CHAPTER 3

22 3 0
                                    

Chapter 3

Ilang linggo na ang lumipas pero sariwa pa rin sa akin ang nangyari sa gabing iyon.

It was only a little interaction with Caleb but it means a lot to me. Holding his hand made me nervous, dancing with him made me feel embarrassed, but when he looked me in the eye, that's when my heart beats fast.

Hawak ko pa rin ang picture na binigay ng mama ni Caleb. Tuwing gabi ay tiningnan ko ito at hindi ko namamalayan na napapangiti ako. I even bring it with me sa school, it's in my wallet.

"Tsk tulala na naman ang bruha" nilingon ko si Charm na umiirap.

"Syempre iniisip ako niyan" mayabang na tugon ni Ash at kinindatan ako. Kadiri.

"Eww" maarte ko siyang tinignan.

"Ha! Eww ka pala eh!" Tukso ni Charm, naglabas ng dila, nang-aasar.

Napatigil silang dalawa sa pagbabangayan nang May nakita sa likuran ko.

"Autumn" napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon. 

Bumungad sa akin ang taong papakasalan ko sa future.

"Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya at tumingin saglit kila Charm at ibinalik agad ang mata sa akin.

"Hindi pwede." Apila ni Ash kaya agad ko siyang tinignan nang masama. 

Pakialamero.

"Sino ka ba?" Caleb said with a sarcastic tone.

"I'm her friend but maybe in the future I'll be her husband" nanlaki ang mata ko sa kakapalan ng pagmumukha ng Ashton. "You?"

"I bet you'll cry if I answer that" sarkastiko na ani Caleb.

"Aba-" bago pa man sila mag-away ay sumingit na ako.

"Ayos lang naman. No problem" sagot ko kay Caleb at kinurot ang kamay ni Ash.

"Aray naman love!" Singhal niya kaya inirapan ko nalang siya.

Nakita ko ang pagsulyap ni Caleb sa kamay ni Ash, pagkatapos ay agad ito na nag-iwas ng tingin.

"Follow me" utos niya at nagsimulang maglakad, wala na akong nagawa kundi sundan siya.

Nakangisi lang ako habang naglalakad. Sinisikap ko na habulin ang mga hakbang niya. 

Bagalan ko kaya? Baka sakaling buhatin niya ako. Knowing him, baka hindi niya nalang ako kakausapin.

We ended up in our school's garden. Ahh.. peaceful place to relax.

"Baka makita tayo nila Kit" kabado ko na tanong.

"We're not doing something illegal here" 

Malay ko ba.

"So, what now?" Tanong ko, nakalagay ang magkahawak kong kamay sa likod ko habang tumitingin sa paligid.

"Where's the letter?" Seryoso ito at mukhang hindi siya nagbibiro.

Pinapunta niya ako rito, para lang doon?

"What letter?" Inosente kong tanong.

Nagulat ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Natutulala ako na pinagmamasdan ang kanyang mukha.

Teka, bakit nga ba hinahanap niya na naman iyon? Interesado na ba siya sa akin? o balak niya lang iyon na maliitin ulit?

Napangiti ako na inilapit din ang mukha ko sa kanya. Ngayon ay isang pulgada nalang ang pagitan ng mga ilong namin.

After HimWhere stories live. Discover now