Chapter 18

46 2 0
                                    

Tinanghali siya ng gising kinabukasan. Mag isa nalang siya sa kama. Kaya tumayo na siya at inayos ang kanilang higaan. Pumunta siya sa banyo para magshower. Dito na rin siya nagbihis at baka pag labas niya andoon na naman ang kanyang asawa.

Inaayos niya ang kanilang gamit biglang pumasok ang kanyang mag aama.

"Aiessa, tumawag si lola sa akin. Doon na daw tayo maglunch sa kanila" sabe nito sa kanya

"Ahmm. Sige pero aalis din ako ng after lunch." casual nyang sagot

"Saan ka pupunta?" tanong nito habang pinupunusan ng pawis si Mikhail

"Its none of your business" sagot niya

"Im still your husband, so i have a rights to ask" malakas at may madiin nitong sabe

Bigla naman nag init ang ulo niya sa sinabe nito

"Really? Husband? As far as i concerned naputol na yun five years ago" asik niya dito

Sasagot pa sana si Joshua ng bigla nagsalita ang kambal

"Are you fighting?" inosenteng tanong ng mga ito

Bigla naman siya kumalma. Hindi nga pala alam ng mga ito na hiwalay na sila. Nag breath-in, breath out siya.

"Nope babies, kahit kelan hinding hindi ko aawayin ang mommy nyo. Mahal na mahal ko yan" saad ni Joshua sabay niyakap siya nito. Hindi na siya nakapalag dahil andun ang mga bata. Bigla siya nakaramdam ng kuryente sa paglakadikit ng kanilang katawan. Ano ito? May pagmamahal pa ba siya sa asawa? No! Aiessa! No! Sinaktan ka niya! Kaya kayo andito, para sa mga bata. Sabe ng kanyang isip. Inalis niya na ang pagkakayakap nito sa kanya at nag iba ng usap.

"Okey kiddos, ayusin nyo na ang mga pasalubong nyo sa mga titas and titos nyo. Pati na rin yun binili naten jewelry for lola Sally" utos niya sa mga bata. Agad naman sumunod ang mga ito at inilagay sa mga bags.   Tinulungan niya na ang mga anak para hindi na siya malapitan or makausap ni Joshua.

Napatingin na lang si Joshua sa asawa habang tinutulungan ang kanilang mga anak sa pag aayos ng mga pasalubong. Alam niya na mahal pa siya ng asawa. Naramdaman niya yun. Kaya hindi siya titigil hanggat hindi siya nito napapatawad. Eto na ang pagkakataon para gumawa siya ng hakbang para mabuo na ang kanilang pamilya. Laking pasasalamat niya sa mga biyenan niya. Noong pumunta siya sa Italy para makipag ayos sa asawa, ang una niyang kinausap ang kanyang biyenang lalaki. Humingi siya ng tawad dito at ipinaliwanag ang nangyare. Sumunod naman ang biyenan niyang babae. At pinatawad naman siya kaso sinabihan siya na hayaan niya muna si Aiessa na yun naman ang ginawa niya. Nag antay siya. Nag tiis siya sa mahabang panahon. Lahat ng mga pangit na alaala sa bahay nila pinatanggal niya. Pati ang kamang naging saksi ng kanilang hiwalayan pinalitan niya. Pasalamat na rin siya sa asawa kase kahit papaano hindi nito pinagkait ang mga bata. Tumayo na siya para maligo. Nagbibihis na siya ng marinig niyang may kausap ang asawa sa cellphone

"See you guys around 3pm. Are you going to pick me or ill take a grab?" sabe ng asawa niya

"Oh! Yeah! Alam ko naman hindi mo ko matitiis. Orayt.  O paano bibihisan ko na yung kambal ko. Bye" pagtatapos ng usapan ng asawa niya

Sino kaya kausap ng kanyang asawa..? Ayaw niya na magtanong at baka saan na naman mapunta ang usapan nila. Nagpatay malisya na lang siya at tinanong niya kung pwde na sila umalis. Binuhat nya na ung mga pasalubong ng mga anak niya para sa mga pinsan nila. Tahimik na lang siya nag aantay sa sasakyan.

Nagtaka naman si Aiessa sa inasal ng asawa. Pero binalewala niya nalang. Ayaw niya makipag argumento. Umupo siya sa unahan dahil bawal ang bata umupo dito. Wala silang imikan hanggang makarating sila sa mga lola niya. Feeling nostalgic siya. Tuwang tuwa ang kanyang lola ng makita siya. Medyo pumayat ito pero nanatili sa postura nito ang pagiging istrikta. Ang kanyang mga pinsan naman ay may mga anak na rin maliban kay Abby. Kakasal lang nito noong  papasok palang mg taon. Binigay na kaagad ng kanilang kambal ang mga regalo. Andame nila pinagkwentuhan. Kumustahan. Maya maya lang ay  nagpaalam na siya sa mga ito. Sinabe niya na kikitain nya ang mga kaibigan nya noong highschool. Isasama nya sana ang mga anak pero sinabe kaagad ni Joshua na siya na ang mag aalaga sa kambal. Umalis na siya nang dumating na ang kanyang sundo.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon