Chapter 13

29 1 0
                                    

Napagkasunduan nila na sa judge nalang sila magpapakasal. Nirefer naman sila ng Tito Senyong niya sa kumpare nitong judge. Pinagamit naman ng Tito Bernie ni Joshua, ang tatay ni Bernard at Billie, ang pag aari nitong resort sa Laguna para sa venue. Inuunti unti na rin nila ang pagbili ng mga souvenirs, singsing. Ang Tito Denver ni Joshua, tatay ni Dennis at ang paggawa ng cake. May pag aari kase itong bakeshop.

Cartiquerra Residence

"Mariel ano ba un mga pinagsasabe mo kay Billie sa text at nagagalit sa akin?" sita ni Abby kay Mariel habang kumakaen ang una.

"Sinabe ko lang naman na madaling araw ka na umuwe at may naghatid sayong lalaki" mataray nitong sagot

"What??..! 😲😲.." nanlalaking matang react ni Abby

"Why did you do that?! Bakit nakikialam ka sa amin?" bulyaw ni Abby dito

"Naawa kase ako sa kanya my dear cousin, ang hirap sa iyo masyado ka maharot! May boyfriend ka na lumalandi ka pa sa iba" matapang pa nitong sabe kay Abby

"Hindi mo alam ang pangyayari and besides hindi ko kelangan mag explain sa iyo. Kung sa tingin mo masisira mo kame dalawa nagkakamali ka Mariel" galit na sabe ni Abby

"Tska nga pala, bago mo ako pakialamanan sa ginagawa ko , ayusin mo yang kuarto mo, kasi sumisingaw sa labas yung usok eh. Lumelevel up na ba ang tinitira mong drugs my poor cousin? O wala ka nang pera kaya pati shabu pinapatapos mo?!" sarkastic na pagsasabe ni Abby dito. Hindi ito kumibo kaya nagpatuloy pa siya

"I told you my dear cousin huwag na huwag mo ko pakikialamanan baka ibunyag ko pa ang nalalaman ko tungkol..." Isang sampal ang natanggap ni Abby mula Kay Mariel kaya napahinto Ito sa pagsasalita

"Don't you dare Abby! You don't know me!" matalim na salita ang sabe ni Mariel

Biglang sinabunutan ni Mariel si Abby. Doon naabutan ni Aiessa nag aaway ang dalawang pinsan. Inawat niya ang mga ito, bigla siya tinabig ni Mariel at tumama any tiyan niya sa kanto ng lamesa.

"Aray!" Impit na sigaw niya

"Yan ang napapala ng pakilamera" ngising sabe ni Mariel at umalis na

"Aiessa" lapit ni Abby sa kanya.

"Sorry, nadamay ka pa" saad nito habang tinutulungan siya tumayo

"Masakit Abby" hirap niya sabe

"Shit! Aiessa may dugo!" tarantang sabe nito nang makitang may umaagos na dugo sa hita nya

"Manang Simang! Mang Doryo!" sigaw ni Abby

Nagmamadali naman pumunta  si Manang Simang ng marinig na tumatawag si Abby

"Diyos ko! Mahabaging! Aiessa" sigaw ni Manang Simang ng makita ang kalagayan Nita

"Tulungan nyo KO! Yung baby KO! mahina niyang sabe habang umiiyak

Agad agad naman nagtulong si Abby at mga katulong para buhatin siya palabas ng bahay at ng maisakay sa sasakyan. Nagmamadaling binuksan ni Aling Simang ang gate para mailabas ang sasakyan. Sumama sa hospital si Abby at binilinan si Manang Simang tawagan ang mga pinsan nila para malaman ang nangyare.

"Aiessa .. Sorry Aiessa pati ikaw nadamay" umiiyak na sabe nito sa kanya

"Don't leave me Abby, yung baby ko" mahina niyang sabe

"Maliligtas kau Aiessa, hold on lang. Malapit na tayo sa hospital" sabe ni Abby.

Maya Maya lang at narating na nila ang hospital at dinala siya sa emergency room ng magamotl

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon