CHAPTER 3

9 0 0
                                    

CHAPTER 3

•Zenon Romero's POV•

Maaga akong pumasok sa Memoir University ngayon dahil ayaw ko rin naman mag-stay sa bahay namin at mag-aksaya ng oras dahil marami pa akong kailangan ihanda para sa diskusyon ngayong araw.

I was peacefully walking in the hallway, may mga estudyante rin na bumabati sa akin nang bigla na lang may lumitaw sa pader.

"Boo!" Pang gugulat ni Zera.

Napa-atras ako, dama ko rin ang malakas na pagkabog ng dibdib ko na pilit kong hindi pinapahalata dahil may mga estudyante rito sa paligid.

"Hahaha good morning Zen!" She greeted me and she's even smiling widely bago tuluyang lumabas mula sa pader.

I ignored her at mabigat ang hakbang ko papunta sa sulok habang naka-sunod naman siya sa akin.

"Zenon, how's your sleep?" She asked.

Agad ko siyang nilingon nang makita kong wala nang tao sa paligid.

"Can you please stop doing that?!" I asked at galit siyang pinagmasdan. "You think it's funny?!" medyo napalakas na tanong ko pa kaya napa-atras naman siya.

"I-I'm sorry, I-I didn't mea~" I cut her words.

"I didn't what ha?! You didn't mean it?!" I asked furiously.

Tumungo si Zera, fidgeting her fingers again na parang bata na napapagalitan.

"Please lang. Utang na loob Zera, wag kang basta-basta susulpot sa paraan na gusto mo dahil hindi ka na nakakatuwa!"

She harshly wiped her tears away at pigil ang bawat paghikbi. "I-I'm not really trying to scare you, I-I'm sorry..."

Nag-angat siya ng tingin at parang may kumurot naman sa dibdib ko dahil nahikbi na rin siya.

"I'm really sorry, h-hindi ko na uulitin, aalis na muna ko." Paalam niya.

Pinagmasdan ko lang si Zera na ngayo'y papalayo na habang nakayuko at kita ko pa ang pagtaas-baba ng mga balikat niya dahil sa pag-iyak ng tahimik.

Napakuyom ako. Imbes na habulin siya, tumalikod na rin ako because it's better na hindi na kami maglapit pa.

I'm already here inside my class and teaching my students. I tried to focus but got distracted most of the time dahil hindi mawala-wala sa isip ko ang ngiti ni Zera nang makita niya ako kanina na napalitan ng matinding lungkot nang umalis siya.

Tumunog na ang bell kaya nagsitayo na ang mga estudyante, hindi ko na namalayan na dismissal time na pala.

"Bye po Prof.Romero." Bati ng mga estudyante na nadaraanan ko. I just slightly nod my head and ignored some na nagbubulungan na kesyo sayang daw ang gwapong itsura ko dahil suplado, di namamansin.

I'm here to work, not to flirt with my students or co-workers.

I sighed at liliko na sana ng mahagip naman ng mata ko si Zera kaya napahinto ako. She's holding the railings at nakatanaw lang siya sa malayo.

Gaya ng una ko siyang nakita, puno na naman ng kalungkutan ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang mga estudyante na nagsisibalik na sa mga dorms nila.

Her Last MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon