Airport. Terminal 3
"Ate, sure ka ba na 3pm ang dating nila Aiessa?" naiinip na tanong ni Joshua.
"Oo. Yun ang sabe ni mommy sa akin noong tumawag" sagot ni Joy habang nag aantay din.
" 2hours na tayo dito at wala pa sila." sagot niya dito sabay tingin sa relo
"Alam mo kung naiinip ka na pwede ka naman umuwe" iritang sabe ni Marion sa kanya. Nasa likod na pala nila ito.
Hindi nalang niya sinagot ito at baka magpang abot sila. Tsaka naiintindihan niya ang kanyang bayaw bat ganun pa ito sa kanya.
Mamaya maya lang nakita na nila lumalabas ang kanyang mag iina sa screen ng tv. Bigla siya nakaramdam ng kaba. After ng limang taon ngayon lang ulet niya nakita si Aiessa. Medyo nagkalaman na ang kanyang asawa at lalong gumanda. Hindi na siya makapag antay na lumabas ang mga ito pero natatakot siya baka mamaya hindi siya pansinin nito. Ilang minuto lang at lumabas na nga ang mga ito. Nag sisigaw sa tuwa ang bunso nilang si Yshine nang makita siya. Bigla itong tumakbo at lumapit sa kanya.
"Daddy! Daddy!" sigaw na tawag sa kanya.
Kinarga niya kaagad ito at hinalikan.
Lumapit din ang kanyang panganay na si Mikhail. Kinarga nya rin ito at hinalikan. Pinigilan nya umiyak dahil nakasama at nayayakap niya ang kanyang kambal.
"Ang tagal niyo ah" untag ni Marion kay Aiessa
"Hay naku kuya. Grabe ang daming tanong ng mga officer about sa mga bata. You know naman ang embassy sa italy, hindi ko kaagad nahanap ang authorization letter" sabe ni Aiessa.
"Musta ang biyahe Aiessa" nakangiting tanong ni Joy sabay halik sa pisngi nya
"Okey naman ate, kaya lang sinumpong ng hika yang si Mikhail. Grabe." sagot niya
"O paano tara na? Nang makapahinga na ang mga bata" aya ni Marion sabay kuha ng kanyang mga maleta.
"Mommy hindi mo ma lang ba ikikiss si Daddy?" nagtatakang tanong ni Yshine
Nagkatinginan sila at mabilis siyang umiwas ng tingin sa asawa.
"Ikaw talaga bata ka. Nakakimutan lang ni mommy, tsaka dapat si daddy ang magkikiss" sagot ni Joshua at bigla lumapit sa kanya sabay kiss sa lips.
Nagulat siya sa ginawa ng asawa. Hindi naman siya makareact at nakatingin ang kanilang mga anak. Nag patiuna na siya ng lakad at sumunod na sa kanyang hipag na inaantay ang kanyang kuya na nasa sasakyan na.
Sumakay siya sa unahan ng sasakyan at naintindihan ito ng kanyang hipag. Inantay nila makasakay ang kanyang mag aama at umalis na.
"Daddy doon ba tayo sa house nyo tutuloy?" inosenteng tanong ni Yshine kay Joshua
"Ahmm.. Yshine, doon kayo matutulog.." sabat ni Marion ngunit hindi natuloy kase bigla nagsalita si Joshua
"Yes baby. Doon tayo tutuloy sa bahay natin. Pinaayos at pinalinis ko na yung mga kuwarto" sabe ni Joshua.
Nakita naman ni Aiessa ang pag tiimbaga ng kanyang kuya kaya hinawakan at pinisil niya ang kamay nito para sabihin okey lang. Nakakaramdam siya ng tensyon sa dalawang lalaki.
"Andoon kase si Lola Fina ninyo sa bahay niyo at inaantay kayo" sabe naman ni Joy para maiba.
"Tita may pasalubong po kame kay Lola Fina. Magugustuhan nya po un" sagot naman ni Yshine
"Siyempre tita may pasalubong din ako sa iyo tska kay MJ" sabat naman ni Mikhail
"Wow naman! Ang swesweet naman ng mga pamangkin ko" natatawang sabe ni Joy.
BINABASA MO ANG
This Time
RomanceBata pa lang sila alam na nilang gusto na nila Joshua at Aiessa ang isa't isa. Kaya naman nang sumama si Joshua sa graduation ni Aiessa hindi niya na ito pinakawalan hanggang naging mag asawa sila. Ngunit nasira ang kanilang pag sasama nang makita n...