PROLOGUE
PROLOGUE
"Autumn, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Charm nang madaanan niya ako sa tapat ng room ng mga seniors.
"Mamaya lang saglit, may gagawin lang ako." Sagot ko at ngumiti dahil baka makahalata siya.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, nagtataka. Maya-maya ay huminto ang pagkilatis niya sa mga mata ko. Tinignan niya ako nang diretso sa mata at saka inilapit ang mukha niya sa akin.
"You're up to something, don't you?" agad ako na umiling. Naniningkit ang kanyang mata na tila hinuhuli ako.
"Wala talaga. You know assignment lang." pangungumbinsi ko sa kanya, sinabayan ko 'yun ng tawa para mas makatotohonan at mukhang gumana naman.
"Do not do something embarrassing Autumn." Paalala niya at umalis na. Nakahinga naman ako nang maluwag pagkalayo niya.
Napabuntong hininga ko na tinignan ang hawak ko na kapirasong papel.
Sabi nila, 'pag gusto mo raw ang isang tao, umamin ka na gusto mo siya. It may be risky, but atleast wala kang pagsisisihan sa huli. Wala namang mawawala sa'yo kung aamin ka. It's okay to confess than to regret that you didn't in the end. But no matter what the result may be, you will always remember that if you love a person, you won't be giving up on him.
Malay mo gusto ka rin niya.
Ang hirap magmahal ng taong, limang taon mo nang gusto at palihim mo siyang minamahal. I never had the chance to say what I feel for him, palaging nauudlot and I think this is the right time to confess. College na siya next school year so it means bihira ko na siyang makikita. I promised myself that before my Junior High school life will end, I am already done confessing to him.
Naagaw ang atensyon ko nang marinig ko ang tunog ng kabubukas lang na pinto.
Here he comes. OMG.
I saw him going out of their classroom wearing his usual expression, I suddenly felt uneasy. I felt my legs trembling because of his presence, and my heart beats faster when he starts walking towards to where I am standing. I can feel my sweat dripping on my forehead, neck and..
"What are you doing here Autumn?" malalim ang boses na iyon, nakakatakot, at dama mo ang awtoridad. He is looking at me in a cold manner.
Mainit ang panahon ngunit giniginaw ako sa kaba dahil sa presensya niya.
Nabitawan ko ang hawak ko na liham para sa kanya dahil sa gulat. Shit. Hindi ko agad iyon napulot dahil nakatingin siya sa akin.
"I just want to talk with you. Hehe. Is it okay?" mahinang sabi ko, nakatingin lamang ako sa sapatos ko na mamahalin.
Sumandal siya sa pader ng classroom nila bago ulit magsalita. Inangat ko ang tingin ko sa kanya, naghihintay ng sagot.
"About what?" lumingon siya sa gawi ko dahilan para mapaigtad ako. Ganito pala ang pakiramdam na umamin. Nakakamatay.
Huminga ako nang malalim, bago ulit mag-angat ng tingin sa kanya.
"Don't waste my time, hindi dahil kaibigan ko ang kuya mo ay sasayangin mo na ang oras ko" ito na ata ang pinakamahaba na pangungusap na natanggap ko mula sa kanya sa pitong taon na naming magkakilala. Kaswal lang ang mga naging usapan namin sa mga taon na iyon.
Tipid ang mga salitang lumalabas sa bibig niya kaya mukhang swerte ako ngayon.
"Uhhm ano" kinakapa ko pa ang mga salita na sasabihin ko sa kanya. Napatingin ako sa kisame , pader, locker, basurahan sa pag-iisip ko nang sasabihin.
"Make it fast may gagawin pa ako" itinaas niya ang manggas ng uniform niya para tignan ang oras sa kanyang relo bago ulit ako binalingan ng tingin.
Bago pa man ako magsalita, may sumingit na.
"Caleb" napalingon ako sa babaeng nagtawag sa kanya. Naglipat lipat ang tingin niya sa amin ni Caleb, nagtataka. Sumenyas si Caleb gamit ang kamay niya. Sarap dumukot ng mata ng chismosa.
"I'm talking to someone, Sher" napahiyang lumayo ang babae sa pwesto namin.
"Ahh sige, sa susunod nalang" paalam niya. Pinanood ko siya na maglakad palayo sa amin.
"Autumn" muli kong naibalik ang atensyon ko kay Caleb na ngayon ay nakapasok ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa nito.
Yumuko ako para pulutin ang liham na ginawa ko kagabi para sa kanya. Nakita ko na naagaw ng atensyon niya ang papel na hawak ko. I've always been so confident but this man is the only one that makes me so damn nervous.
Inabot ko iyon sa kanya nang nanginginig ang kamay, kunot-noo man ay tinaggap niya pa rin iyon. Tingnan niya lang iyon nang matagal, walang ekspresyon.
"What is this?" tanong niya habang sinusuri ang binigay ko.
"A letter" obvious na sagot ko. Nagulat ako nang hindi niya iyong binuklat o sinilip man lang kung ano ang nakalagay doon, naglakad lang siya, akala ko ay iiwan na ako ngunit umalis siya para itapon niya iyon sa basurahan na malapit sa amin.
I suddenly felt a pain in my heart that no one else made me feel that way. My efforts of giving my feelings in that piece of paper were all gone.
It took me 5 long years of keeping my feelings for him. Minutes of confessing. And seconds of rejection.
"Hindi mo manlang babasahin?" mataray na sagot ko dahil naiinis na ako.
"I'm used to it. Different designs and styles but contains the same message from google. Hindi ka ba nahihiya?" tanong niya nang makabalik sa pwesto niya kanina.
Hindi ko nagawang sumagot. Bakit naman ako mahihiya? Mas nakakahiya kung sa iba niya malalaman.
"Seriously? A love letter? Baka nga essay mo hindi mo pa nagagawa, gawin mo muna bata" naramdaman ko ang pamumuo nang mainit na likido mula sa gilid ng aking mga mata.
I was rejected and belittled at the same time. Rejection combo meal.
I knew he didn't like me at the first place, but I still expected for atleast friendship.
Tinakpan ko ang mukha ko sa hiya, pinunasan ko ang mga luha na nagbabalak tumakas mula sa aking mga mata. Dahil ayoko na makita akong namumula ang ilong at mugto ang mga mata.
Sino naman kaya ang may gusto na makita sila ng crush nila na ganito kasagwa diba?
Naglakad ako patungo sa basurahan para pulutin iyon, nakahiwalay ang papers kaya hindi ako nandiri na gawin iyon.
One thing I learned is mali sila. Hindi ganoon kadali ang umamin sa taong gusto mo, it takes risk na pagsisisihan mo sa huli. Para kang magsasalita sa maraming tao na hindi mo alam kung anong sasabihin mo.
Noon, hirap na akong magpapansin sa kanya ngayon pa kaya na alam niya na may gusto ako sa kanya?
Ang bigat sa dibdib.
I even bought expensive papers for that letter tapos itatapon niya lang? Oh my. I even used a parker ballpen para sa message ko tapos hindi niya 'yun binasa? Ang ibang materials na ginamit ko ay galing pa sa ibang bansa tapos sa basurahan lang pala mapupunta.
Isa lang ang pinaniniwalaan ko sa lahat ng sinabi nila, kapag mahal mo huwag mong susukuan.
I am not named Autumn Emery Delgado for nothing. I get what I want.
At hindi ko susukuan ang taong 'to. Limang taon ko itong tinago at ngayon pa lang ako mag-uumpisa. Hindi matatapos 'to ng isang pag-uusap at isang subok lang. I will make this man mine, wherein he will be head-over-heels for me.
"I'll make you mine, Caleb."
"You wish."
No matter what happens I will always be after him until his mine, and I promise myself that even if he's mine, I will always be after him.

YOU ARE READING
After Him
Teen FictionAutumn Emery Delgado gets whatever she wants but not for this one guy. She likes Mateo Caliber Castillio, a man who doesn't believe in love, the one who rejected her. But when she said she wants you she will do anything to have you. 5 years of want...