurat :3

"Ka-kain ka na hehe" nautal pa ako, baka kung ano isipin nitong batang 'to.

"Ano po ba yan?" excited niyang sagot sakin.

"Pagkain" sabi ko naman.

"Alam ko pong pagkain yan pero anong klaseng pagkain ang ibig kong sabihin. Ang slow nyo po ano?" sarcastic niyang sabi. Lalo tuloy siyang naging cute *giggle*

"Kanin, fried chicken, spaghetti, lasagna, ice cream saka juice" sabi ko, nakalista kasi yan sa papel bago ako mag-order.

"Ah, bakit po yatang ang dami? Hindi naman po fiesta, baka kulang pa po yan sa inyo kapag nakisalo pa ako" sabi niya habang ung hintuturo niya ay nakalagay sa may baba niya.

"Hindi ah, tara kain na tayo" tapos inabot ko sa kanya yang kanin, fried chicken, ice cream, spaghetti at juice. Ung lasagna akin pero syempre may kanin, fried chicken, ice cream, spaghetti at juice din ako. Pinadamihan ko ung order eh hahaha.

"Waaahh! Ang sarap naman nito Kuya" amaze niyang sabi sakin.

"Sa restaurant namin ako nagpa-order, sikat ang resto namin dahil sabi nila masarap daw ang mga pagkain" sabi ko habang binubuksan ang tv dito sa may sala, kinuha ko ung remote at nilipat sa Channel M.

"Ahh, masarap naman po talaga eh. *tili* oh my gosh!!!! Ung EXO!!!! Waaaahh!! Kuya ang gwapo talaga nila" sabi niya habang nagtatatalon. Pinapalabas kasi ung MV ng EXO na Growl kaya siya tumili. Alam ko ung EXO kasi si Bonaface gusto si Tao dun.

"Awat na Lemon baka sumakit yang tyan mo dahil tumatalon ka hindi ka pa tapos kumain tsk" sabi ko at nagpatuloy na rin sa pagkain. Tinuloy na rin niya ang kinakain niya, mukhang sarap na sarap ah hahahahaha!!!

"Pagkatapos ko pong kumain pwede na akong tumalon?" tanong niya sakin. Nginitan ko lang siya, lokong bata hahahaha.

Pagkatapos naming kumain eh hinayaan ko na lang siyang manood sa Channel M, gusto ko pa naman ng basketball :3 tuwang-tuwa siya habang nanonood at kinikilig. Ung totoo, ilang taon na siya? Ang gaan agad ng pakiramdam ko sa kanya, wala siyang hawig sakin, mata lang pala hahaha. Pero kapag tinitigan talaga si Lemon kamukha ni mama. 'Di kaya kapatid ko talaga siya?

"Ahm Lemon ilang taon ka na pala?" sabi ko sa kanya, napatingin siya sakin sabay ngiti. Bakit ba ang hilig niyang ngumiti =___= nababakla ako eh.

"6 po, ahm Kuya anong real name mo? Nakikita kasi kita sa tv eh" sabi niya na titig na titig sakin. Magsasalita na sana ulit ako ng bigla niyang itaas ang kamay niya bilang sign na STOP. "Ikaw ba ung ahm si Aldrin Olazo? Tama ba kuya?" napatango na lang ako. Matalinong bata to, halata eh.

"Nakakatuwa ka talaga Lemon, bakit ba ang cute mo?" sabi ko sa kanya at kinurot ang mala-siopao niyang pisngi.

"Kasi po cute talaga ako ng pinanganak ako." ang lakas din ng aircon niya hahaha. Tinignan ko ung relo ko at 10:05 pm na, may shooting pa kami bukas.

"Lemon, tulog ka na. Maaga pa kasi si kuya bukas eh. Saka bawal magpuyat ang batang cute na tulad mo" sabi ko sa kanya. Pinatay ko na ung tv at umakyat na sa kwarto ko, buhat-buhat ko kasi siya. Ang gaan ng batang 'to, inihiga ko na siya sa kama ko at kinumutan. Tumabi naman ako sa kanya at please wag pong mag-isip ng masama. Feeling ko talaga kapatid ko to eh, ang gaan kasi ng pakiramdam ko sa kanya, haiisst.

"Kuya kantahan mo ako" sabi niya sakin at nakayakap sa braso ko.

"Ano bang gusto mong kanta?" sabi ko at hinaplos ang mahaba niyang buhok.

"Ung pang-rock 'n roll po" natawa naman ako sa sinabi niya. Seriously, sinong bata ang makakatulog kung ung kanta eh pang-rock 'n roll? Hahahahaha

"Pang lullaby na lang hahaha" sabi ko at tumawa na talaga ako.

"Nagtanong ka pa sakin Kuya, tanga ka?" mana to sakin, ung sinasabi ko ba kena manager at Bona na 'tanga' bumabalik sakin at sa isang bata pa tsk.

"Baliw, kung san ka natututong magsalita ng ganyan. Kakantahan na nga kita.

Twinkle twinkle little star
How I wonder what you are
Up above the world so high
Like a diamond in the sky
Twinkle twinkle little star
How I wonder what you are" aba, nakatulog agad. Umayos na ako sa pagkakahiga ko at natulog na rin, may pupuntahan pa kami ni Lemon.

************

"Good morning PhilKor" sabi ng katabi ko, sabay lang pala kami magising ni Lemon eh.

"Bakit naman PhilKor ang ginood morning mo? Bakit si Kuya hindi?" sabi ko na may halong pagtatampo.

"Kasi hindi mabaho" sabi naman niya. Napakunot naman ang noo ko.

"Ano connect?" sabi ko na may halong pagtataka.

"Trip ko lang sabihin Kuya, ang baho kasi ng hininga mo eh" tapos tumakbo siya papuntang CR, siguro maghihilamos at magmumumog siya. Nahiya naman ako sa sinabi niya hahaha! Natawa pa eh no?

May CR ako sa kwarto at may CR din ako sa baba, katabi ng kusina. Nasa 2nd floor kasi ung kwarto ko at ung guest room. Pumunta ako sa cabinet at kumuha ng damit at pantalon, liligo na ako at aalis kami ni Lemon.

"Lemon!" sigaw ko sa CR, nakasarado kasi ung CR eh.

"Yes Kuya?!" sigaw niya din.

"Anong ginagawa mo diyan sa CR?" -ako

"Tumatae po" sabi niya, muntik na akong masuka joke hahaha. Lokong bata masyadong straight to the point tulad ko haha.

"Liligo muna ako sa CR dun sa may tabi ng kusina, pag'tapos mo dyan nood ka na lang ng TV" sabi ko.

"Opo!" sigaw niya.

Pumunta na akong CR para maligo, hindi na ako nagbabad sa tubig kasi may pupuntahan pa kami ni Lemon. Pagkatapos ay nagbihis na ako at lumabas na ng CR. Sitting pretty naman si Lemon hahahaha!!

"Huy Lemon" tumingin lang siya sakin sabay balik ulit sa pinapanood niya. We Got Married ang pinapanood niya, maganda din yan eh.

"Lemon may pupuntahan tayo" sabi ko at nagmadaling umakyat sa kwarto para kunin ang susi ng sasakyan ko. Bumaba na ako at pinuntahan si Lemon.

"Saan naman Kuya?" sabi niya sakin. Buhat buhat ko ulit siya, ang bagal maglakad eh hahaha. Nakarating na kami sa kotse ko at inistart ang engine ng kotse ko.

"Sa mansyon"

***********

Sorry po kung maikli.
Read and Vote KAMSA!!!

My Girlfriend is AlienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon