Chapter 1* Miss Right

141 2 6
                                    


Aldrin's POV

"Whaaatt?! No way!!!" napasigaw na lang ako dahil sa sinabi sakin ngayon ni papa.

"Of course gagawin mo yun dahil kung hindi alam mo na ang mangyayari" nakangisi nitong sabi. Arrrgghh!! Nakakaurat talaga!!!

"Bakit pa ba kelangan yun? Para saan? Sa sarili niyo?" naiinis kong singhal sa kanya. Biglang nawala ang ngisi sa labi niya at tinignan ako nang masama.

"Hindi ito para sa sarili ko anak, para sa iyo din ito" sabay lagay ng kanyang kamay sa aking balikat kasabay nang pagpisil niya dito.

"Bakit kay Bonaface pa? Alam mo namang ayaw ko dun papa eh. Never akong papakasal diyan sa babaeng yan!" naiirita kong sabi at pinadyak ang aking kanang paa dahil sa inis.

"Kung ayaw mo siyang pakasalan ehdi dapat may maipakilala ka sakin" nagulat ako sa sinabi ni papa. Sana sa isang linggo na lang at hahanapin ko pa ung true love ko (what a words =__=).

"Kung meron ka man na ipakikilala sakin, I give you 2 weeks to find your miss right" dugtong niyang sabi at nakangiti sakin. Pwede na rin ung 2 weeks, tumango na lang ako ngumiti na din sa kanya.

"I will papa" pinat niya ung aking balikat at lumabas na ng condo ko. Tama, sa condo ako nakatira since nung namatay ang mama saka gusto ko ring mapag-isa. Pumayag naman si papa at dumadalaw siya sakin gaya ngayon pero minsan ako naman ang pumupunta sa mansyon.

Pupunta na naman si papa sa restaurant namin na kanilang ipinatayo ni mama. May company kami ang kaso biglang bumagsak ito kaya napilitan kaming ibenta ito. Kaya naman kasi bumagsak dahil laging stress si papa at kapag naalala niya si mama ay hindi talaga siya makapag-concentrate sa trabaho niya. Mas nauna pang ipatayo ang restaurant namin kesa nung company namin DATI. Kaya grabe ang pagka-depressed ni papa at doon na bumagsak ang company namin.

Mabuti na nga lang at sikat ang aming restaurant kaya madaming bumibili. Dahil tapos naman na akong mag-aral, ang kinuha kong trabaho ay pagiging artista at dahil sa gwapo ako at ma-appeal (hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko) kaya natanggap ako.

Napaupo na lang ako sa sofa nang maalala ko ang sinabi ni papa. Okay na sana ung 2 weeks eh ang kaso, san ko hahanapin si Miss Right ko? Mukha yatang mahihirapan ako ah tsk.

My Girlfriend is AlienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon