Chapter 7
Agad ako na napabitaw sa kanya nang makarinig ako ng mga yapak.
"Andito lang pala kayong dalawa" sabay kaming tumingin kay ate Uzi na ngayon ay nakabihis na ng pantulog.
Muli kong tinignan ang cellphone ko nang tumunog ito.
Binuksan ko iyon at agad na binasa ang text ni mommy.
From: Mommy
No I'm not, enjoy there darling.
I felt relief knowing mom isn't mad.
To: Mommy
Okay, goodnight mom.
"Who are you texting?" tanong ni kuya at umupo sa isang bench pagkatapos ay tumingin kay Caleb.
"Si Mommy, dito na raw tayo matulog."
"Sige. Kunin ko lang iyong bag natin sa sasakyan." umalis muna si kuya para kunin ang nasabing bag namin na naglalaman ng mga damit. We brought it on purpose since na pag-usapan ang swimming.
"Ate"
"hmmm?"
"Parang hindi ko po nakikita si tito Eric?" kasalukuyan namang natutulog si Caleb sa bench nang itanong ko ang daddy nila ate Uzi.
"Ahh, nasa work kasi siya, you know? Palipat lipat siya ng lugar kaya baka next week pa siya makakarating." paliwanag niya at lumapit sa kapatid niya.
Nakahiga si Caleb sa isang bench habang ang kanyang braso ay nagsilbing takip ng mukha niya.
"What do you think of him?" tanong ni ate Uzi.
"Sino po?"
"Caleb"
Well, he is mostly anyone's ideal type. Tall, Handsome, Smart, he is caring sometimes, he is also a good friend, loyal and, I like him.
"Mabait po" those are the only words that came out from my mouth.
"That's new" natatawang sambit ng ate niya. "Hindi ba siya cold sa'yo?"
"Cold nga po." I chuckled softly to hide my nervousness.
"Paano naging mabait kung ganoon?"
"I think he only shows his cold side because he is scared of something but every time I see the way he treats you and kuya, I know that he is a good brother and a friend at the same time."
"Do you like him?" nanlamig ako dahil sa biglang pagtatanong ng ate niya. Am I that obvious? Dahan-dahan ko na nilingon si Caleb.
"Yes" Caleb knows it ayway so no need to hide it from her.
"Does he know about it?" tumango ako bilang sagot, napatakip naman ng bibig si ate Uzi.
"Oh My Gosh! Really?!" excited na sabi niya.
"Dinner is ready!" sigaw mula sa loob ng bahay nila kaya pumunta na kami roon.
"Gising ka na baby boy!" kunot ang noo na nagmulat ng mata si Caleb at inalis ang kamay ng ate niya na ngayon ay nasa kanyang balikat.
Sabay-sabay kami na pumasok sa loob ng bahay. Laking gulat ko nang makita ko si kuya na prenteng nakaupo sa hapag-kainan. Burawit.
Tahimik kaming kumain, napansin kong wala ang mommy nila kaya naman hindi ko na mapigilang magtanong.
"Ate Uzi, si tita?"
"Manang, si mommy?" tanong nito sa isang kasambahay nila.
"Busy. Pinasabi na mauna na raw kayong kumain." tumango lang si ate at nagpatuloy sa pagkain.
YOU ARE READING
After Him
Teen FictionAutumn Emery Delgado gets whatever she wants but not for this one guy. She likes Mateo Caliber Castillio, a man who doesn't believe in love, the one who rejected her. But when she said she wants you she will do anything to have you. 5 years of want...