CHAPTER 1

17 3 0
                                    

CHAPTER 1

※Zenon Romero's POV※

"Help me..."

"Help me..."

I ran as fast as I could sa madilim na pasilyo but my feet suddenly became unable to move nang marinig ang pagtulo ng tubig sa kung saan at makita ang itim na pigura na papalapit na sa akin.

"Zenon... H-help me..." pagmamakaawa niya habang umiiyak na parang nag-e-echo sa paligid at kitang-kita ko ang puro dugo nitong katawan na tumutulo sa sahig na naghatid sa akin ng matinding takot.

"H-huwag kang lalapit! Huwag!"

Agad akong napabalikwas ng bangon at nasapo ang aking ulo. Naramdaman ko rin ang tagaktak kong pawis sa katawan.

I heaved a heavy sigh at agad kong kinuha ang tubig na nakapatong sa side table at inisang lagok.

"That nightmare again..." mahinang sambit ko at napapikit.

I've had those bad dreams before. I thought it would pass but for some reason ay naging paulit-ulit na lang ang panaginip na nandoon ang duguang anyo ng kung sino. I tried my best to ignore those bad dreams but they just became more and more intense recently na halos gabi-gabi ko na lang napapanaginipan. I even went to chapel, church, talked to a psychiatrist, and anywhere else that I could think of, but still...

That nightmare still keeps invading my dreams and still affecting me na halos hirap na akong makatulog.

I released a heavy sigh again, sabay gulo sa buhok ko, at napagpasiyahang bumangon na lang. I was just about to step on the tiled floor nang may makita akong kung ano sa sahig.

I quickly turned on my bedside lamp.

Nagsalubong ang kilay ko ng makita ang mga pulang likidong pumapatak na nag dulot na naman sa akin ng kaba. The red liquid that seemed like footprints stopped in front of my hanging uniform na susuotin ko mamaya sa trabaho na ngayo'y may mga bakas na rin ng dugo.

My breathing hitched nang makita ko na may mga letrang umuukit doon na kulay dugo at kasabay niyon ang unti-unting paglitaw ng itim na usok na nagbibigay hugis tao sa harapan ko.

"HE....LP.... Me..."Sabay unat niya ng duguang kamay papalapit sa akin.

Agad akong pumikit at hindi ko na magawang maigalaw pa ang aking buong katawan.

"Zen... non..."

"Please... Please, I'm begging you! Leave me alone! Ohh God, please... Please!" I pleaded desperately and prayed na lubayan na niya ako.

I'm not a religious type of person, pero simula ng bulabugin ako ng mga masasamang panaginip, sandamakmak nang dasal ang ginagawa ko at umaasa na maging sapat iyon para matigil na ang lahat nang ito.

"Z-zen..."

"Zen... Zenon anak!"

Agad akong napabalikwas ng bangon and saw our nanay Josie, mayordoma namin na nag-alalang nakatingin sa'kin.

"Nananaginip ka na naman ba ng masama, hijo?" Dinig kong tanong ni Nanay Josie habang nililibot ko ang paningin sa kwarto ko na wala namang pinagbago, ngunit damang-dama ko ang panlalamig sa buong katawan ko.

Panaginip ulit?

Pero, bakit?

Bakit parang totoo?

"Zenon, anak?" Narinig kong tawag muli sa akin ni nanay na nagpabalik sa huwisyo ko.

"P-Pasensya na, Nay." saad ko at inabutan naman niya ako ng maiinom na agad kong tinanggap at nagpasalamat pagkatapos.

"Ayos ka lang ba, anak? Ano bang nangyayari sa'yo at madalas ka na naman yatang bangungutin?" Nag-alalang tanong niya pero hindi ko magawang makasagot dahil hindi ko rin naman alam kung bakit.

Her Last MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon