Chapter 30

34 1 0
                                    

Mariel POV

"Walanghiya ka! Aiessa! Makakaganti rin ako sa ginawa mong pag papalayas sa akin! Makikita mo!" Himutok niya sabe habang naglalakad palabas ng subdivision nila Aiessa. Nang makarating na sa sakayan pumara siya ng taxi at nagpahatid sa bahay ng kanyang ate Jemalou. Alam niyang hindi siya hihindian nito. Eto lang bukod tangi niyang kakampi sa lahat. Ang mga lecheng pinsan nya, ayun nagkampihan laban sa kanya! "Well anong paki alam ko?! Edi magsama sama kayo" sagot nya sa isip nya. Nang makarating agad siya bumaba at nag doorbell. Matagal bago bumaba ang kanyang ate.

" Mariel?!" takang sabe nito nang makita siya

"Ate, pahinge muna ako pambayad ng taxi" paawang sabe niya dito. Agad naman pumasok sa loob ang kanyang ate at kumuha ng pera, pagkabayad agad sila pumasok sa loob ng inuupahang bahay nito.

"Anong nangyare at bigla ka napasugod at madaling araw pa?!" tanong nito sa kanya

" Pwde ba dito muna ako makituloy?!"

"Mariel, anong nangyare?!" medyo naiiritang tanong ng ate niya

" Nag away kame ni Dennis, ayoko muna umuwe" kaswal na sagot nito

"Bakit ba ayaw mo pa hiwalayan yang lalaking yan?! Nakikita mo ba sa sarili mo sa salamin?" sermon nito sa kanya

" Ate bukas na tayo mag usap, inaantok na ko!" sabe niya dito at sabay akyat sa taas. Meron din naman siya kuarto sa bahay ng ate niya. Kahit may pamilya na ito alam niya hinde siya nito pababayaan.

Tiningnan nalang ni Jemalou ang kapatid habang paakyat ito. Napailing nalang siya at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Buti nalang nasa biyahe ang kanyamg asawa, isa kase to pahinante at lingguhan kung umuwe. Malamang pag aawayan nila itong mag asawa. Wala naman siya magagawa kung hindi kupkupin ang kapatid. Simula nang malaman ng lola niya na si Mariel ang kumukuha ng mga nawawalang pera nito sa mansion pinalayas na ito, dahil sa awa at naniniwalang magbabago ito sinamahan niya itong umalis. Noong nangyare ang issue kay Aiessa at dito hindi siya naniwala na magagawa ito ng kapatid, kaya medyo galet pa nga siya at nairita na pinagtutulungan ng mga pinsan niya ang kapatid kaya noong pinaalis ito, sinamahan niya na. Pero noong umuwe sila ng asawa galing Bulacan nakita nila mismo sa loob ng kuarto nila na gumagamit ng drugs ito kaya nagalet ang asawa at pinalayas ito. Nakiusap nalang siya na ipaparehab ang kapatid para hindi ito mapariwara lalo, hindi kumibo ang asawa niya pero nagbitaw ng salitang huwag na huwag patuluyin ang kapatid kapag andito ito sa bahay. Pumayag nalang siya para walang pagtalunan. Napatingin siya sa orasan. Alas singko na nang umaga. Napag pasiyahan niyang magluto na nang almusal at simulan na ang trabahong bahay. Simula nang umalis sila sa lola niya wala na sila nakuhang tulong dito, dahil na rin sa galit ng lola niya kay Mariel, pati siya tinabla. Pero nakakapunta pa rin naman sila mag anak sa mansion pero ramdam niya ang galet ng lola niya. Kaya nagtiyaga nalang sila mag asawa sa munting tindahan na nakuha nilang mana mula sa lola niya. Kahit mahirap nagtitiis sila lalo na may anak na sila na nag aaral.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon