Chapter 3* Crush

76 4 0
                                    


Aldrin's POV

Nagising na lang ako ng may nagpo-poke sakin. Tinignan ko ito at muntik na akong mahulog sa aking inuupuan dahil sa sobrang lapit ng aming mga mukha.

"Hooo!! *sabay paypay gamit ang dalawang kamay* akala ko si Shomba na ung kaharap ko" pagpaparinig kong sabi. Bwiset lang, akala ko maghahalikan na kami eh. Kahit sikat ako dahil sa pagmo-model at pag-aartista, wala pa akong nahahalikan sa lips, virgin pa lips ko :3

"Ahhhh, s-s-sorry!! Ayaw mo pa kasing magising eh kaya ang gagawin ko sana ay iumpog ang noo ko sa noo mo hehehe" kakamot-kamot niyang sabi, anong klaseng dahilan yun? Weird huh.

"Bakit ba? Istorbo ka sa pagtulog ko eh tsk" sabay pikit ulit ng aking mga mata.

"Pag natulog ka susumbong kita kay Tita atsaka di hamak na mas maganda ako kesa kay Shomba" dahil sa sinabi niya ay napagising ako at hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi, basta kapag si manager ay pinaghintay, para itong isang gorilla kung magalit. Kilala niyo si Gori ng Slamdunk? Ganun yun magalit, hindi naman sa mukha siyang unggoy, maganda ung manager ko kaso nakakatakot. Tama, si Bonaface 'tong kaharap ko ngayon, aiissshh nakakairita talaga siya ang hilig mangulit sakin.

Bonaface' POV

"Nasan si Aldrin?" tanong sakin ni Tita, yung manager ni crush hahaha. Crush ko talaga si Aldrin simula nung tinulungan niya ako.......

Flashback~~~~~~

Nakakainis talaga si Tita, sa dami ba naman kasi ng kanyang body guards eh sakin lang niya inutos sakin na dalhin sa 5th floor ang apat na bagahe niya. Bumalik kasi siya dito sa Pilipinas galing sa Paris. Tinanong ko siya kung bakit ako ang pinagbuhat niya sa lahat ng gamit niya, ang sabi niya sakin masyado lang daw talaga niya ako namiss kaya inutos niya yun sakin.

Grabe niya ako mamiss no? Tsk. Kaya ayun at buti na lang masaya ako at may energy pang magbuhat. Kaya ako masaya ay dahil in-approve na ng ninong ko na maging model at artista sa kompanya niya.

Una nga hindi niya ako nakilala dahil maganda daw ako, duh, maganda din naman ako nung bata pa ako no kaloka si ninong. Pero nung sinabi ko sa kanya na ako ung bata na hindi tumitigil sa paghingi ng pamasko niya hangga't hindi niya ako bibigyan eh kukulitin ko siya. Nung naalala niya ako bigla niya akong niyakap at nagkwentuhan ng kung ano ano. Tapos bigla na niyang pinirmahan ang mga papeles ko bilang sign na in-approve na niya ang pag-a-apply ko bilang maging modelo at artista.

Haiiist, nandito na ako sa 5th floor pero nawalan na ako ng energy. Kapag pala tumatagal, feeling ko pabigat ng pabigat ang dala ko. Tapos wala man lang dumadaan kaya wala na rin akong mahingian ng tulong. Medyo malayo pa ang room ni tita dito sa company ni ninong pero tanaw ko na ang pintuan nito. Tama, may room dito si tita sa company ni ninong dahil isa siyang manager dito.

Tatlong di-gulong ang dala kong bag at isa namang bag pack, nakakaloka lang! Um-stop muna ako sandali at pagkalipas lang ng ilang minuto ay may nakita ako mismo na lalaking kalalabas lang ng room ni tita. Tinitigan ko siya at namalayan kong nakalapit na pala siya sakin.

"Miss, tulungan na kita dyan" tumango na lamang ako dahil wala akong lakas para makapag salita pa. Kinuha na niya ung bag pack at dalawang di-gulong na bag. Tinanong niya ako kung saan ko 'to dadalhin at sinabi ko naman na dun sa room ni tita kung saan siya lumabas. Tumango na lang siya at naglakad kami ng sabay.

Napangiti ako ng sikreto at pagsabay ng tingin niya sakin ay sabay ding namula ang mukha ko. Kahit tingin lang yun bigla akong nahypnotize dahil sa tingin niya. Ang gwapo niya, waaaahhh!! Crush ko na 'tong lalaking to hahahaha.

"Thanks" sabi ko nung namalayan ko na nandun na kami sa room ni tita. Ngumiti lang siya at tumango pero bago pa siya lumabas.......

"What's your name? I'm Bonaface nga pala" sabi ko na nakangiti.

"Aldrin" simpleng sagot niya at lumabas na hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

End of Flashback~~~~~~

"Malay ko, pagtanungan ba naman ako ng nawawalang gwapo" sabi ko na ngiting-ngiti. Maya-maya ay bigla akong binatukan ni tita, aray ah. Nandito pala kami sa room ko which is dito sa company ni ninong.

"Bawasan mo nga yang pagiging malandi mo" ang sakit namang magsalita ni tita parang siya hindi hahaha.

"Aray huh! Parang ikaw tita hindi ganun ah, pati nga ninong ko na may-ari nitong company hindi mo pinapalagpas" araaaayy!! Paluin daw ba ako sa braso ko, ang bigat kaya ng kamay ni tita tsk.

"Ang ingay mo (*inamin ampupu*) sunduin mo na nga lang si Aldrin at magsisimula ng mag-shooting". Walang sabi-sabi ay agad akong tumakbo papuntang room niya. Kumatok ako ng ilang beses pero hindi niya binubuksan. Hinawakan ko ang door knob at buti na lang bukas ito, pagkakita ko sa kanya ay nilapitan ko agad siya.

Nahihirapan siya sa pwesto niya, nakaupo kasi siya sa upuan at nakatungo sa may desk kung saan nakalagay doon lahat ng make-ups. Cyempre kelangan niya din ng kaunting retouch kaya may make-up din siya. Nagulat ako ng bigla siyang gumalaw akala ko gising na siya. Saktong pagalaw niya ay saktong pagharap niya sa aking mukha. Hindi ko nga din alam na ang lapit na ng mga mukha namin. Kapag kasi ako tititig sa isang tao, kelangan ilapit ko pa ang mukha ko :3 Pinoke ko siya sa pisngi, ehhh!! Ang lambot, inggit ako!!

Ang gwapo talaga niya, nakakaurat!!! Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa magising siya at muntik pa siyang mahulog sa kinauupuan niya.

Siguro nasa isip nitong lalaking to hahalikan ko siya. Actually gusto siyang ipakasal ng tatay niya sakin, gusto ko rin naman ang kaso hindi ko naman siya mahal, hanggang crush ko lang siya. Ang sarap kaya niyang asarin hahahaha, saka gusto kong hanapin si Mister Right ko no. Nga pala ako si Bonaface Maunes na may crush kay Aldrin hahaha paulit-ulit eh.

Maarte af clingy talaga ako guys :3 Nakakainis talaga si Aldrin, eh mas maganda pa ako kay Shomba eh!!!! Saka hindi ko rin alam kung bakit ako nag-sorry siguro dahil malapit ung mukha ko sa kanya, tapos ang epic pa ng paliwanag ko =____= iuuntog ko noo ko sa kanya? Da pak!! San ko nakuha yun?

"Hanap ka nga pala ni Tita" sabi ko sa kanya.

"Bakit daw?" luh? Natulog lang nagka-amnesia agad? Adik ka crush =___=

"Baliw ka? May shooting ka po" sarcastic ko na sabi. Bigla siyang napatayo sa kinauupuan niya at lumabas na, sumunod na rin ako sa kanya. Nakarating na kami sa room ko iniwan kong mag-isa si tita hahaha, walang katok-katok kaya pumasok na lang kami. Sitting pretty ang matandang dalaga hahahaha! Wala po siyang asawa at ni anak, 35 years old lang naman ang tita ko, kaya niya nilalandi ang ninong ko dahil sa magkasing-edad lang sila. Ang bata pala nila nung pinanganak ako hahaha!!

"Natulog ka na naman ba Aldrin?" seryosong sabi ni Tita.

"Opo" nakatungo niyang sabi, pa-humble effect amp. Nasa loob-loob niyan "hindi ba halata? Tsk" tapos ang sagot naman ni tita......

"Oh I see, ang messy kasi ng buhok mo" ang sagot naman ni Aldrin........

"Alam mo pala eh" ganyan yan eh mahilig ding mangbara at buti close sila ni tita. Eto namang si tita alam na ngang natulog si gwapo magtatanong pa, gusto niya rin kasing asarin 'tong si Aldrin eh, nakakatawa kasi ung mukha niya kapag naiirita.

"Nga pala, may sasabihin ako sa inyong dalawa" biglang tumayo sa upuan si tita at bigla kaming tinitigan sa mga mata namin.

"May sinasabi ka na samin" sabi naman ni Aldrin, tsk, inatake na naman ng pagiging bipolar. 1 year na siyang nagtatrabaho dito sa company ni ninong, pareho lang naman trabaho namin.

"Alam ko but this is important. Dahil artista na kayo, kayo ang magiging bida at partner sa gagawin namin na drama. So, Aldrin leading lady mo itong pamangkin ko" seryosong sabi ni tita. Hindi parin mag-sink in sa utak ko yun ah, tinignan ko si Aldrin at nakatingin din siya sakin. Mukhang hindi rin magsink-in sa kanya, at nung makarecover na.........

"Whaaaaaattt??!"

***********
Read and vote KAMSA!!

My Girlfriend is AlienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon