Chapter 2* Honest

73 3 1
                                    


Aldrin's POV

Nakalimutan kong magpakilala, ako nga pala si Aldrin Olazo at 22 years old na. Nagtatrabaho sa isang napakasikat na kompanya at ung mga nagtatrabaho dito ay nagiging sikat din. Gaya ko, sikat na ako at kumakalat na rin ang mukha ko kung saan-saan. Kumbaga ung mga pictures ko kumalat na =___= modelo din kasi ako eh.

Hindi ko nga din akalain na sisikat ako eh at proud sakin si papa kahit na nag-aaway kami minsan. Naglalakad na ako patungo sa kwarto kung saan nandun ung lahat ng mga gamit ko para sa pag model at pag-acting nang.........

"Hi Aldrin" si Bonaface Maunes, siya ung gustong ipakasal sakin ni papa kaso ayaw ko sa kanya. Masyado kasing clingy eh saka maarte. Maganda nga at sexy pero maarte, hindi naman yun ung ideal girl ko =____= At talagang humarang siya sa dinadaanan ko, badtrip talaga tong babaeng 'to.

"Get out of my way" naiirita kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya pero umalis din sa dadaanan ko. Ang kaso umalis nga sa dadaanan, pero bigla niyang ikinawit ang kanyang kamay sa braso ko. Ahh!! Badtrip!! Tinignan ko siya ng masama nang mararamdaman ko na ihihilig niya ang kanyang ulo sa aking balikat.

Inalis naman niya yun kasabay ng pag-alis ng kanyang kamay. Nakahinga ako ng maluwag pero.......

*kiss* lanjong yan!!!! Kissan daw ba ako sa pisngi bago pumunta sa kanyang kwarto upang magbihis kasi may trabaho din siya? Nakakaurat, kahit madami na akong naging leading lady, gusto ko parin ireserve sa Miss Right ko ang buong katawan at puso ko (ang sweet kong magsalita hahaha).

Pinunasan ko nang maigi ang aking pisngi at pumasok na mismo sa kwarto ko. Pagpasok ko ay nandun na pala ang aking manager........

"Hi manager" magalang kong sabi. Ngumiti lang siya pero bigla niyang itinaas ang kanang kilay niya at biglang naging seryoso ang mukha niya.

"Sabi ng dad mo ayaw mo daw pakasalan si Bonaface? Ano bang problema dun?" aiissh, ang daldal talaga ni papa! Nga pala, tita ni Bonaface ang manager ko tsk. Walanjo talaga eh!!!

"Maarte po kasi siya eh saka clingy *poker face*" diretsa kong sagot sa kanya. Nagulat siya sa sinabi ko pero di nagtagal ay ngumiti siya sakin.

" 'Yan ang gusto ko sayo eh, masyado kang honest kaya keep it up. Lalabas muna ako ng kwarto mo para naman makapag-isip ka" tumango na lamang ako at ngumiti. Saktong paglabas niya ay huminga ako dahil sa relief. Akala ko magagalit siya sakin kasi sinabihan ko ng ganun ang pamangkin niya which is true pero ngumiti pa siya mismo sakin.

Natatawa na lang ako sa mga pangyayare pero iniisip ko parin kung saan hahanapin ang Miss Right ko. Saan ka na kaya? Bakit ang tagal mong dumating? Lumabo na ba ang mga mata ni Cupido at hindi ka man lang matamaan ng pana nito? Kelangan na ba niyang pumunta sa EO eye care? Natrapik ka ba? O on the way ka na? Eh sa Outer space andun ka kaya? Ano yun alien? Tsk, napabuntong hininga na lang ako at tinignan ang aking relo at 12:57 pm na. Tutulog muna ako dahil 4 pm pa naman ang simula ng shooting.

**********

Read and vote KAMSA!!

My Girlfriend is AlienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon