CHAPTER 2

10 1 0
                                    

CHAPTER 2

•Zenon Romero's POV•

Ilang araw na rin ang lumipas mula nang napadpad ako sa lumang building at nakilala si Zera. Nang araw na iyon, para bang sasabog ang puso ko at tumakbo ako nang mabilis para makalayo. My complexion turned pale, my throat was parched, my whole body was trembling kahit na nakalayo na ako sa lugar na iyon. I was so terrified but who wouldn't be kung multo na pala ang kaharap mo?

"Hey kuya, are you even listening?"

Napalingon agad ako sa kapatid ko matapos niyang ikaway-kaway ang kamay niya upang makuha ang atensyon ko.

"H-huh? What is it again?"

Agad nya akong inirapan na para bang napipikon na.

"My goodness, kanina pa ako nagsasalita rito pero hindi ka naman pala nakikinig."

"I'm sorry, okay? Ano nga ulit yung sinasabi mo?"

My sister, Zoe Denise, rolled her eyes again, sabay buntong hininga. "I said, sasabay na lang ako sayo pauwi dahil tinatamad rin naman akong mag commute."

"Why? What happened to your car?"

"Gosh, nasa shop nga diba dahil may nahanap raw na bagong sira yung mechanics kaya matatagalan."

"Ahhh.. Okay." Sagot ko na lang.

"Nako kuya, masyado ka na atang nagiging lutang lately, ayos ka lang ba?" Tanong niya at muling sumimsim ng tsaa sa tasa.

"Ahh, yea... everything's fine, pasensya na may iniisip lang." I answered sabay sandal sa swivel chair ko at tanggal sa reading glass na suot ko.

"This headache is killing me." I complained while massaging the bridge of my nose.

"Do you need meds?"

I shook my head at palumbaba habang nakatitig sa kanya na kinataas naman ng kilay niya sa paraan na para bang nagtatanong.

"Hey Denise, do you believe in ghosts?" Diretsahan kong tanong kay na kinakunot naman agad ng noo niya.

"Ghost, as in spirit?" Paglilinaw niya.

"Oo. Ghost, spirit. Multo."

Denise threw a piercing look then slightly squinted her eyes afterwards. "You're asking weird stuff, dahil na naman ba yan sa mga nightmares mo?"

I shook my head. "No, it's not. Tinatanong ko lang kung naniniwala ka ba" sagot ko.

Mukhang napaisip siya at sumandal sa kanyang kinauupuan habang nakahalukipkip.

"Well... honestly, kahit nasa larangan ako ng siyensiya, naniniwala pa rin ako na may mga bagay na hindi madaling maipaliwanag, lalo na tungkol sa mga multo. Kung sasabihin ng mga tao na nakakita sila ng kaluluwa, maniniwala ako sa kanila. Pero kung nagsisinungaling lang sila, bahala na sila. Ang punto ko, nasa bawat tao talaga kung paano nila kokontrolin ang mga paniniwala sa bagay na 'yan." Sagot niya at napa poker face naman ako.

"I just asked you a simple question, oo o hindi lang ang sagot na gusto ko. Hindi mo na kailangan magpaliwanag."

Denise proudly smirked while raising her brows at naghawi pa ng buhok niya.

Her Last MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon