Dumaan ang araw, buwan at taon. At eto na ang pinakahihintay nila magkakaibigan. Ang pag tanggap ng kanilang diploma. Masaya na sana kaso hindi nakauwi ang kanilang mommy at daddy. May biglaang emergency meeting ang mga ito sa Paris at hindi pwde hindi mapuntahan. Nangako ang mommy niya na papadalhan siya pera bilang regalo ng mga ito sa kanila. Ito ang nakakalungkot na parte ng buhay niya. Sunod silang dalawa ng kanyang kuya sa luho pero kulang na kulang sila sa atensyon ng kanilang magulang. Naputol lang ang pag mumuni niya ng pumasok si Khaye sa ladies room.
"Kanina ka pa hinahanap nila Kuya Marion at Ate Joy, andyan ka lang pala"
"Nagreretouch lang ako bes" pagdadahilan niya.
"Ay naku! Huwag ako no! Kitang kita sa mata mong singkit ang lungkot" pambabara sa kanya nito.
"Nalungkot lang ako bes, alam mo naman napakaimportanteng araw to sa akin pero wala sila" tukoy niya sa mga magulang niya
"Alam mo ok lang yan, balita ko papadalhan ka naman euro nila tito eh, keribels lang un. Iset naten nila Pia ang pagliliwaliw after ng graduation" pag papagaan ng loob nito sa kanya.
"Kaw talaga! Palibhasa umattend si Tita Edith sa iyo"
"Umattemd nga pero kanina pa nagrereklamo kase may hearing case pa daw siya aattendan" nakairap nitong saad.
Natatawa siya dito sa best friend niya. Parehas kase sila na busy ang mga magulang ang pagkakaiba lang ay andito ang parents nito at ang kanya asa abroad.
"Ano?! Tara na!? Nspottan ko na may kasama guapito si ate Joy! Pakilala tayo sa doon" makiri nito sabi
"Huh?! Guwapo? Eh si kuya lang kasama namin lalaki kanina eh. Malandi ka, pati si kuya??!" Pinanlalakihan niya ng matang sabi niya dito
"Baliw! Hindi noh! Di kame talo ni kuya! Hahaha" natatawa nito sabe
"Eh sino?! 🙄🙄" nagtataka niyang tanong
"Lumabas na kase tayo dito at ng makita mo" nagmamadali nitong hatak sa kanya
Paglabas nila dumirecho sila sa lobby at nakita nga niya yung sinasabe ni Khaye. Nakatingin sa kanya ito kaya bigla siya naconcious.
"Saan ka nagpunta at antagal mo?!" tanong ni Marion sa kanya
"Sa powder room lang kuya"
"Aiessa, congrats!" bati sa kanya ni Joy sabay halik. Kasintahan ito ng kuya niya
"Salamat ate." niyakap niya ito.
"Ehemm" biglang singit ng lalaking kasama ng mga kuya niya.
"Anyway, Aiessa, this is Joshua, my brother" pakilala ni Joy dito
"Hi.." nakangiting bati nito sa kanya sabay lahad ng kamay
"Hello" inabot niya ang kamay nito at nakipag kamay. Hindi niya alam bakit bigla siya nakaramdam ng kuryente kumiliti sa buo niyang katawan
"Congrats" bati nito sa kanya na hindi pa rin binibitawan ang kanyang kamay
"Salamat 😊😊" namumula niyang sagot
"Joshua, baka gusto mo nang bitiwan ang kamay ng kapatid ko?" Paalala ng kuya niya dito. Nahihiyang binitawan nito ang kanyang kamay saka ngumiti sa kanya.
Pasimple siyang kinurot ni Khaye para paalalang pakilala siya kay Joshua.
"Joshua, bff ko si Khaye"
"Hi, Khaye" ngiting bati nito.
"Hi, Joshua" maarteng ganting bati nito
"May boyfriend na yan Joshua" singit ng kuya niya habang tumatawa
"Kuya Marion naman eh".. reklamo kunwari Ni Khaye 😩😒
Nagtawanan na lang sila sa reaction nito.
"So paano Aira Katharina mauuna na kame Nila Aiessa at may pahanda sa bahay. Pumunta na lang kayo mamaya" paalam na pagsasabe ng Kuya nya
"No problem Kuya. Sasama ko si Jamir mamaya ah. " tukoy nito sa kasintahan
"Sige. Sama mo ren si Juan Paolo at matagal tagal ko na ren nde nakikita yun"
"Hmmp. Sasama ko si kuya Pao? Eh nde nga nya trip si Jamir" irap nito sabe.
"Eh paano lampa daw si Jamir kalat sa buong Brod namen nilasing Ni Pao tapos doon nakatulog sa labas ng gate nyo " nakakalokong sabe Neto
"Seryoso Kuya?😱😱" gulantang na tanong Ni khaye. At nahalata nya nag iba na ng timpla ng mukha kaya nagsegway na siya
"Siyempre niloloko ka lang Ni Kuya ko, DBA kuya? 😳😳 pandidilat nya sabe sa kapatid
--FastForward--
6pm, sa Cartiquerra Mansion
Habang nag aayos si Aiessa ng sarili habang nasa kuarto ng may kumatok sa pintuan nya, binuksan niya to at bumungad ang kuya niya
"Bilisan mo at andyan na ang Talledo" pagpapaalam sa kanya
"Sige at susunod na ko" saad nya
Tinapos nya ang pag aayos at lumabas na ng kuarto.
Pagbaba nya sa sala naririnig nya na ang ingay ng mga pinsan nya at ng mga bisita nya. Nagpahanda ang lola nya sa Amiga nya na may business ng catering at nde magkandaugaga ang mga katulong nila sa pag estimates
"Aiessa! " tawag sa kanya ni Joy
"Ate" humalik siya dito
"Antagal mong bumaba at Kanina ka pa hinihintay ni Joshua"saad nito na may halong panunukso
"Hi, Aiessa" nakangiting Bati sa kanya nito
"Hi, Joshua" ganting Bati nya dito
"Pasensya ka nga pala at Eto lang nakayanan kong bigay sau" sabay abot sa kanya ng box na mahaba.
"Bat nag abala ka pa, salamat" nakangiting sabe nito habang kinuha ang regalo
"Kumaen muna Kayo dalawa ng makasabay na kau sa party hinanda ni lola" Sabat naman ni Roanne
BINABASA MO ANG
This Time
RomanceBata pa lang sila alam na nilang gusto na nila Joshua at Aiessa ang isa't isa. Kaya naman nang sumama si Joshua sa graduation ni Aiessa hindi niya na ito pinakawalan hanggang naging mag asawa sila. Ngunit nasira ang kanilang pag sasama nang makita n...