Chapter 6* Mansion and Malling

44 2 0
                                    


Aldrin's POV

"Kuya, bakit ka sa condo nakatira eh may mansyon naman pala kayo?" tanong sakin ni Lemon habang nagda-drive ako.

"Gusto ko rin kasing mapag-isa saka nung buhat na namatay si mama" malungkot kong sabi. Nadidistract kasi ako kapag ung mama ko na ung pinag-uusapan eh. Mukhang nahalata niya na nadidistract ako kaya nanahimik na lang si Lemon. Nakarating naman kami ng mansyon at pinagbuksan ng gate. Binati kami ng mga maid at ang iba ay nagtataka kung bakit ako may kasamang bata at ung iba naman ay natutuwa dahil sa cute si Lemon.

"Papa, we're here!" sigaw ko. Siguro nasa music room na naman yun, ganun kasi si papa kapag malungkot na naman siya or naboboring laging nasa music room pero cyempre minsan tumutulong din siya sa restaurant namin. Nakita ko na siyang pababa galing sa taas, alangang pababa galing sa baba ulet? K.

"Aldrin anak!! Musta ung pictorial nyo? Ayo----- sino 'yang cute na batang yan?" gulat na sabi ni papa, minsan OA din si papa eh parang babae hahaha. Pagkakita niya kay Lemon ay hinawakan niya ito, tsk. Hindi nga pala nakaligo si Lemon, wala rin kasi siyang dala na damit eh kaya ang gagawin ko eh bibili kami kasama si papa.

"Ako po si Lemon anak niyo" nagulat ako at ganun din si papa. Aba straight to the point, tinignan ako ni papa na naguguluhan. Nasa bulsa ko pala ung picture na dala ni Lemon, kinuha ko kasi kay Lemon ung picture pagkatapos kong istart ung engine ng sasakyan.

"Anak? Paano?" naguguluhang tanong ni papa. Kahit ako naguluhan, hindi rin ba alam ni papa? Pero paano? Ang gaan ng loob ko sa batang cute na'to. Saka hawig sila ni mama kaya paanong......paanong hindi alam ni papa??

"Papa, dala niya 'tong picture natin *sabay abot ng picture* bigay daw yan sa kanya ng nag-alaga sa kanya. Hindi ko nga alam kung paano siya napadpad sa may condo kung saan ako nakatira" kinuha ni papa ung litrato at nagulat din siya. Tumingin siya kay Lemon na gulat na gulat, si Lemon nakangiti.

"Kayo po ung papa ko diba? Ikaw po yang sa picture eh. Lapit po kayo sakin" sabi ni Lemon. Lumapit naman si papa kay Lemon at yumukod para magkapantay sila, nagulat ako pati narin si papa. Niyakap kasi siya ni Lemon gaya ng pagyakap niya sakin nung nandun siya sa tabi ng mga guards.

"Papa" ulit na sabi ni Lemon, nakita ko na medyo naluluha si papa dahil sa pagtawag sa kanya ni Lemon ng 'papa'.

"Hmm?" sabi ni papa habang hinahaplos ang mahabang buhok ni Lemon.

"Wala lang po. Kuya *tingin sakin* group hug tayo" wala na akong ginawa kundi maki-hug na lang sa kanila ng.......

"Waaaah!! Ang cute naman nilang tatlo"

"Ang cute naman nung bebe girl"

"Oo nga eh saka ang cute din ng name niya, Lemon"

"Ang sarap pisilin ng fez niya hihi"

Aiiisshhh!! Ung mga maid na naman, kanina pa pala nanonood samin, medyo natawa na lang si Lemon at humiwalay na sa yakap namin nina papa. Lumapit siya sa mga maid at kinausap. Tuwang tuwa naman ung maid at pinisil ang mukha ni Lemon. Medyo namumula na ung mala-siopao na pisngi ni Lemon, wawa naman ang baby girl namin nina papa.

"Wag n'yo ngang pagpyestahan ang mukha ni Lemon!" sigaw ko sa mga maid, napatawa na lang si Lemon kaya napangiti na lang ako habang umiiling.

"Aldrin, sure ka ba talaga na anak ko yan at kapatid mo si Lemon?" tanong bigla sakin ni papa, hinila pa ako papuntang garden. Nagtaka din ako eh, hindi pa kasi ako gaanong convincing na kapatid ko talaga si Lemon. Feeling ko talaga na kapatid ko siya kasi nga magaan ung loob ko sa batang cute na yun.

"I don't know papa, basta ang alam ko magaan ang loob ko sa kanya. Bakit papa, hindi ba magaan ang loob mo kay Lemon?" habang nakatingin sa kanya ng seryoso. Usapang pamilya kaya seryoso dapat.

My Girlfriend is AlienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon