Chapter 22: Claim

2.2K 186 5
                                    

Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng sinasakyang kabayo.

Masama ang kutob ko sa mga mangyayari. Alam ni King Louis IV ang kung anong kayang gawin ng Tyrants. Alam nito ang kakayahan nila at kung ginamit niya ang ability niya para makausap ako, para balaan ako sa mga mangyayari, natitiyak kong mapapahamak talaga ang mga ito. Damn! Kailangan kong makabalik sa Northend sa lalong madaling panahon!

"Yah!" Sigaw kong muli at mahigpit na napahawak sa tali.

Ilang minuto ang ginugol ko hanggang sa marating ko ang palasyo. Agad akong sinalubong ng isang kawal at noong tumigil na sa pagkilos ang kabayo ay mabilis akong bumaba rito. Ibinigay ko sa kawal ang tali ng kabayong sinakyan at mabilis na humakbang papasok sa main gate palasyo.

Hindi ko na binibigyan pansin pa ang mga dinaraanan. Mas binilisan ko pa ang pagkilos at noong marating ko ang silid kong saan palagi kaming tinitipon ng hari, mabilis akong pinagbuksan ng dalawang kawal na siyang nagbabantay ng silid.

"Paano ka nakakasigurong ang Phoenix ito?" Boses ni Alessia agad ang narinig ko pagkatapak ko sa silid. "Wala na sa henerasyong ito ang nakakita sa kung anong itsura ng guardian."

"Nakita ko ito." Ani ng isang babaeng hindi pamilyar sa akin. "My ability allows me to see things and to see what is bound to happen."

Hindi ako gumawa nang kahit anong ingay at nakinig lamang sa kanila. Nagpalitan pa ng mga salita si Alessia at ang babae at tila ni isa sa kanila ay ayaw patalo.

"Captain Mary!" Ani Jaycee noong mapansin ako sa may pintuan. Agad namang natigil ang lahat at halos sabay-sabay na bumaling sa puwesto ko. "Nakabalik ka na pala... wait, what happened to you?" Tanong nito at mabilis na lumapit sa akin. Hindi ako kumibo at tumingin lang sa babaeng kausap nila kanina.

Ito ang tinutukoy nilang panauhin ng hari. Ang nagsabi sa hari sa lokasyon ng Phoenix ng Azinbar, ang isang makapangyarihang nilalang sa mundong ito.

"Your body... Captain, what happened?" Tanong muli ni Jaycee at sinuri ako. Mabilis na kumilos ang iba pang miyembro ng Tyrants at nilapitan kaming dalawa ni Jaycee. Tahimik ding sinuri nila ang kalagayan ko.

"Sino ang nakalaban mo, Captain? Bakit duguan ang damit mo? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Alessia sa akin. Bumaling ako dito at tipid na tinanguhan ito.

"I'm fine. I used my healing magic to heal my wounds." Sambit ko at inisa-isang tingnan ang Tyrants. "I told you not to do anything. Anong ginagawa niyo dito? Hindi ba dapat nagbabantay kayo sa boundary ngayon?"

"Forget about it.Let me heal your wounds first, Captain," ani Jaycee at itinaas ang dalawang kamay. He casted a spell on me and heal my minor wounds. Damn. I was worried earlier that I even forgot about it! Ni hindi ko naisip ang mantsa ng sariling dugo m sa damit ko!

"What happened, Captain?" Maingat na tanong ni Amell sa akin.

"Let's discuss about it later," wika ko at binalingan ang babaeng bisita ng hari. "Who is she?"

"I'm Aviana from the realm of Evraren." Sambit ng babae at bahagyang yumukod. "I'm here because of my precognition."

"Precognition?" Tanong ko at nagsimula nang maglakad palapit sa puwesto nila. Tapos na ring pagalingin ni Jaycee ang mga sugat ko kaya naman ay bahagyang gumaan na rin ang pakiramdam ko. "What about it?"

"Captain Mary." Natigilan ako noong tawagin ako ng hari. Humarap ako sa kanya at yumukod. "Are you okay? Anong nangyari kay Rupert?"

"Rupert?" Halos sabay-sabay na sambit ng Tyrants. Napabuntong-hininga na lamang ako at umayos nang pagkakatayo.

Realm of the NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon