Chapter 5
•Zera's POV•
It's already Monday, and here I am waiting for Zenon habang nakasandal sa pader, hanggang sa hindi ko napansin na ako na lang ang naiwan sa labas dahil pumasok na ang mga estudyante sa mga classroom nila.
"Zenon, where are you? Hindi ka ba papasok?" I asked at napaupo na lang. My day will be the same again, walang makakausap.
Nakadama ako ng lungkot. Napatungo na lang ako sa mga tuhod ko. I heard a foot step that stopped in front of me kaya agad akong napaangat ng tingin.
My lips curved into a smile at agad tumayo ng makita si Zenon sa harapan ko na diretso lang ang tingin sa empty hallway na parang hindi ako nakikita na nasa tabi niya.
"Zen, bakit ngayon ka lang? I almost thought na hindi ka papasok ngayon." sabi ko at pumunta sa harapan niya.
Natigilan ako dahil hindi siya nag-react. Hindi niya man lang ako tinignan at nagpatuloy na siya sa paglalakad habang nakasunod lang ako nang tahimik dahil baka magalit siya sakin kung kukulitin ko pa.
May kinuha si Zenon sa bulsa niya na sinundan ko lang ng tingin at nakitang kinuha ang phone nya.
"Hello, Love.." bati niya doon sa kausap niya.
He even smiled na parang masayang-masaya habang kausap ang kung sino.
“Kailan ka ba bibisita so I can take you out on a date."
Napatungo naman ako habang nakasunod lang. Date? Is that what they do when in the relationship? May girlfriend na ba siya?
“Ok, don't worry. I'll wait.” Zenon said.
Huminto si Zenon kaya tumagos ako sa kanya dahil nakasunod lang ako.
"I miss you." He added na agad kong kinalingon.
Nagtama ang mata namin pero agad nyang dinako ang tingin niya sa ibang lugar sabay patay na ng tawag.
“Zen, galit ka ba?”
Imbes na sumagot ay tumagos siya sa’kin na parang hindi niya na talaga ako nakikita pa na nasa harapan niya lang.
Muling humakbang si Zenon. My eyes are starting to get clouded because of my tears that are about to escape.
"H-hindi mo na ba ko nakikita Zen?" Mahina kong tanong.
Huminto si Zen. Akala ko ay dahil sa’kin pero yun pala ay dahil magtatali lang siya ng sintas niya ng sapatos at nag umpisa na ulit syang maglakad palayo.
I just watched his back hanggang sa tuluyan na syang lumiko papasok sa classroom.
I shook my head and forced a smile on my lips at nagtungo sa classroom niya. Naabutan ko si Zenon na nagsisimula na kaagad mag discussed sa klase.
"Their names are simply capitalized nouns so, for example, Eros is "Love" and Thanatus is 'Death'.."
Maingat akong pumunta sa bandang likuran.
Natigilan si Zenon. He cleared his throat at nag focus na muli sa librong hawak niya kaya tumuloy na muli ako papasok.
"Hi.." Bati ko sa lalaking nakaupo. "I'll take this vacant seat na muna ah?" Paalam ko pa kahit na alam kong hindi niya naman ako naririnig.
Nang maupo ako, muli akong napalingon kay Zenon dahil nag-cleared throat na naman.
I wonder If he's ok.
He continued again but this time humarap na siya sa whiteboard at nagsulat.
“In total, there are almost 100 spirits in Greek Mythology. They are not necessarily evil spirits, but more of representatives of concepts or entities in Greek mythology.”
BINABASA MO ANG
Her Last Memories
General Fiction❝𝙷𝚎𝚛 𝙻𝚊𝚜𝚝 𝙼𝚎𝚖𝚘𝚛𝚒𝚎𝚜❞ Genre: Tragic, Romance, Sad Story.... ** "Memoir University" ay itinayo sa isang malaking abandonadong Mansion matagal na panahon na ang nakakaraan. Zenon Romero who had just started teaching in the university...