CHAPTER 4
•Zenon Romero's POV•
Today is Sunday. Nandito lang ako sa dining area at tahimik lang akong nakatunganga sa harap ng laptop ko.
It's already been almost a month now since I met Zera. Inaamin ko na halos araw-araw na siyang pumapasok sa isip ko, lalo na pag weekends. I have a lot of questions na hindi ko alam kung saan hahanapin ang kasagutan.
I exit the browser na puro na ata sa paghahanap ng old news tungkol sa Memoir University, at sa kasamaang palad, wala akong mahanap tungkol kay Zera.
Pagtanggal ko sa browser ay tumambad naman ang nasa digital drawing na ginawa ko na mukha niya.
It might not be a perfect but still close enough. Mas maganda siya sa personal lalo na kapag nakangiti.
"I wonder... Why are you still at Memoir?" I asked myself.
"Oyy, kuya, sino yan ha?"
Mabilis kong sinarado ang laptop ko sabay lingon kay Denise na papalapit na at hawak pa ang baso niyang may tubig.
"Sino dinodrawing mo?"
"It's nothing." I replied at nag bukas na lang ng documents sa files ko.
"Wala ka bang pasok?" I asked her.
Umiling siya bago umupo sa tabi ko. "Wala, day off ko ngayon eh haha bakit kuya? Ayaw mo na ba kong makita?" Tanong niya.
I ignored her dahil nagbabasa na ako ng mga gagawin kong lectures for this coming week.
I can feel her staring at me kaya nagbuntong hininga ako bago siya nilingon. "Spill the beans, Zoe Denise Romero. What do you want?"
She crossed her arms bago sumagot. "You should stop sketching other woman kuya. I mean, ano na lang ang sasabihin ni Claire sa oras na nakita niya yan eh alam mo naman ang isang yon." Seryosong paalala niya na kinakunot ng noo ko.
"Bakit anong meron kay Claire at sa sketched ko?"
Zoe gave me 'Are you seriously asking me that' look sabay buga ng hangin.
"Seriously, Kuya. Alam mo namang obsessed na obsessed sa'yo yang girlfriend mo na 'yan eh. Naalala mo ba 'yung huli? Halos magpakatiwakal na dahil sa selos doon sa ka batchmate mo?" Mataray na sabi niya at napa-irap pa.
"Bakit ba kasi hindi mo na lang hiwalayan yung isang iyon para matuluyan na?" Mahinang tanong niya.
I chuckled na kinasalubong pa lalo ng kilay niya.
"Doctora, naririnig mo ba yang sinasabi mo?" Natatawang sabi ko na mas kinasama ng tingin niya.
"Malamang, ako nagsabi eh." Pilosopong sagot niya, napailing na lang ako at baling ng tingin sa ginagawa ko.
"Tch.. Nakakainis naman kasi kuya. My goodness, ano ba kasing nakita mo don? Di naman kaganda ng sobra yon sakto lang, ang arte pa kala mo kinaganda niya." Reklamo niya.
I should be upset right now because she's been bad mouthing my girlfriend for 4 years now but I didn't. Hindi dahil sa kapatid ko siya kundi dahil medyo totoo naman sinasabi niya.
"Mabait naman yon kapatid, you just didn't spend time with her." I said sabay lingon niya sakin na parang di makapaniwala.
"Are you kidding me right now, kuya? Halos mag-sabunutan na nga kami noon pag nagkikita, tapos gusto mo pang mag-bonding kami? Boxing na lang sasamahan ko pa siya." Sadistang sabi niya na agad ko ulit kinatawa and because of that ay aksidente kong na exit yung docs kaya lumabas na naman yung digital sketched ko na mukha ni Zera.
BINABASA MO ANG
Her Last Memories
General Fiction❝𝙷𝚎𝚛 𝙻𝚊𝚜𝚝 𝙼𝚎𝚖𝚘𝚛𝚒𝚎𝚜❞ Genre: Tragic, Romance, Sad Story.... ** "Memoir University" ay itinayo sa isang malaking abandonadong Mansion matagal na panahon na ang nakakaraan. Zenon Romero who had just started teaching in the university...