CHAPTER 2

25 3 0
                                    

Chapter 2

Birthday

"What should I wear?" Tanong ko kay kuya na naglalaro sa cellphone niya.

"Wear a cloth." Walang kwenta talaga itong kausap kahit kailan.

"Which do you think is better? The Rose pink or the other one?" Pangungulit ko. Itinigil niya naman ang nilalaro at saglit na  tinignan ang tinutukoy kong mga damit.

"They are both pink." Walang gana niya akong binalingan at pinagpatuloy ang paglalaro.

"They're in different shades." Pagtanggol ko.

"I prefer the one with the longer sleeves and longer skirt." Sa wakas ay sumagot siya nang matino.

"Okay. I'll wear this one." Kinuha ko ang damit na hindi niya pinili, dahilan para sumimangot siya.

"Whatever. Autumn." Inis niyang sabi at tumayo mula sa pagkakaupo.

Natatawa akong bumaling sa vanity mirror ko at namili ng hikaw na babagay doon.

"Kuya, which do you prefer? this on-"

"Stop playing, Autumn. Hindi mo rin lang pipiliin ang gusto ko." Tumawa ako nang malakas dahil sa sinabi niya dahilan para lalong malukot ang mukha niya.

I picked a pair of white dangle earrings to match with my shoes and my clutch bag.

I'm ready for tonight.

After I prepared everything, I took a bath so I can fix myself up for tonight.

Naglagay ako ng palamuti sa mukha, hindi iyon makapal, sakto lang dahil maganda na ako dati.

Alas-kuwatro na nang mag-umpisa ako na magbihis. Isinuot ko na ang dress na napili ko, kulay rosas iyon, lagpas ng tuhod ang haba at May disenyo itong mga bulaklak sa palda na palobo ang pigura. Nagsilbing takip naman ng balikat ko ang mesh na kulay pink din. 

Pagkababa ko sa hagdan, sinalubong ako nila kuya na ngayon ay nakabihis na rin.

He is wearing a black suit with a white long sleeves inside, matched with his red neck tie, also dad.

Nahuli na pala ako.

"Let's go?" Tanong ni dad.

"Yes." Sang-ayon ni kuya at tumayo na mula sa sofa. "At last!" 

"Ang ganda, mana sa akin" hirit ni mommy.

Sabay sabay kami na natawa at pumasok na sa sasakyan para pumunta sa venue.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa party, marami ang mga pamilyar na mukha ang nakita ko.

"Ilagay niyo na ang regalo natin para sa celebrant" utos ni mommy kaya pumunta kami sa gift section ng party para ilagay ang mga regalo namin.

"Caleb! You're here!" Maligayang saad ni Kuya. Hindi ko sila nilingon at pinagpatuloy ang paglagay ng regalo sa lugar na alam kong makikita niya.

"Malamang. Birthday ko 'to diba?" Umirap ito at napailing nalang sa kakulitan ni kuya.

"Akala ko nga halloween party eh. Para kang Zombie diyan." Natatawa si kuya at pati na rin ng ibang guests na nakarinig.

"Tss"

"By the way, Happy Birthday Caliber!" Malakas na sigaw ni kuya sa huling tatlong salita na sinabi niya.

Naghiyawan na ang mga tao ngunit hindi ko pa rin sila nilingon. 

Naglakad na ako pabalik sa pwesto namin kanina, nakita kong nakaupo na sila mommy.

Maya-maya ay dumating na si kuya kasama si Caleb dahilan para mabilis na napuno ng kaba ang dibdib ko.

After HimWhere stories live. Discover now