Chapter 4* Pictorial + Kuya?

43 2 0
                                    


Aldrin's POV

"Whaaaaatt??!" sabay naming sabi ni Bonaface. Kahit kelan hindi ako ang magiging leading man niya at kahit kelan hindi ko siya magiging leading lady!!! Never sa isang babae na maarte at sobrang clingy!!!

"You heard me right? Partner kayo at NO buts. Btw, may pictorial muna pala bago shooting, mag-ayos na kayo" sabi ni manager at pagkatapos ay lumabas na siya sa room nitong babaeng to.

"Tss. Okay sana 'tong makapartner eh ang kaso nasobrahan sa pagiging bipolar kaya ayoko!" tsss....bubulong pa siya eh naririnig ko naman.

"Akala mo ikaw lang ang may ayaw? Pati ako, ayaw ko sayo!" naiinis kong sabi habang nagpapapadyak :3

"Aray huh? Sakit mo namang magsalitang hinayupak ka =____=" sino samin ang mas masakit magsalita, ang salitang ayaw ko sa kanya o ang hinayupak na tawag niya sakin?

"Ikaw din tsk. Paano na yan? Ayaw pa naman kitang makapartner" malungkot kong sabi. Totoo, nalulungkot ako kasi siya ung partner ko eh :3

"Kahit din ako no. Wala tayong magagawa, si tita na mismo nagdecide eh. Sige na't lumabas ka na ng room ko dahil mag-aayos pa ako eh" napabuntong hininga na lang ako at lumabas na lang ng kwarto niya patungo sa kwarto ko. Nakaupo lang ako sa upuan habang nakatingin sa salamin.

Kapag nakita ko na si Miss Right, titigil na ako sa pag-aartista dahil gusto ko rin naman ng privacy lalo na sa buhay ko. Nilagyan lang ako ng konting retouch at nagbihis na ako.

Pumunta na ako sa lugar o sa isang room kung saan magpi-pictorial kami ni Clingy (kilala nyo yan guys :3 ).

"Aldrin, Bonaface!!!" lumingon ako at nakita ko si manager, halatang siya ung sumigaw. Lumapit sa kanya si Bonaface kaya lumapit na rin ako.

"Tita, kelangan sumigaw?" sabi ni Bonaface sabay irap ng kanyang mga mata. Tsk, hindi lang pala maarte at clingy kundi mataray din =____=

"Tinatamad akong lapitan ko kayo eh saka gusto kong makuha ang atensyon n'yong dalawa" seryosong sabi ni manager. Tinignan ko lang siya at nakatingin din siya sakin, dukutin ko mata mo manager eh hahahaha joke lang. Maya-maya ay inirapan niya ako, anyare??

"Dahil drama ang gagawin nating palabas dapat ang mga pose ninyo ngayong pictorial ay malungkot" sabi niya sa amin, napataas naman ang kanang kilay ko.

"Tapos?" sabi naman ni Bonaface.

"Ang gagawin mo Bonaface saside view ka at medyo ihihilig mo ang ulo mo kay Aldrin tapos ung kaliwa mong kamay nakalagay sa kanang dibdib niya. Ikaw Aldrin ang gagawin mo saside view din tapos ung kaliwa mo namang kamay ilalagay mo sa likod ni Bonaface kumbaga ung katawan ninyo magkaharap pero nakatingin kayo sa camera at wag na wag ninyong kakalimutan ang emotions".

"Aiissshh!! Bakit kelangan pa ni Bonaface na ilagay pa niya ung kamay niya sa dibdib ko? Feeling ko tuloy hinaharass ako eh =___=" poker face kong sabi. Kinotongan ako ni Bona (short for Bonaface) kaya napa-aray ako. Ang bigat ng kamay amp nagmana sa tita niya :3 Naranasan ko po kasi na mabatukan ni manager at ang mamasabi ko lang, ang bigat ng kamay niya.

"Punyeta ka talaga Aldrin, harass harass ka pang sinasabi. Baka nga ikaw gumawa nun sakin eh, ilalagay mo ung kamay mo sa likod ko, tsk, naka-backless pa naman ako. Kung alam ko lang na ganyan pose natin, nag-sweater na lang ako *geeeez*" kunyare nandidiri niyang sabi. Ngayon ko lang nalaman na naka-backless pala siya kasi bigla siyang umikot na parang pinapakita ung suot niyang damit.

"Bakit ka naka-backless? Hindi naman JS Prom ngayon =___=" araaayy!! Kanina kotong ngayon naman batok, nakakadalawa na siya, kung di nga lang siya babae baka in-upper cut ko na siya.

"Paki mo? Bagay naman tong suot ko sa gagawing shooting eh, eh yang suot mo? Bakit ka naka-neck tie? Wala ka naman sa opisina eh" ganti niyang sabi sakin.

"Bakit? Sa opisina lang ba pwedeng mag neck tie? Tanga ka ba?" naiirita kong sabi. Pinanlakihan niya ako ng mata at umamba pa siya sakin.

"Aba at----------"

"*ehem* punyeta kayong dalawa para patas. Pumunta na nga kayo dun sa may harap ng camera at magsimula na, anong oras na eh" sabi niya at umupo na sa upuan katabi ng camera man.

Tinignan ko kung anong oras na at 5:00 pm na. Tinignan ko si Bona at nakatingin siya sakin sabay ismid, inismidan ko nga din. Pumunta na kami dun sa setting kung saan kami magpi-pictorial. Nagpose na kami ni Bona at naka-ilang ulit pa kami dahil ang ara ara niya. Ilalagay ko pa lang ung kamay ko sa likod niya nang apakan niya ung paa ko kaya napaaray ako. Saktong pag-aray ko eh nagclick ung camera, ang kinalabasan eh naka nganga ako at siya tumatawa.

Pinandilatan kami ni manager kaya nagpatuloy na ulit kami. Pero sabi nga nila, "lintek lang ang walang ganti" kaya ang ginawa ko, bago niya pa medyo ihilig ang ulo niya sakin, umatras ako kaya natumba siya hahahaha. Kumbaga nakaluhod siya, alam nyo ba ung luksong baka? Ganun ung style niya hahaha. Tapos nakaturo pa ako sa kanya habang tumatawa, ang kinalabasan ulit ng sunod naming picture eh ganun ung pwesto namin.

Medyo naiirita na nga ung camera man eh at sinaway kami ni manager. Nagpatuloy na lang kami at naging maayos naman ang kinalabasan, pero ung iba hindi. Nakasimangot kasi ako nung sunod at itong si Bona ganun din, imbes na drama ang kinalabasan, para kaming buang sa picture.

"Haaaaaayyy!!!! *unat ng katawan* sa wakas tapos na din, akala ko mahaharass ako ng wala sa oras eh tsk" sabi ko na may halong pagpaparinig. Nauna ng umalis sina manager para pagdesisyunan ang palabas na gagawin namin pagkatapos nitong pictorial pero bago yun piningot pa niya ung tenga namin :3

"Akala ko mahaharass ako ng wala sa oras" gaya gaya ng sagot eh no. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pagliligpit ng gamit ko pagkatapos mag-unat ng katawan. Nagligpit narin siya at sabay na din kaming lumabas dun sa room kung saan kami nag-pictorial.

"Anong oras na Aldrin?" - Bona

"Oras na para umuwi at matulog" sabi ko na medyo inaantok na. Pasikreto kong tinignan ang relo ko at 7 na, kaya pala gabi na eh :3

"Tanga, anong oras na nga?" naiirita niyang sabi.

"7:01 pm to be exact" nakalabas na kami mismo sa company at pumuntang garage. Tig-isa kami ng sasakyan cyempre. Bago ako pumasok sa kotse ko eh bigla siyang nagtanong.....

"Aldrin, naalala mo ba ung time na tinulungan mo ko sa pagbuhat nung mga bag ni tita papunta sa room niya?" napaisip ako dun, siya pala yun hahaha joke. Kinalimutan ko na kasi yun eh dahil depress ako ng time na yun dahil naiisip ko ung pagkamatay ni mama.

"Oo pero kinalimutan ko na hahaha" anong klaseng sagot yun? Hahaha, oo tapos kinalimutan?

"Tsss, nakita kasi kitang lumabas sa room ni tita that time, ano ung ginawa mo dun?" -Bona

"Nagpapirma lang ng papeles kasi nag-apply ako ng trabaho bilang artista at modelo" sabi ko. Pumasok na ako sa kotse ko pero hindi ko pa sinasarado ang pintuan nito.

"Ahh, I see, geh ingat saka good night" tumango na lang ako sabay sabing,

"Same to you" at sinarado ko na ang pintuan ng kotse ko. Nag-drive na ako pauwi papuntang condo. Pagkarating ko ay pumunta akong garage para ipark ang sasakyan ko. Habang papasok ay may nakita akong bata na nakatungo at katabi ng mga guards. Lumapit ako sa mga guards at tinanong kung ano ang nangyare.....

"Kasi Sir kanina pa po yan nangungulet na nandito daw ung papa at kapatid niya" napatango na lang ako at tinignan ung bata, nakatingin din pala siya sakin. Isang batang babae ang lumapit sakin, (ung tinutukoy ng isang guard na nangungulet), niyakap ako at sabay sabing.....

"Kuya, ikaw ba ung kuya ko?" lumakas ang kabog ng dibdib ko pagkasabi niya ng kuya sakin. Humiwalay ako sa kanya sa pagkakayakap niya sakin at tinignan siya ng nalilito. Siguro nalaman niya na nalilito ako kaya ipinakita niya sakin ang hawak niya. Isang picture, ang tatlong tao na nandito ay ang mama at papa ko saka ako? Pero paano yun nangyare? Tinignan ko ung batang babae na sa tingin ko ay nasa edad 5-6. Nakangiti siya sakin pero nakatitig lang ako sa kanya. Wala namang kini-kwento sakin si papa ah? Pero paano? Paano ko naging kapatid itong cute na batang ito at paano nangyare na nasa kanya ang aming litrato nina mama at papa?

**********

Read and vote KAMSA!!!!

My Girlfriend is AlienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon